Rain.Boys II DripDrop: 14.1

2.8K 109 0
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Maganda ang naging araw ko noon, wala naman akong naging problema na samahan si Nicco sa lahat ng oras ayun nga lang there were instances na pag nagkaklase at kailangan na lumabas nito ay napipilitan akong sumama sa kanya kaya pakiramdam ko tuloy ay may alaga akong bata, pero ayos lang kaibigan ko namang maituturing itong si NIcco, hindi naman niya ako pinakitaan ng masama. Madalas siya pa nga ang nagtuturo sa akin ng mga bagay bagay tungkol sa bansa at kultura nila pero mas pinupuri pa din niya ang Pilipinas dahil dito daw niya nakita ang napakadaming magagandang bagay. Tinuruan ko na din siya magsalita ng ilang Tagalog para naman hindi ako masiyadong dinudugo at para naman mas makausap siya ng iba pa naming kaibigan at kaklase, may time din na tinuturuan nila Kris si Nicco ng mga gaylingo at tuwang tuwa naman sila Kris dahil sa slang na pagsasalita nito.

        Noong matapos ang klase namin sa araw na iyon ay nagpasya kaming magkakaibigan na bumili na ng canvass na gagamitin namin para sa pinapagaw ni Sir Leo. Maaga ang tapos ng klase namin noon kaya napagpasyahan namin na hintayin na muna sila Drop at Von sa labas ng building ng College of Engineering, naupo kami sa bench na nasa ilalim ng puno ng mangga. At siyempre pwede bang walang tsismisan siyempre hindi pwede, at ang pasimuno siyempre ang magagandang KFC sisters.

        “Oy baboy ano ng status niyo ni Papa Vov?” ang tanong ni Francis kay Chini na kasalukuyang kumakain ng Oishi na maanghang.

        “Makababoy naman tong baklang to, nagda-diet na kaya ako.” ang sabi ni Chini na pabiro habang ngumunguya ito.

        “Wow ha diet ka pa niyan, hiyang hiya naman si Dumbo sa pagda-diet mong yan eh kulang na lang pati yung packaging niyang Oishi eh kainin mo na.” ang sabi naman ni Kris.

        “Ha-ha korek ka diyan bakla, oh so ano na nga, ano na status niyo ni Papa Von?” ang ulit na tanong ni Francis.

        “Ano ba kayo ano ba dapat ang status namin ni Von, eh friend lang naman kami nung tao. Bakit may dapat ba kong malaman na hindi ko alam mga bakla?” ang sabi nito at sabay kain.

        “Hala siya oh lakas maka-showbiz ng sagot. Naku ha, kung wala talaga eh bakit parang may something sa inyo noong isang araw?” ang sabi ni Clarence, yung tatlong na napakaintrigero talaga eh pero kahit naman ako ay napansin ko yun kaya naman medyo curious pa din ako.

        “Hay naku wala nga, pero lately nagkaka-text kami ni Von. Madalas tinatanong niya sa akin kung kumain na ko.” ang sagot ni Chini.

        “Ay alam ko ang sagot mo diyan, ang sagot mo diyan ay, oo naman kulang nga lang yung isang kabang bigas. Tama ako di ba?” ang pabirong sabi ni Kris at nagtawanan kami.

        “Gaga talaga tong baklang to, dalawang kabang bigas kaya yon.” gatong naman ni Francis.

        “Oh pagkatapos ano pa napag-uusapan niyo?” ang mausisang tanong Kris.

        “Mga normal na tanong lang, minsan na pag-uusapan din namin ang love life ng isa’t isa ayun, nakuwento din niya kung paano siya nagkagusto kay Luke pero sabi niya ngayon daw kapatid at matalik na kaibigan na lang daw talaga ang turing niya kay Luke kasi daw may nagugustuhan siyang iba ayon nga lang hindi niya pa daw maamin.” ang sagot ni Chini.

        “Ay ang ganda mo diyang baboy ka, kinabog mo kaming mga diyosas, hindi ba mga sis.” ang sabi naman ni Francis.

        “Oo nga, eh para sayo ano tingin mo kay Von?” ang tanong ni Clarence na tila nagpatigil kay Chini sa pagkain at napansin naming lahat iyon. Napansin din namin na parang namula bigla si Chini.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now