Rain.Boys II DripDrop: 18.1

2.1K 104 1
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Matapos ang nangyari sa akin ay ilang araw din ako nanatili sa hospital. Nalaman ko din ang pinataw na parusa kay John at mga kasama niya, nakaramdam ako ng awa kaya naman nung nakabalik na ako sa university ay agad akong nagpasama kay Drop para kausapin ang admin ng university. Pinakiusapan ko na babaan na lamang ang parusa sa kanila noong una ay parang ayaw pa pumayag ng admin pero ng masabi ko na ang aking paliwanag ay sinuspinde na lamang nila ang mga kasama ni John pero yung kay John ay di na nila binawi pa.

        Noong araw din na yon ay nakita namin ni Drop yung tatlong kasama ni John na pinatawag ng admin tungkol sa pinkiusap ko at mangiyak ngiyak silang lumapit at nag-sorry sa akin sa lahat ng ginawa nila at nagpasalamat sa akin at nangako na hindi na sila manggugulo pa at malugod ko naman itong tinanggap.

        Lumipas ang maraming araw na wala nang gulo pang nangyayari, masaya na ang lahat, hay sana laging ganito. Araw iyon ng Martes ng ipatawag ako ni Sir Leo sa room nito kaya agad naman akong pumunta.

        Pagdating ko sa room ni Sir Leo ay naabutan ko na nandoon din si Nicco na kasalukuyang kinakausap ni Sir.

        “Oh Luke nandiyan ka na pala, halika ijo lumapit ka dito at may sasabihin ako sa inyo ni Nicco.” ang sabi ni Sir Leo nang mapansin niya ako na pumasok kaya lumapit na ako agad.

        “Alam mo na ba kung bakit kita pinatawag?” ang tanong sa akin ni Sir at umiling ako bilang tugon na hindi ko alam at wala akong ideya kung bakit, mukha ba akong manghuhula Sir?

        “Congratulation sa inyong dalawa.” ang sabing bigla ni Sir Leo at di ko naiwasang napatingin kay Nicco na katabi ko lang noon.

        “Ba-bakit po Sir? Bakit niyo po kami kino-congratulate?” ang tanong ko na puno ng pagtatataka.

        “Kayo kasi ni Nicco ang napili na magrepresent sa university natin sa gaganaping Art Exhibition sa London, at para doon na din mag-aral.” ang nakangiti pang sabi ni Sir Leo.

        “Teka, teka lang ho Sir, sigurado po ba kayo diyan Sir?” ang tanong ko dahil sa hindi ako makapaniwala at dahil din sa ayoko sa ideyang aalis ako at iiwan ko si Drop.

        “Oo naman Luke, ijo, at sa darating na December 23 na ang alis ninyo, inaayos na ng university ang lahat para sa inyo kaya wala kayo dapat ipag-alala.” ang sabi pa ni Sir Leo nang nakangiti, pwede Sir wag kayo ngumiti dahil di ako natutuwa.

        “Sir pero hindi po pwedeng iba na lamang po sa halip na ako ang sumama.” ang sabi ko at napatingin si Sir Leo at NIcco sa akin.

        “Luke, ijo, mukhang imposible yang sinasabi mo, dahil hindi naman kami ang pumili sa inyo. Bakit hindi ka ba natutuwa na isa ka sa napili? Bihira lang ang ganitong pagkakataon at hindi lahat nabibigyan ng ganitong pagkakataon.” ang sabi ni Sir Leo sa akin.

        “Pero Sir kasi...” ang sabi ko na di ko alam kung paano ko sasabihin na si Drop ang dahilan kung bakit ayaw ko umalis, na ayaw kong mawalay sa kanya.

        “Kayo na ang napili at wala na tayong magagawa pa, ang mabuti na lang nating gawin ay magpasalamat dahil napili kayo.” ang sabi ni Sir Leo.

        Pagkatapos noon ay sabay kami ni Nicco na lumabas ng room, pakiramdam ko ay ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

        “Ayos ka lang Luke?” ang tanong sa akin ni Nicco.

        “Huh ako ayos lang?” ang tila wala sa sarili kong tugon sa kanya at naglakad na lang kaming hindi nagkikibuan.

        Buong araw akong wala sa sarili sa kakaisip kung paano ko sasabihin kay Drop ang sinabi sa akin ni Sir Leo, paano ko maipapaliwanag sa kanya ang lahat. Kung ako lang ang masusunod ay ayoko talaga pero sinabi na nga ni Sir Leo na wala din siyang magagawa.

        Sa mga oras na kausap at kasama ko si Drop ay pinilit ko ang sarili ko na itago ang gumugulo sa akin, maging ang mga kaibigan ko ay hindi ko nagawang pagsabihan dahil ayoko talaga sa ideya na iiwan ko silang lahat. Bakit ako pa kasi ang napili? Bakit di na lang iba.

        Lumipas ang ilang araw at pilit akong humahanap ng tamang pagakakataon para kausapin sila lalo na si Drop pero sa tuwing nagkakaroon ako ng pagkakataon ay pinanghihinaan ako ng loob, paano ko sasabihin kay Drop na aalis na ako sa darating na December 23? Paano ko sasabihin na doon na ako sa London magpapatuloy ng pag-aaral? Paano ko sasabihin na kailangan kong umalis at iwan siya gayong ako mismo ay ayokong umalis at iwan siya.

        Biyernes ng umaga at nasa rooftop kami ni Drop at nakaupo habang masayang nagkukuwentuhan at nagkukulitan, at napatingin ako sa kanya at di ko naiwasang maiyak na makita siyang tumatawa ng ganoon kasaya.

        “Oh bakit ka umiiyak?” ang tanong niya sa akin na puno ng pagtataka.

        “Wala naman Drop, masaya lang ako.” ang sabi ko sa kanya.

        “Weh, di nga bakit ka nga umiiyak Drip? May problema ka ba Drip?” ang tanong niya muli sa akin.

        “Wala Drop, masaya lang ako at ikaw minahal ko at mahal mo ko, at masaya tayo kahit na may mga trials na pinagdadaanan ay di tayo nagpapatinag.” ang sagot ko naman sa kanya.

        “Ay sus yun lang naman pala eh, ikaw talaga Drip. Siyempre naman mahal natin ang isa’t isa tsaka hindi kita iiwan at alam ko na ganon ka din sa akin.” ang sabi nito at niyakap ako nito ng mahigpit.

        Tila echo na umalingawngaw sa isip ko ang sinabing iyon ni Drop na nagpaagos pa lalo ng luha ko. Paano Drop pag nalaman mo na iiwan kita, paano pag nalaman mo na halos linggo o araw na lamang ang binibilang natin na magkasama tayo. Drop ayoko na yatang matapos ang oras na ito kahit ganito lang tayo, masaya na ko.

Rain.Boys IIWo Geschichten leben. Entdecke jetzt