Rain.Boys II DripDrop: 13.1

2.8K 123 9
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Kinabukasan ay balik normal na ang lahat, tila walang nangyaring gulo sa pagitan namin ng imapktito, at siguro naman maglulubay na siya sa paglandi kay Drop. Maaga kaming pumasok ni Drop sa kanya kanyang klase kaya hindi na rin niya ako naihatid dahil sa may weekly quiz sila ngayong araw.

        Sa loob ng classroom ay naabutan ko na silang lahat, as usual naman yun mga mukhang excited lagi silang pumasok.

        “Good morning Luke.” ang sabi ng boses na nagmula sa likod, nang lumingon ako para alamin kung sino iyon ay halos masagi ko siya kaya dahilan para mapaatras ako, pero mabilis ang reflexes ng taong nasa likod kaya naman agad niya nahawakan ang kamay ko at nakabig niya ako agad sa palapit sa kanya.

        “Are you okay Luke?” ang sabi ni Nicco na siya pa lang bumati sa akin.

        “Ah, yes thank you for the help.” ang sabi ko bilang pagpapasalamat kay Nicco sa pagtulong sa akin, agad akong kumalas at bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin dahil ayoko na mabigyan pa ng ibang kulay ang simpleng pagtulong niya sa akin.

        Agad na din akong nagtungo sa upuan ko, sa totoo lang umiiwas na ako kay Nicco dahil alam kong pinagseselosan pa din ito ni Drop kaya hangga’t maaari ay dumidistansya ako dito. Alam ko na hindi maganda na basta ako umiwas pero para sa akin mabuti na rin na wala kaming pagtatalunan pa ni Drop.

        Ilang sandali pa ay dumating na si Sir Leo, “Okay, good morning class, I have an announcement to make.” ang bungad agad na sabi ni Sir Leo.

        “Sir is it good or is it bad?” ang mabilis na tanong ni Kris.

        “Hmm, I think it is good. Our university has been chosen to participate in an Art Exhibition, it will showcase art works from all the chosen students from all the chosen school or university in our country, the exhibit will take place in London plus the chosen student will receive a scholarship from the Art School of London, it means whoever chosen in this class will have a chance to travel and study in London.” ang sabi ni Sir Leo, actually hindi ako interesado na sumali kaya naman di ako nagtatanong habang halos ang lahat ay excited na excited sumali.

        “Okay calm down class, there’s more, all of you must participate, all of you must create a painting, and the theme is “Happiness” how you will define this word in a painting, a painting that will show your heart and soul. This will be given as your final exam and project for this subject and to other subjects that under me. There will be a panel of judges who will choose two best painting but chosen or not everyone will get a fair and good score, it means if you want to pass my subject create your best work of art or else we will see each other next year in the same subjects.” ang sabi pa ni Sir Leo.

        Pagkatapos na idiscuss ni Sir ang tungkol sa exhibit ay binigyan niya kami ng oras para umisip ng aming ipipinta para sa temang “Happiness”, sa umpisa ay iisipin mo na madali lang ang tema pero kung mas iisipin mo pa ito lalo ay tila napakahirap pala isipin, ano nga ba ang happiness?

        “Girl may naisip ka na?” ang biglang tanong sa akin ni Francis dahilan para mawala ako sa focus.

        “Ako, wala pa nga eh akala ko madali lang yung theme pero ang hirap pala.” ang sagot ko.

        “Naku korak ka diyan girl, coke na lang ipipinta ko pag ako naimbyerna sa lecheng happiness na yan.” ang sabi ni Kris.

        “Happiness, ano nga ba ang happiness.” ang bulong ko at mayamaya ay may pumasok sa isip ko na imahe, “tama yun na nga alam ko na ang ipipinta ko.” ang sabi ko.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now