Rain.Boys II DripDrop: 5.2

3.5K 127 0
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        After namin magpahidan ng icing sa mukha ay agad kaming mga nagsipaglinis na ng mukha, we at ginayak na namin ang mga gamit namin kasi after namin maglibot today ay diretso uwi na kami, yup this will be the last day of our Baguio trip, nasa kwarto kami ni Luke at mabuting inaayos ang mga gamit namin habang nakaupo sa sahig ng kwarto namin.

        "Oh bakit mukang hindi ka excited sa gala natin ngayon?" ang tanong ko sa kanya nang mapansin ko na tahimik siya at tila ang lalim bigla ng iniisip.

        "Ah wala naman." ang sagot niya sa akin sa malatang boses.

        "Ay sus wala daw, halata kaya sa mukha mo tsaka ang baba na ng energy mo, kanina lang para kang baliw ngayon para kang pinagsukluban ng langit at lupa." ang sabi ko at lumapi ako sa kanya at niyakap ko siya mula sa likuran niya, "so bakit malungkot ang Drip ko?" ang tanong ko sa kanya na may paglalambing.

        "Hay kasi naman last day na ng Baguio trip natin and it means sila Mama at Papa babalik na ng Canada after this trip, mamimiss ko lang sila talaga alam mo naman di ba kung gaano ako nangulila sa kanila?" ang sabi ni Luke na naiyak na dahil doon.

        "Ssh, tahan na Drip ano ka ba." ang sabi ko at hinarap ko siya sa akin para pahirin ang luha niya, "tahan na, wag ka na malungkot, alam ko na nalulungkot din sila Mama at Papa na iwan ka ulit pero hindi naman ibig sabihin na last time niyo na para magkita hindi ba?" ang sabi ko sa kanya at biglang napayakap sa akin si Luke.

        "Mami-miss ko lang talaga sila Drop." ang sabi ni Luke habang nakayakap sa akin.

        "Luke, dapat maging masaya tayo today gusto mo ba na baunin nila Mama at Papa pabalik ng Canada ay lungkot or guilt dahil iniwan ka nila again? Hindi ba dapat gawin nating mas memorable ang araw na ito para sa kanila?" ang sabi ko at bumitaw sa pagkakayakap niya sa akin si Luke at tumingin siya sa akin.

        "Tama ka dapat hindi ako malungkot dapat masayang memories mabaon nila as they leave." ang sabi ni Luke.

        "Oh di ba, kaya ngumit ka na diyan." ang sabi ko at pinunasan ko ulit ang luha sa mukha niya at ngumiti na siya.

        Nang makatapos kami ay lumabas na kami agad ng cabin dala ang mga gamit namin at agad na naming nilagay ito sa sasakyan.

        "Wala na ba kayong nakalimutan? Kasi once we leave the place hindi na tayo pwedeng bumalik." ang sabi ni Papa.

        "Wala na po tito naempake na namin lahat ng gowns namin, haha charot lang tito." ang sabi ni Francis na pabiro.

        "Yung mga strawberries ko nandiyan na ba?" ang tanong ni Luke, ha-ha grabe talaga malungkot kanina tapos ngayon inalala pa niya ang mga strawberries niya.

        "Yes my dear nauna na namin isakay sa sasakyan yung mga strawberries mo, alam namin how love them." ang sabi ni Mama.

        "So wala nang problema? Sure na wala ng nakalimutan, eh di pwede na tayo magsimulang umalis para masulit natin ang last day natin dito sa Baguio." ang sabi ni Papa, "oh sige na tara na at magsisakay na tayo." ang dagdag ni Papa at nagsimula na kaming sumakay sa sasakyan.

        "Papa?" ang tawag ni Luke sa Papa niya.

        "Bakit Luke?" ang tanong ng Papa niya na pasakay na dapat sa sasakyan.

        "Pwede ba na sa inyo ako sumabay ngayon sa biyahe?" ang sabi ni Luke, mukang maglalambing sa parents niya ang mahal ko ah, well okay lang naman need din nila mag-bonding, kaya naman sumakay na ako sa sasakyan.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now