Rain.Boys DripDrop: 7.2

2.6K 124 9
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        Hinihingal at nagmamadali akong pumasok sa classroom ng una kong saubject, at tulad ng inaasahan late na nga ako, pero buti na lang maganda ang mood nitong si Ma'am Magdusa, oo yun ang apelyido niya hindi ko inimbento yon, malupit kasi tong si Ma'am Magdusa kulang na nga lang gawing Medusa yung apelyido niya eh, kasi naman kapag late ka hindi ka na niya papasukin siya yung tipo ng professor na ihaharang yung naghuhumiyaw niyang taba sa pinto ng room para hindi ka makapasok, pero tulad ng sabi ko good mood ang professor namin na ito dahil nauunawaan niya daw na mahaba ang pila sa gate.

        Kaya agad na akong naupo pagkasabi ko ng excuse ko, naupo ako sa bakanteng silya malamang malay niyo namang sa may nakaupo na ano to jeep? Kandong kandong lang.

        "Psst... Oy Arwin..." ang pabulong na tawag sa akin ni Von, heto talagang si Von pahamak, pag kami nakita ni Ma'am at napagalitan papakainin ko to ng silya.

        "Oy... Arwin." ang mahinang tawag ulit ni Von noong hindi ko siya pinansin.

        "Bakit?" ang mahina kong sagot habang nakatingin kay Ma'am Magdusa na kasalukuyang nagsusulat sa white board.

        "Na-late din ba si Luke?" ang tanong ni Von, anak ka ng tinapay Von natural male-late siya late din ako di ba? Nawawala pagiging genius mo dre.

        "Oo... hindi ko na nga siya naihatid... pero kasabay naman niya sila Francis." ang sagot ko na pabulong.

        Magsisimula na sanang mag-discuss si Ma'am nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang hingal na hingal na estudyante.

        "I'm sorry I am late." ang sabi nito, hindi pamilyar sa akin ang mukha ng estudyanteng ito, marahil ay transferee o shifter to, mukang mamalasin pa ata siya dahil tinitigan siya ni Ma'am Magdusa.

        "And you are?" ang mataray na tanong ni  Ma'am Magdusa.

        Inayos ng lalaking estudyante ang sarili niya bago siya sa sumagot sa tanong ni Ma'am, "I am Vincent Soriano, transferee student." ang sagot nito.

        "Okay go find your seat, I will let you pass this time because you're a transferee but next time do not dare to come in my class if you will be late again, are we clear with that?" ang sabi ni Ma'am Magdusa, kahit kelan mataray talaga tong Prof namin na to pero at least very light lang pagsusungit niya ngayon.

        "Yes, Ma'am, I'm sorry again." ang sabi ni Vincent at agad siyang humanap ng uupuan niya at dahil wala ng ibang bakanteng upuan ay sa tabi ko na siya naupo inalis ko yung bag ko na nakalagay noon sa upuan.

        "Salamat." ang sabi niya.

        "Walang anuman." ang sabi ko.

        "Vincent nga pala." ang sabi nito, wow napaka-friendly naman ng mokong na to.

        "Arwin." ang sabi ko pero ang tingin ko ay kay Ma'am na nagdidiscuss na noong mga oras na yon.

        Makalipas ang ilang nakakaantok na oras ay dinismiss na kami ni Ma'am Magdusa at siyempre ako naman mabilis namang inayos ang gamit ko para mapuntahan ang duwende kong mahal, nang masigurado ko na okay na ay aktong aalis na sana ako ng may biglang humawak sa balikat ko kaya di ko naiwasng mapalingon, si Vincent lang pala, pero di ko din maiwasang mapatigil dahil ngayon ko lang napansin na may pagkakahawig sila ni Luke pero siyempre mas lamang pa din si Luke.

        "Bakit?" ang bigla kong tanong.

        "Uhmm, may gagawin ka ba ngayong break? Wala pa kasi ako masiyadong kakilala dahil nga sa transferee pa lang ako dito, kung pwede sana, pwede ba ako sumabay sa ngayon o sumama kung saan ka pupunta?" ang sabi ni Vincent.

        "Naku Vincent sa partner niya pupunta kasi yang si Arwin, pag break kasi lagi silang nagde-date." ang singit ni Von, "Von nga pala." ang dagdag na pagpapakilala ni Von.

        "Ah ganoon ba." ang tanging nasabi ni Vincent at tila naawa naman ako sa kanya, mukhang mabait naman siya kaya wala naman sigurong masama kung isama ko siya pero isasama ko na din si Von baka mamaya ano pa maisip nung duwende eh.

        "Kung gusto niyo sumama na din kayo ni Von, para makilala mo din yung iba naming kabarkada dito sa university." ang sabi ko at nakita ko naman ang pagngiti niya noong madinig niya iyon.

        Pagkatapos kung sabihin yon ay sabay sabay na kaming lumabas ng room at tinungo namin agad ang building ng course ni Luke at saktong dating naman namin ay ang paglabas nila Luke pero teka sino tong kasama nila at kausap ni Luke, at mukhang pamilyar sa akin ito, at nang masmakalapit pa ako aba'y ang tukmol na Nicco, ano to sinusundan niya ba si Drip?

        "Drip!" ang tawag ko agad kay Luke at napatingin siya sa akin.

        "Drop." ang tanging nasabi ni Luke, agad ko siyang inakbayan at tinignan ko nang masama yung Nicco pero parang nang-aasar lang ang tukmol dahil nginitian pa ako.

        "Siya ba ang partner mo?" ang biglang sabi ni Vincent.

        "Ah oo siya nga, hindi pala namin nasabi sayo na bi kami." ang sabi ni Von.

        "Wow, nice naman kung ganon." ang sabi ni Vincent.

        Pinakilala ko si Vincent sa kanila, at pinakilala naman ni nila Francis si Nicco sa amin which is wala akong pakealam, gusto ko sanang tanungin ang tukmol kung ano ang ginagawa niya pero baka dumugo ilong ko dahil sa English.

        Sabay sabay kaming naglalakad noon palabas ng building kasama ang tukmol na si Nicco at si Vincent para maghanap ng kakainan, ng biglang napahinto si Luke sa paglalakad.

        "Oh bakit Drip?" ang tanong ko sa kanya.

        "Ah wala Drop, pakiramdam ko lang kasi may nakatingin sa akin." ang sabi ni Luke.

        "Ano? Sino?" ang tanong ko naman sa kanya, malakasa kasi pakiramdam nitong si Luke pagtinitignan siya ng ibang tao lalo't hindi maganda ang intensiyon sa kanya ay nararamdaman niya ito.

        "Hindi ko alam eh, pero bigla ako nakaramdam ng pagkainis." ang sabi nito at tumingin siya sa likuran na tila hinahanap ang sinasabing nakatingin sa kanya.

        Tumingindin ako pero sila Von, Vincent, Nicco, Francis, at Russel ang nasa likuran namin na nag-uusap usap, habang sila Chini ay nauna naman na maglakad, wala ding ibang tao sa hallway noon kundi kami lang.

        "Ano Drip?" ang tanong ko ulit sa kanya.

        "Hayaan na nga lang natin Drop, baka mali lang ako ng pakiramdam., tara na." ang sabi ni Luke at nagpatuloy kaming maglakad ulit.

<><><><><>

VON'S POINT OF VIEW:

        Ewan ko pero hindi maganda ang kutob ko dito sa bago naming kaklaseng si Vincent although may hawig siya kay Luke, hindi ko pa rin maiwasan na magduda sa kanya, pinagtataka ko kasi noong nagpakilala siya kay Arwin siya naka-focus ng tingin ewan ko lang kung napansin ni Arwin yon, pero sa tingin ko hindi dahil may sa pagka-engot din kasi itong si Arwin.

        Kaya naisipan ko na sumingit lagi kapag nag-uusap sila ni Arwin dahil sa tingin ko din gusto niyang kunin ang atensiyon nitong si Arwin, I don't know kung I am just being so irrational or what pero I won't let this Vincent guy ruin the relationship of Arwin and Luke kung nagkagusto man siya kay Arwin sa unang beses na makita niya ito, naramdaman ko din kasi na katulad namin siya na isang bi din.

        Heto kinakausap ko siya ngayon at inilalayo kay Arwin pero napansin ko habang nag-uusap kami although pasimple kong ginawa ay ang pagtingin niya kay Luke ng masama, yung tipong parang titig ng nagsusumpa at dahil doon mas lumakas ang tiwala ko na he will do no good kaya pasimple akong sumenyas kay Russel na aliwin nila ni Francis si Nicco na halata namang may gusto kay Luke, dapat ngayon pa lang mabakuran na namin sila Arwin at Luke sa dalawang to, hindi kami papayag na may manggulo pa sa kanila, sana lang magawa namin talaga na maprotektahan ang relasyon ng mga kaibigan namin.

    

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now