Rain.Boys II DripDrop: 17.1

2.1K 108 2
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Lumipas ang isang linggo na walang maanomalyang kaganapan ang nagyari, walang mga impakto na nanggulo at nagparamdam, maging ang problema namin kay Nicco ay tila unti-unti na din nawawala dahil simula ng hindi ko na siya kailangang bantayan ay mas nagkakaroon na ulit kami ng oras ni Drop sa isa’t isa tulad ng dati.

        Huwebes ng umaga iyon, patungo ako sa classroom ni Sir Leo kung saan siya nag-s-stay, may mga prof kasi tulad ni Sir Leo ang hindi nag-stay sa faculty instead ay sa room na lamang ewan ko kung anti-social sila o umiiwas lang sa mga tsismosa’t tsismoso na kasamahan nila. Ayun na nga patungo ako sa classroom ni Sir Leo para i-submit yung pinapagawa niyang artwork dahil sa malamang ay natapos ko na yung akin kaya ko nga ipapasa di ba ha-ha, binalot ko ito ng brownpaper para hindi makit ng mga tao at kapwa estudyante kong usisero kong ano ba ang ipininta ko o kung ano ba ang dala ko na yon. Nasa hallway na ako noon at malapit na sa room ni Sir Leo nang biglang lumabas si NIcco mula sa room ni Sir.

        “Oh Luke.” ang tanging nasabi ni Nicco ng mapansin niya ako.

        “Hello Nicco.” ang bati ko naman sa kanya.

        “Hi naman, saan ang punta mo?” ang tanong ni Nicco sa akin.

        “Ah kay Sir Leo ipapasa ko lang ito, natapos ko na kasi yung painting na ginagawa ko.” ang sagot ko sabay pakita sa gawa ko na nakabalot pa ng brown paper.

        “Ah ganon ba, ako din nakapagpasa na.” ang sabi ni Nicco, kaya pala siya nandoon din siya.

        “Oh paano mauna na ako sayo?” ang sabi ni NIcco at bago pa ko makasagot ay umalis na siya, mukang nawala na nga ang nararamdaman niya para sa akin at mabuting balita yon kung ganon.

        Kumatok muna ako sa pinto ng room at bahagya ko itong binuksan para silipin si Sir Leo. “Oh ikaw pala Luke sige pasok ka, ano maitutulong ko sayo?” ang sabi ni Sir Leo nang makita niya akong sumilip sa pinto.

        “Ah Sir, ipapasa ko lang po sana itong ginawa ko na painting.” ang sabi ko habang papalapit ako sa table ni Sir Leo.

        “Ah ganon ba sige akin na.” ang sabi ni Sir Leo at inabot ko sa kanya yung gawa ko. “Halos magkasunod lang kayo na nagpasa ni Niccolei nagkita ba kayo sa labas?” ang tanong ni Sir.

        “Ah opo nagkasalubong nga po kami.” ang sabi ko naman.

        Maingat na inalis ni Sir Leo ang nakabalot na brown paper sa gawa ko medyo nate-tense pa ako habang unti-unting iniaalis ni Sir ang balot nito, parang gusto ko na bawiin ito kay Sir pero huli na dahil tuluyan ng naalis ni Sir ang balot. Tinitigan ng matagal ni Sir Leo ang gawa ko at nakita ko na nangiti ito, kinuha niya ang papel ko na ipinasa sa kanya kung saan nakasulat ang maikling essay tungkol sa ipininta ko at binasa niya ito, pagkabasa ay muli niyang tinignan ang painting.

        “You’ve done a great job, Luke.” ang sabi ni Sir Leo.

        “Naku salamat po Sir, maraming salamat po talaga.” ang magalak kong sabi ng madinig ko na sabihin sa akin ni Sir Leo iyon. I felt so fulfilled noong nadinig ko yung mga salitang iyon kay Sir Leo. Pagkatapos ng maikli naming pag-uusap ni Sir ay nagpaalam na ako para umalis, lumabas ako sa room niya ng may ngiti sa mga labi. Yeah I nailed it!

        Ilang sandali pa habang naglalakad ako pabalik kila Kris na nasa room ay naisipan ko munang dumaan sa malapit na CR para umihi, nang makatapos na umihi ay naghugas ako ng kamay ko, may naramdaman akong pumasok ng CR pero dahil sa kamay ko ako nakatingin at again wala akong pakialam sa pumapasok sa CR kaya tuloy lang ako sa paghuhugas ng kamay ko nang biglang may nagtakip ng panyo sa ilong at bibig ko at nang mapatingin ako sa salamin ay isang estudyanteng nakamaskara ito. Pinilit kong manlaban pero nakaramdam ako ng pagkahilo hanggang sa nawalan na ako ng malay.

        Nang magkamalay ako ay madilim ang buong paligid, tatayo sana ako ng mamalayan kong nakagapos ang mga papa at kamay ko at nakatakip naman ang aking bibig ng panyo, anak ng goldfish na silver nakidnap ba ako? Oh my wag naman sana akong gahasain, kung ano-ano ng nakakatakot na bagay ang naiisip ko noon, pipilit ko aninagin ang lugar kung nasaan ako pero dahil sa dilim ay di ko magawang maaninag maliban na lang sa maalikabok nitong amoy.

        Habang nagtatagal ay mas lalo pa akong binabalot ng takot, gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa dahil sa nakatakip sa bibig ko na panyo, pinilit kong kumilos pero nang pagkilos ko ay may mga bumagsak sa akin na parang mga lata at may tumama din sa ulo ko, hindi ko na napigilang umiyak pa dahil sa takot, at dahil pakiramdam ko ay bibigay na ang katawan ko. Drop tulong, Drop natatakot ako, ang tanging nasabi ko sa isip ko. Hanggang sa mawalan na ako ng malay.

Rain.Boys IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon