Rain.Boys II DripDrop: 2.1

4.3K 160 2
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

       
        "Drop, patawadin mo ako." ang sabi ko habang nakatayo si Arwin sa akin at umiiyak.

        "Ang daya mo naman akala ko ba wala nang iwanan? Gumaganti ka lang yata sa akin. Drip please don't leave me, hindi ko kakayanin." ang sabi ni Arwin, niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit na tila ayaw ko ng pakawalan pero makalipas ang ilang sandali ay bumitaw ako sa pagkakayakap at mabilis na tumalikod sa kanya, then suddenly isang maingay na tunog mula sa pumerenong sasakyan ang nadinig ko sa aking likuran at nang lumingon ako nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla.

        "DROP!" ang sigaw at mabilis akong tumakbo pabalik, si Arwin nakahandusay sa daan, duguan.

        "Drop magsalita ka please." ang pagsusumamo ko, pero tinitignan lang ako ni Arwin, ang mga mata niya tila nawawalan na ng buhay.

        "D-d-drip, mahal na mahal kita... Wag mo akong iiwan..." ang sabi ni Arwin habang hinahabol ang kanyang hininga.

        "Oo Drop di na ako aalis hindi kita iiwan please wag mo lang din ako iwan please Drop." ang sabi ko, ngumiti sa akin si Arwin at mula sa mga mata niya pumatak ang luha at pagkatapos ay isinara niya ang mga mata niya at hindi na muling dumilat pa, hindi ko na din madinig pa ang kanyang paghinga, sa mga sandaling yon gusto kong sumigaw pero di ko magawa hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan.

        "And I'll be your crying shoulder... and I'll be your love suicide..." ang pagkanta ko habang tumatangis, habang yakap ko si Arwin na wala ng buhay.

        "Drip..."  ang tawag sa akin ng isang pamilyar na tinig, tumingin ako sa bisig ko yakap ko pa din si Arwin pero san galing ang tinig na iyo.

        "Hoy Duwende!" ang sigaw na siguradong si Arwin at biglang nagliwanag ang palinig paggising ko ay muka agad ni Arwin ang nakita ko.

        "Mabuti naman at okay ka!" ang sabi ko dahil sa galak, niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si Arwin.

        "Oo okay lang ako eh ikaw ba mukang di ka okay... ano ba nangyayari sayo, natutulog ka tapos umiiyak ka." ang sabi ni Arwin na halatang nag-alala, "ano ba ang napanaginipan mo?" ang dagdag niya.

        "Ah wala naman, nakakatakot na panginip ayokong isipin, promise di kita iiwan." ang sabi ko kay Arwin na nagtataka pa din.

        Gusto man akong kulitin ni Arwin ay hindi niya ginawa instead ay pinahiga niya ako sa balikat niya at hinawakan niya ang kamoy ko, bahagya niya itong pinisil.

        "Kung ano man ang napanaginipan mo hinding hindi mangyayari yon kaya wag ka na mag-alala, hindi na din ako bibitaw pa." ang sabi ni Arwin, ang mokong na to pasimple kung mag-alala pero dahil don ay nawala na ang lungkot at takot ko kanina dahil sa panaginip kong yon.

        Ilang sandali pa ay dumating na kami sa tutuluyan namin dalawang Cabin type na bahay ang ni-rent nila Mama at Papa, yung isa saming magbabarkada at yung isa naman ay para sa kanilang di na kabataan.

        "Oh sige na iayos niyo na ang mga gamit niyo sa loob, then bukas na tayo magsimula na gumala sa ngayon pahinga muna tayong lahat." ang sabi ni Papa.

        "Yung mga pagkain kami ng bahala ni balae maghanda pero kung may makatapos sa inyo mag-ayos ng gamit at gusto niyo yumulong ay pwedeng pwede, dito tayo sa labas kakain." ang sabi naman ni Mama.

        "Sige Mama tutulong po kami pagkatapos."

        "Luke ako na magdadala niyang gamit mo." ang alok ni Russel.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now