Rain.Boys II DripDrop: 16.4

2.5K 116 1
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Kinabukasan ay maaga akong nagising habang yakap yakap ako ni Drop, hindi ko na kasi siya pinauwi kagabi. Nangiti ako noong pinagmasdan ko ang mukha niya napakaaliwalas marahil ay napapanaginipan pa niya ang saya sa nangyari kagabi, di siya siguro talaga makapaniwala na susorpresahin ko siya. Tulad ng nakagawian ko pag nagigising ako at pagtulog pa ang hilaw na kapre ay pinapalakad ko ang aking mga daliri sa mukha nito.

        “Maliliit na gagamba, umakyat sa sanga...” ang pabulong kong awit, ha-ha ewan ko ba bakit iyon ang kinanta ko.

        Nang matapos ko ang kanta ay tinigil ko na din ang ginagawa sa mukha niya, aba himala ang himbing ng tulog ng hilaw na kapreng to. Kaya naisipan ko na gisingin na siya dahil may pasok pa kami pareho.

        “Drop, Drop...” ang malumanay kong pagtawag sa kanya habang tinutusok tusok ng hintuturo ko ang pisngi niya, “Drop, gising na may pasok pa tayo.” ang sabi ko.

        “Hmmmm...” ang tangi sabi ni Drop at humigpit ang yakap nito sa akin pero hindi pa rin ito nagigising.

        Huminga ako ng malalim at mayaya pa ay, “DROPPPPPPPP!! GUMISING KA NA MAY PASOK PA TAYO!!!” ang pasigaw kong sabi at nagising ang mokong at napabangon ko pa.

        “Grabe ka naman Drip, ang aga-aga pa oh.” ang sabi ni Drop.

        “Eh ayaw mo pa kasi gumising, may pasok pa kaya tayo.” ang sabi ko sabay bangon din.

        “Oo nga pala no.” ang sabi naman niya pero bigla niya ako niyakap at hiniga na naman.

        “Drop ano ba may pasok pa tayo.” ang sabi ko sa kanya pero tumitig lang ito sa akin at mabilis akong hinalikan sabay ngiti.

        “Huwag na muna tayo pumasok ngayong araw.” ang sabi ni Drop sabay ngiti sa akin.

        “At bakit naman hindi tayo papasok aber?” ang tanong ko.

        “Wala ka namang importanteng gagawin sa klase niyo ngayon di ba?” ang tanong ni Drop sa akin.

        “Uhmm wala naman.” ang sagot ko.

        “Eh wala din akong importanteng gagawin, kaya huwag muna tayo pumasok, gusto ko lang sulitin ang araw na ito ng tayong dalawa lang muna.” ang sabi ni Drop sabay ngiti.

        “Hmmm...” ang sabi ko na tila nag-iisip pa kung papayag o hindi.

        “Sige na Drip pumayag ka na, please,” ang sabi ni Drop na tila naglalambing at humigpit muli ang yakap niya sa akin.

        “Hmm, sige na nga.” ang sabi ko sa kanya sabay ngiti.

        “Yehey! Salamat Drip.” ang sabi ni Drop na parang bata sabay halik ng mabilis sa akin sabay pikit.

        “Oh ano ginagawa mo?” ang tanong ko.

        “Matutulog ulit he-he, gusto ko matulog ng kaunti habang yakap kita. Kaya diyan ka lang Drip wag ka munang bumangon.” ang sabi ni Drop.

        “Ikaw talagang hilaw na kapre ka dami mong alam dapat talaga mag teacher ka.” ang pabiro kong sabi.

        “Isa lang kaya ang alam ko.” ang sabi naman niya habang nakapikit.

        “At ano naman yon?” ang tanong ko.

        “Ang alam ko lang ay mahal kita.” ang sabi ni Drop at di ko maiwasang kiligin sa sinabi ng mokong.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now