Rain.Boys II DripDrop: 21.1

2K 100 0
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        Nagmamadali akong tinungo ang sakayan ng jeep para mabilis na makapunta sa university upang makausap si Sir Leo sa mga nalaman ko at maipakita sa kanya ang ebidensiyang hawak ko na ibinigay sa akin ni John. Hindi ko akalain na darating yung time na siya pa ang tutulong sa amin.

        Kung pwede ko lang agawin ang manibela kay manong driver ay ako na ang nagdrive, kung kailangan na paliparin ko ang jeep gagawin.

        “Manong pwede po ba na pakibilisan pakiusap po may kailangan po kasi mahabol na sobrang mahalaga, pakiusap manong.” ang sabi ko.

        “Naku ijo gusto ko man pero masiyadong mabagal ang mga sasakyan sa unahan, palagay ko ay trapik.” ang sabi ni manong sa akin.

        Mula sa mabagal na takbo ay halos di na gumalaw yung jeep dahil nagtrapik na nga, dahil talagang nagmamadali ako at sa tingin ko ay kakayanin ko naman na marating ang university pagtinakbo ko ay bumaba na ako agad ng jeep at sinimulan ko ng tumakbo papunta sa university.

        Halos madapa ako sa pagmamadali ko makarating lang sa university, mapigilan lang ang pag-alis ni Drip. Mas dinoble ko pa ang bilis ko at humanap ako ng mga pwedeng lusutan na daan para masmapabilis ako na makarating sa university.

        10:30AM ang eksaktong oras ng makarating ako sa university, halos maubusan na ako ng hininga sa sobrang hingal ko, halos di na ako makapagpatuloy pa sa paglakad pero pinilit ko ang katawan at mga paa ko dahil kailangan ko, dahil para to sa taong mahal ko.

        10:50AM nang makarating na ako sa room ni Sir Leo, hindi ko na nagawang kumatok pa sa halip ay nagdirediretso na ako ng pasok na kinagulat pa ni Sir Leo.

        “Susmaryosep kang bata ka, ginulat mo naman ako, teka bakit hingal na hingal ka?” ang gulat na tanong ni Sir Leo.

        “Sir Leo...” ang sabi ko dahil sa hingal ay nahihirapan na akong magsalita. Nilapitan ako ni Sir Leo at inalalayan dahil napansin niya na halos nahihirapan na ako tumindig sa sobrang pagod ko.

        “Ay naku, mabuti pa ijo maupo ka nga muna dito nang makapagpahinga ka, ano ba kasing ginawa mo at hingal na hingal ka?” ang sabi ni Sir Leo habang inaalalayan niya ako na maupo, pagkatapo ay kumuha siya ng isang tasa at nilagyan ito ng tubig mula sa water despenser.

        “Oh heto uminom ka muna ng tubig.” ang sabi ni Sir Leo at iniabot sa aking isang tasang tubig na inabot ko naman at tila wala akong ininom sa bilis ko na maubos ang tubig na laman nito.

        “Maraming salamat po Sir.” ang sabi ko nang medyo mahismamasan na ako.

        “Sir, Sir may kailangan po kayong malaman.” ang sabi ko.

        “Pero bago muna yang sasabihin mo ijo kailangan ko munang ibigay sayo yung pinakiusap sa akin ni Luke.” ang sabi ni Sir Leo.

        “Pero Sir.” ang sabi ko pero tila wala siyang narinig at mayamaya pa ay kinuha niya ang isang canvass na nakabalot pa sa brown paper at iniabot ito sa akin.

        “Ano po ito Sir?” ang tanong ko.

        “Bakit hindi mo tignan, alisin mo ang balot ng makita mo kung ano iyan ijo.” ang sabi sa akin ni Sir Leo.

        Bago ko buksan ang canvass ay akin munang maingat na inilagay sa isang upuan ang dala dala ko noon na tablet at folder. Maingat kong inalis ang brown paper na nakabalot sa canvass na ibinigay sa akin ni Sir Leo, at nang matanggal ko na ay nagulat ako sa nakita kong painting.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now