Rain.Boys II DripDrop: 10.2

2.3K 111 0
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        “Vincent teka lang.” ang sabi ko habang hila hila pa din ako ni Vincent pero tila hindi ito nakikinig sa akin, “Vincent sabing sandali lang eh.” ang sabi ko at tila narinig na niya ako kaya naman huminto na siya.

        Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tumingin ako sa kanya, “bakit mo ba ako hinila, alam mo bang kasama ko si Luke, at alam mo ba na malaking gulo ang idudulot nito.” ang sabi ko sa kanya na nagpipigil ng inis.

        “Ah pasensiya na Arwin, magpapatulong lang sana ako sayo kasi ikaw lang ang kaklase ko na kahit paano mukhang mapagkakatiwalaan ko eh, kung gusto mo sasama ako sayo pabalik para ako na ang humingi ng pasensiya. Hindi ko talaga sinasadya.” ang sabi nito sa akin.

        “Hay, ayos lang nangyari na din naman eh, basta sasamahan mo ako magpaliwanag sa kanya ah, sobra kasi kung magtampo yun eh.” ang sabi ko.

        “Pangako sasamahan kita.” ang sabi nito.

        “Eh bakit mo nga ba kasi ako bigla bigla na lang hinila ano ba kasi yun at bakit kailangan mo ng tulong?” ang tanong ko pa.

        “Ah nahulog kasi yung singsing ko, importante kasi sa akin yun di ko alam kung ano gagawin ko kaya nataranta na ako at nung nakita kita ay naisipan ko na humingi na ng tulong sayo para hanapin to.” ang sabi ni Vincent.

        “Ah ganoon ba sige, tutulungan kita, saan mo ba ito nahulog?” ang tanong ko sa kanya at sabay turo sa masukal na parte ng university, “huh doon? Ano naman ginagawa mo dun?” ang tanong ko.

        “Ah kasi naman bago pa lang ako dito kaya gusto ko sana maging pamilyar sa buong university.” ang sagot nito.

        Wala na akong inaksaya pang oras at agad ko na siyang sinamahan para hanapin ang nawawala nitong singsing, may pagkaweird din tong si Vincent, noong kami nga ni Drip na bago noon ay di namin naisipan pumunta sa parte ng university na ito.

        Hawi dito, hawi doon ang ginawa namin pero makakalahati na nga yata namin yung area na iyon ay wala pa din ako makita na singsing.

        “Sigurado ka ba na dito nahulog yung singsing mo?” ang tanong ko sa kanya.

        “Ahh teka lang subukan ko i-check ulit sa bag ko.” ang sabi nito at hinalungkat niya ang bag niya, at ilang sandali pa ay nakakita ako ng ngiti sa mukha ni Vincent.

        “Heto! Nandito lang pala yung singsing, naku pasensiya na Arwin, dapat pala tinignan ko ng mabuti dito sa bag, pasensiya na, mabuti pa balikan na natin si Luke para makapagpaliwanag ako at makahingi ng pasensiya sa ginawa kong biglaang paghila sayo.” ang sabi nito, at inayos na niya ang gamit nito sa bag at isinukbit na ulit ito. Inaalala ko kung saan namin hahanapin si Drip eh nakita ko na umalis siya sa puwesto namin.

        Papunta na sa kinatatayuan ko si Vincent at noong malapit na siya ay natisod siya at dahil doon ay napatumba kami, siya ay nakadagan sa akin.

        “Ah sorry, hindi ko sinasadya.” ang sabi ni Vincent na sa halip na tumayo ng mabilisan ay dahan dahan lang ito na tumayo na hindi ko na din masiyadong pinansin.

        Nang makatayo kami ay inayos ko muna ang sarili ko, pagkatapos ay sabay na kaming umalis sa masukal na lugar na iyon, tinahak namin ang daan pabalik ng field, umaasa ako na nandoon si Drip, at nang tanawin ko ang pwesto namin kanina ay nakita ko na siya kasama ang iba pa naming kaibigan, kaya nagpatuloy kami sa paglalakad.

        Ilang sandali pa ay napansin ko na tumayo na sila Drip na pinagtaka ko, pagkatapos ay napansin ko na papunta sila sa direksiyon namin, mukhang napansin niya na kami kaya sasalubungin na kami pero ibang salubong pala ang gagawin ng duwende, kitang kita ang inis sa mukha ni Drip lalo na noong tinitigan niya ako ng masama, kinilabutan ako, alam kong may giyera na magaganap at ang mga sumunod na eksena ang di ko inaasahan, ang sungitan niya si Vincent pero isang bagay ang nagpakunot sa noo, noong hilahin palayo yung asungot na si Nicco.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now