Rain.Boys II DripDrop: 18.2

2K 97 2
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko si Drip na tila wala sa sarili at madalas ay mukhang malalim ang iniisip. Hindi lang ako ang nakapansin sa ganoong kinikilos ni Drip maging ang mga kaibigan namin ay napapansin din iyon pero pagtinatanong naman daw nila kung bakit ay puro wala at ayos lang daw ang sinasagot ng duwende sa kanila.

        Biyernes ng umaga magkasama kami sa rooftop ng building ng department nila masaya kaming nagbibiruan at kuwentuhan noon ng bigla na lang siya maiyak tinanong ko siya kung may problema ay wala naman daw. Nawiwirduhan na talaga ako sa kinikilos ng duwendeng ito, alam ko na may problema siya pero bakit hindi niya sabihin sa akin para na mapagaan ko ang pakiramdam niya. Noong mga sandaling yon ay niyakap ko lang siya dahil sa hindi ko pa alam kung ano ang gumugulo sa kanya ay tanging ang yakapin lang ang alam kong magagawa ko sa mga oras na iyon.

        Nasa loob na ako ng classroom para sa next naming klase, si Von ay busy naman sa pagbabasa sa topic namin sa araw na iyon, napaksipag na bata, ako naman ala nakatanga lang iniisip si Drip na nasa klase din niya.

        “Congrats nga pala.” ang biglang bati sa akin ni VIncent na pinagtaka ko kaya napatingin ako sa kanya.

        “Huh?” ang tangi ko nasagot.

        “Sabi ko congrats.” ang pag-uulit na sabi ni Vincent.

        “Oo nadinig ko pero bakit mo ako kino-congrats?” ang usisa ko dahil sa pagkakaalam ko ay wala naman akong sinasalihan na kung ano man para maging dahilan para i-congratulate ako.

        “Huh? Di ba napili si Luke para siya ang isa sa magrepresent sa university natin sa gaganapin na Art Exhibition sa London kasama niyang napili yung si Nicco, yung foreigner, at tiyaka di ba doon na siya mag-aaral sa London dahil sa scholarship na matatanggap ng mga mapipili. At ang pagkakaalam ko pa ay sa darating na December 23 na ang alis nila.” ang sabi ni Vincent na nagpatigil sandali sa oras ko, na tila pakiramdam ko ay nabingi ako sa mga sinabi niya.

        “To-to-too ba yang sinabi mo?” ang tanong ko na hindi pa makapaniwala.

        “Oo bakit? Hindi ba mo ba alam? Wala bang sinasabi sa’yo si Luke?” ang tanong ni Luke.

        “Sigurado ka ba diyan? Sino ang nagsabi sa iyo niyan?” ang tanong ko na hindi pa rin makapaniwala sa nadinig na balita.

        “Oo naman bakit ako magsisinungaling sayo? Iko-congrats ba kita kung hindi. Naikwento lang sa akin ng isa kong kakilala sa department nila. Teka bakit di mo na lang tanungin yung prof nila, yung Sir Leo ba yon para malaman mo na hindi ako nagsisinungaling.” ang sabi ni Vincent sa akin.

        Halos naging blangko ang isip ko noon sa buong oras ng klase namin na iyon, iyon ba ang nililihim sa akin ni Drip iyon ba ang dahilan bakit para siyang wala sa sarili? Bakit niya kailangang ilihim sa akin ito? Bakit?

        Nang matapos ang klase ko noon ay agad akong nagtungo kay Sir Leo upang tanungin ito tungkol sa sinabi ni Vincent sa akin, at tila nagdilim ang mundo ko noong madinig ko ang sagot ni Sir Leo sa tanong ko, hindi ko alam pero pakiramdam ko pinagtaksilan ako ni Drip. Nagpasalamat ako at agad na tinungo ang hallway papunta sa room nila Drip pero bago pa ako makalapit ay nakit ko na siyang lumabas kasama sila Kris.

        “Drop.” ang tawag niya sa akin, “bakit ang aga mo naman ata, natapos na ba ng maaga klase niyo?” ang dugtong niyang tanong pero hindi ako umiimik at lumapit siya sa akin.

        “Drop ayos ka lang?” ang tanong niya.

        “Sa tingin mo ayos lang ako?” ang tanong ko sa kanya.

        “Drop, may nangyari ba? Ano ba ang problema?”

        “May nangyari ba? May problema ba? Sa tingin mo ako ba dapat talaga ang sumagot ng mga tanong mo na yan Drip?” ang sabi ko at tumingin ako sa kanya at sa mga mata niya at nakita ko ang mga pag-aalinlangan niya.

        “Drop ano bang sinasabi mo?” ang tanong niyan muli sa akin.

        “Hanggang kailan Drip? Hanggang kailan mo itatago sa akin, sa amin ang totoo?” ang sabi ko at nakita ko ang pagkabigla niya na marahil ay alam na niya angtinutukoy ko, nag-umpisa na mangilid ang luha namin parehas.

        “Drop.” ang tangi niyang nasabi.

        “Ano Drip hanggang kailan mo sasabihin sa akin?” ang tanong ko ulit sa kanya.

        “Drip, paano mo nalaman?” ang tanong niya.

        “Mahalaga pa ba kung paano ko nalaman Drip? Bakit di mo ako sagutin Drip, hanggang kailan mo itatago sa akin bago mo sabihin na aalis ka na?” ang halos pasigaw ko na sabi dahilan para madinig na nila Kris ang usapan namin at lumapit sila sa amin.

        “Sasabihin ko naman talaga Drop sa’yo, sa inyo, pero humahanap lang ako ng tiyempo.” ang sagot niya na nag-umpisa ng umiyak.

        “Kailan Drip, kailan yung tiyempo na yan? Kapag nakaalis ka na Drip? Kapag nasa London ka na? Kapag umaasa ako na makakasama kita sa ikapitong monthsary na tumapat pang Pasko pero wala ka na pala? Ano Drip kailan?” ang sabi ko. Nabigla din sila Francis sa nadinig nila marahil kahit sila ay wala talagang alam.

        “Drop makinig ka naman sa akin oh, di ko lang naman sinabi agad sayo kasi ayoko na malungkot ka.” ang sabi ni Drip na garalgal na ang boses dahil sa pag iyak.

        “Sa tingin mo magiging masaya ako ng ganito? Na sa ibang tao ko pa malalaman? Na kaya ka pala palaging malalim ang iniisip ay dahil iniisip mo yung pag-alis, bakit Drip iniisip mo ba na di kita mauunawaan? Drip ano ba ko sayo? Akala ko ba mahal mo ako bakit parang hindi mo ko pinagkakatiwalaan?” ang sabi ko na di ko na din napigilan ang pag-agos ng luha ko.

        “Drop hindi sa ganon, natakot lang ako Drop natakot lang ako.” ang sagot niya sa akin.

        “Bullsh*t naman na takot yan. Bakit Drip ano bang nakakatakot sa pagsasabi sa akin? Alam mo ba pakiramdam ko ngayon? Pakiramdam ko yung taong minahal ko ng lubos. Yung taong pinagkakatiwalaan ko at pinaniniwalaan ko na di ako lolokohin ay tiniraydor ako, Drip ang sakit. Ang hirap tanggapin, bakit ikaw pa ang gumawa sa akin nito?” ang sabi ko mabilis ako na umalis palayo sinubukan niya akong pigilan pero hindi niya din nagawa.

        Nang makauwi ako ng bahay ay nagkulong lang ako sa kwarto ko, pinuntahan niya ako pero hindi ko siya nilabas. Sumapit din ang gabi, tintadtad niya ako ng text at tawag pero hindi ko ito sinasagot, nahihirapan pa din ako tanggapin ang lahat. Sh*t naman kung kelan naman akala mo okay na ang lahat tiyaka pa ganito, nakakainis, nakakaiyak. Sa buong magdamag ay umiyak lang ako sa kwarto ko, naisipan ko din na hindi na muna pumasok ng ilang araw, gusto ko muna mapag-isa, dahil pakiramdam ko yung taong mahal ko iniwan na ako sa ginawa niya na paglilihim sa akin.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now