Rain.Boys II DripDrop: 1.1

6.4K 177 4
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        "Ang saya!!!!" ang sabi ko habang nag-stretch ako ng mga braso ko ng magising ako noong umagang yon, sino ba naman ang hindi sasaya eh Sembreak na, makakapagpahinga na ako, more time to date kami ni Arwin.

        "Luke? Anak gising ka na ba?" ang tanong ni Mama habang kumakatok si Mama sa pinto.

        "Opo, Mama gising na po ako." ang sagot ko habang naghihikab pa, after nung eksena sa pageant noon ay naging ayos na kami ng parents ko ulit at nakapgbonding na din kami bilang ako as their son and them as my parents, well hindi na sila sweet sa isa't isa dahil nga they are both have their own family pero okay pa din kasi may pamilya pa din ako na matatawag di ba.

        Speaking of after the eksena, nabalitaan ko, well actually inalam ko talaga, nalaman ko na talagang pinadala sa Pangasinan si John the day pa lang na matapos yung semester, at doon na siya mananatili for the entire school life niya, mas mahigpit ang mga tita at lola niya don so malungkot talaga siya, well he deserves it buti nga di ko siya napatay kaya masuwerte pa din siya.

        "Luke, son? Hindi ka pa ba babangon? Nandito na sila Arwin, ikaw na lang hinihintay namin." ang sabi ni Mama habang kumakatok ulit siya sa pinto.

        Oo nga pala may bakasyon grande kami sa Baguio today, kasama lahat ng mga kakampi ko including siyempre mga new friends namin namely Eunice at Sarah, gusto din kasi nila Mama at Papa makilala lahat sila para daw alam nila kung sino magbabantay sa akin, pero wag kayo dahil super close na sila Papa at Arwin alam niyo kung bakit? Dahil sa basketball, nag one on one sila at tinalo ng mokong si Papa at dahil don natuwa si Papa, ang deal kasi nila ay pag natalo ni Arwin si Papa si Arwin na ang magiging partner ko for life ang mokong ngiting tagumpay na agad nung madinig yon.

        "Luke?" ang katok ulit ni Mama.

        "Ay opo Mama, lalabas na po ako, sandali na lang po." ang sabi ko, napapasarap ako magreminisce ha-ha.

        Pagkagayak ko ay lumabas na ako agad ng kwarto at agad akong bumaba to see the others siyempre to see my love.

        "Akala namin di ka na sasama girl eh." ang bungad ni Francis habang pababa ako sa hagdan.

        "Pwede ba yon? Pero pasensiya na ah napasarap ang tulog ko kasi." ang sabi ko naman.

        "Ayos lang ang mahalaga kumpleto na tayo." ang sabi naman ni Russel.

        "Oh dalawang van ang sasakyan natin ah medyo marami tayo kaya naman kasama na din natin ang Papa ni Chini." ang sabi ni Papa.

        "Mommy Lucy!" ang sabi ko sabay yakap kay mommy Lucy ng makita ko siya, "buti po pumayag kayo na sumama?" ang tanong ko.

        "Oo nahiya na din naman ako tumanggi kila balae eh." ang sabi ni mommy Lucy na tinutukoy ay ang parents ko, yun na kasi tawagan nila ngayon hindi pa man din kami kinakasal nung mokong.

        "Ako hindi mo man lang ba yayakapin?" ang tanong ni Arwin.

        "May nagsasalita?" ang pabiro kong sabi.

        "Tignan mo tong duwendeng to di man lang ata ako napansin." ang sabi ni Arwin.

        "Wala akong nadinig." ang sabi ko.

        "Ah wala pala ah." ang sabi ni Arwin at bigla niya akong niyakap, lahat ng naroon ay napasabi ng AYIEH! pasaway talagang mokong na to.

        "Oy tama na yan dumadami na alnggam oh." ang sabi ni Clarence.

        "Ay oo nga mabuti pa sa biyahe na kayo maglandiang dalawa haha" ang sabi namang pabiro ni Kris.

        "Tama siya mabuti pa ay magsilabas na tayo at ng makabiyahe na din tayo." ang sabi ni Mama.

        "Oh kayo na bahala kung saang van kayo sasakay, kung doon ba sa inarkila o sa daddy ni Chini." ang sabi naman ni Papa.

        Excited kaming lumabas na magkakaibigan ng bahay nag-unahan kami sa upuan na akala mo ay isang field trip ang pupuntahan.

        Pinili namin ay ang van nila Chini, naupo kami ni Arwin sa seat sa may likod ng driver mas gusto kasi namin na malapit kami sa entrance at makit din ang dadaanan namin.

        Sila Mama, Papa, at Mommy Lucy doon sa rent na van sumakay mukang magpe-parents bonding din sila.

        Nakaka-excite talaga ito dahil first time ko talaga mararanasan ang ganitong biyahe at bakasyon.

        "Ayos ka lang ba?" ang tanong ni Arwin sa akin.

        "Oo ayos lang ako, bakit?" ang sabi ko.

        "Para ka kasing kiti kiti hindi ka mapakali diyan." ang sabi niyng pabiro at hinampas ko siya.

        "Che! Excited lang ako talaga dahil first time ko to, bakit hindi ka ba excited?" ang tanong ko.

        "Excited, pero di naman dapat maging kiti kiti ako nu ha-ha." ang pang-aasar nito.

        "Sapakin kaya kita diyan?" ang sabi ko.

        "Sige sapakin mo ko gamit ang iyong labi." ang sabi ni Arwin sabay nguso.

        "Che! Sira ulo ka talaga." ang sabi ko.

        "Kunwari ka pa kinikilig ka naman." ang sabi ni Arwin sabay kiliti sa akin.

        "Asa ka naman." ang sabi ko, at bigla akong hinalikan ng mokong, at isang sampal ang isinukli ko.

        "Ha-ha Yummy Papable Arwin masakit?" ang pabirong tanong ni Francis ng madinig ang tunog ng sampal ko.

        "Hindi sobrang sarap nga eh ganyan lang talaga si Drip nanakit ang pagmamahal." ang sabi ng mokong.

        "Ha-ha ayieh baka naman habulin tayo ng langgam habang bumabiyahe ah bawal kay mayor yan." ang sabi ni Clarence.

        "Oy baka pagdating natin don sa tutuluyan natin ay mag bagong taon kayong dalawa, mas lalong bawal kay mayor yan." ang pabirong sabi ni Kris.

        "Hindi ah!" ang sabay naming sabi ni Arwin.

        "Uy defensive." ang sabay sabay na sabi nila at nagtawanan kaming lahat.

        Nag-umpisa na kaming bumiyahe, at habang bumabiyahe ay hindi namin naiwasang kumanta ng "We Will Rock You" ng madinig namin yung tugtog, para lang kaming sasabak sa labanan haha.

        "We will, we will rock you, we will BAGUIO!" ang sabay sabay naming sabi ng bagong lyrics.

        Nang matapos kami kumanta ay tila may nagdaang anghel dahil lahat kami ay natahimik at namangha sa mga nadaanan naming lugar. Nakakamangha ang mga scenery kaya kami picture picture pang post at pang profile pic sa FB.

        This will gonna be the best Sembreak ever.

Rain.Boys IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon