Rain.Boys II DripDrop: 1.2

4.5K 150 3
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        Matapos ang buhol buhol na pangyayari sa amin ni Luke noong first semester ay masaya ako na natapos ito ng maayos, naging close na din kami ng parents niya lalo na si Papa he-he nakapulot ako ng Papa, mahilig din pala magbasket ball ang Papa ni Luke pero natalo ko siya, si Luke ang nakataya sa laban kaya di pwedeng matalo.

        Anyway tapos na yung laro na yon, ngayon maaga kami nila mommy at ng barkada na pumunta sa bahay nila Luke ang wala lang ay si Chini na papunta pa lang, inimbita kasi kami ng parents niya na sumama sa Baguio trip nila bilang bonding ng pamilya at ng magkakaibigan na din, sagot ng parents ni Luke ang lahat ng gastos kaya walang problema pero para hindi nakakahiya ay nagdala kami ni mommy ng mga pagkain na pwedeng kainin habang nasa biyahe para di na din masiyado mag-stop over.

        "Mabuti naman Arwin ijo at narito na kayo." ang sabi ng Mama ni Luke na sakto ang paglabas ng bahay.

        "Maraming salamat po ulit tita sa pag imbita sa amin sa family trip niyo na ito." ang sabi ko.

        "Naku wala yon, gusto din namin mas makilala ang mga kaibigan at minamahal ni Luke, tsaka Mama at Papa na itawag mo sa aming parents ni Luke hindi ka na iba ngayon sa amin." ang sabi ni Mama habang binubuksan yung gate, talaga naman pong napapalakpak ang tenga ko sa nadinig ko na yon.

        "Wow bongga, kasal na lang ang kulang talaga." ang singit ni Francis. "Good morning po tita, salamat po sa pag imbita sa amin, first time namin lahat masabit sa ganitong gala." ang dagdag pa ni Francis.

        "Wala yon, oh sige na pumasok na kayo, gigisingin ko pa si Luke mukhang tulog pa siya eh." ang sabi ni Mama, "Pero bago pwede ba makalimutan na batiin ko ang balae ko." ang sabi ni Mama kay Mommy at nagbeso beso sila, nakakatuwa tignan at pagmasdan na ang parents ng partner mo ay magkasundo.

        Papasok na kami ng biglang dumating si Chini sakay ng van, "Hello guys, good morning sorry medyo na-late." ang sigaw ni Chini ng makababa.

        "Naku sigurado napadami na naman kain mo ha-ha." ang biro ni Francis.

        "Ma, ako na po magbubukas ng gate." ang sabi ko at agad ko ng binuksan yung gate para makapasok na si Chini at daddy niya.

        "Magandang umaga po." ang bati ng Daddy ni Chini kay Mama at Mommy.

        "Magandang umaga din ho, salamat po at pinaunlakan niyo ang pag imbita namin sa inyo." ang sabi ni Mama, hindi ko na masiyado pinakinggan ang usapan nila dahil medyo usapang pang matanda eh, hindi ako maka-relate.

        Nakapasok na kami ng bahay, at nakita ko agad si Papa kaya naman ako ang unang nagmano, unlike nung first meet namin ay malugod na binigay ni Papa ang kamay niya para makapagmano ako sa kanya, then isa isa na silang nagmano.

        "Oh yung aguinaldo wag kalimutan." ang sabi ni Mama at natawa lang si Papa.

        "Manang mana talaga sayo ang anak mo, maisipan. Eh nasaan na ba yung prinsesa natin?" ang sabi ni Papa, wow prinsesa talaga tawag niya kay Luke? Pero ang tatag din matulog ng duwendeng yon ah.

        "Ay oo nga pala, sige maiwan ko muna kayo diyan at gigisingin ko na baka tulog pa nga yon." ang sabi ni Mama at umakyat na siya para pumunta sa kwarto ni Luke.

        Pinaupo muna kami ni Papa sa sala at mula sa kusina ay nilabas niya katulong sila mommy at daddy ni Chini ang almusal, si Chini di pa man din kami nag-uumpisa siya na agad ang sumabak.

        "Wow ang sarap naman nito." ang sabi ni Chini ng matikman ang chocolate cake.

        Dahil sa reaction ni Chini lahat kami kanya kanyang kuha ng cake, at oo nga ang sarap, may pagkamapait na lasa tapos yung tamis niya ay balanse lang.

        "Gawa yan ng Mama ni Luke, mahilig kasi sa baking yun." ang sabi ni Papa, grabe si Luke wala man lang ata namana sa skills ng parents niya, hindi siya sporty like Papa, tapos ngayon hindi siya magaling magluto like Mama, baka ampon lang siya? He-he maasar nga minsan siya ng ganon.

        "Kamusta na?" ang tanong bigla ni Russel sa akin na katabi kong kumakain non.

        "Ayos naman, kaw ba kamusta na? Para naman ang tagal natin di nagkita." ang sabi ko.

        "Sira ang ibig ko sabihin ayos ba kayo ni Luke, at ayos ba si Luke?" ang sabi niya.

        "Ah akala ko ako talaga kinakamusta mo eh, ayos naman kami, mas masaya at masmatatag na, malaki din pasasalamat namin sayo, dahil kung di mo siguro ginawa ang pagpapaubaya na yon wala ng kami siguro." ang sabi ko.

        "Kay Luke ka magpasalamat, kung di ko lang nakita at naramdaman na mahal ka niya di ko naman siya papakawalan eh, ayoko lang na ikulong siya sa akin." ang sabi ni Russel.

        "Pero salamat pa din, alam ko kung gaano kahirap para sayo na gawin yon." ang sabi ko.

        "Grabe naman kayong dalawa napakaseryoso ng usapan niyo." ang singit ni Eunice na kanina pa pala nakikinig sa amin.

        "Hi-hi oo nga." ang pag-sang ayon ni Sarah na nakikinig din.

        "So true alam niyo kumain na lang kayo ng kumain muna tama na drama ha-ha chos lang." ang sabi ni Francis habang kumukuha ng isa pang slice ng cake.

        Medyo matagal na din kami doon pero wala pa si Luke, mukang napasarap talaga ang tulog ng duwende siguro ako napapanaginipan non.

        Ilang sandali pa ay bumaba na siya, isa isa niyang binati ang nandoon pati si Mommy with hug pa nga aba ako mukang hindi nakita sa laki kong to ah, ano to invisible lang?

        Nagparinig ako pero nang-asar pa, nagparinig ulit ako pero binara na naman ako kaya niyakap ko nga bigla ang duwende at kinilig naman ang lahat, partida hindi ko pa hinahalikan siya niyan nagpigil din ako baka mapagalitan kami ni Papa, alam niyo na pa-good boy muna ha-ha.

        Ilang sandali pa ay lumabas na kami ng bahay at sumakay na sa van, walang tigil ko pa din inaasar at kinukulit si Luke, namiss ko lang talaga siya kahit noong gabi ay kapuyatan ko siya sa text.

        Habang nasa van kami ay natatawa ako sa kanya dahil hindi siya mapakali halatang excited ang duwende kaya inasar ko siya hanggang sa halikan ko pero may pagka-violent talaga siya isang tumutunog na sampal ang ginanti sa halik grabe namula ata ang pisngi ko, si Francis naman tinanong pa kung masakit pasampal ko kaya to kay Luke ng ma-experience niya pero siyempre di ko sinabi yon kasi alam ko naman na ganito lang talaga si Luke pero love na love  niya ako talaga.

        Sa biyahe ay kulitan at kantahan ang ginawa namin, natahimik kami once na mag umpisa na kami madaan sa magagandang view, si Luke napapanganga pa.

        "Oh picture picture!" ang sigaw ni Kris at nag picture taking kami sa loob ng van hanggang sa magsawa kami.

        Medyo naubos na ang energy naming lahat kaya kami ni Luke, sweet gestures na lang ang ginawa namin, nandiyan yung nagre-wrestling kami gamit yung thumb namin, grabe ang galing niya dito hindi ko mahuli yung thumb niya, then nandiyan yung nag-ngungusuan kami na kunwari magki-kiss, patagalan na tumitig sa isa't isa, at ang pinakamatindi ang magkatext kami na kunwari ay nanliligaw ako sa kanya, at kilig na kilig ang duwende sa mga pick-up lines ko.

        Nang magsawa kami sa pinaggagawa namin ay sumandal kami sa isa't isa, magkahawak kami ng kamay at sabay na naidlip sa biyahe.

        Ang makasama ang taong mahal ko sa isang biyahe tulad nito, ay wala na talagang mas sasaya pa. I really love this duwende beside me. I love you Luke.

Rain.Boys IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon