Rain.Boys II DripDrop: 4.2

3K 137 10
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        Kitang kita namin lahat ang tuwa at saya kay Luke nang malaman niya na sa isang Strwaberry Farm kami pupunta, siyempre masaya ako na makita namin siya na ganoon parang di nga nagkasakit ang duwende eh, pero nakakatakot din pala ma-excite ng sobra ang duwendeng to parang sinasaniban na, mantakin niyo susugod na agad siya sa pamimitas ng hindi man lang nakikinig sa guide buti na lang napakalma ko siya.

        Nang matapos ang pagpapaliwanag ng guide namin ano pa ba ang dapat i-expect siyempre ayun na ang duwende sumugod na dala ang dalawang malaki niyang lalagyan, nakakatuwa siyang pagmasdan kaya naisip ko na lahat ng makukuha ko ay papakain ko talaga sa kanya ng maglubay siya ha-ha joke, alam ko kasing masmatutuwa siya pag ganon, pero siyempre hindi niya alam na pasimple ko siyang vini-video-han kanina sa mga kalokohan niya, gandang souvenir nito ha-ha.

        Pumunta na rin sa field ang iba para mag-umpisa sa pamimitas ng strawberries kaya naman hindi ako magpapahuli.

        "Teka lang Arwin." ang sabi ni Russel habang kumukuha ako ng lalagyan.

        "Bakit Russel?" ang tanong ko.

        "Pwede ka ba namin makausap, yung lalaki sa lalaki, tayong tatlo." ang sabi ni Von na mukhang seryoso sa sinasabi.

        "Oh sige, ayos lang." ang sagot ko naman.

        "Sumunod ka sa amin." ang sabi ni Von, wow like a boss ah kutusan ko kaya to pero dahil mukang seryosong usapan ito ay sumunod na ako ng walang alinlangan sa kanila hindi naman siguro ako bubugbugin ng dalawang to.

        Pumunta kami sa medyo malayo sa iba kung saan matatanaw namin si Luke na namimitas na ng strawberry at mukhang nakakarami na nga eh, saglit nawala ang atensiyon ko kila Von at Russel at napangiti ako kay Luke na busy na busy sa pamimitas.

        "Para talaga siyang bata." ang nasabi ko.

        "Ahem, pwede bang makinig ka muna sa amin pansamantala." ang sabi ni Von at dahil doon ay bumalik na ang atensiyon ko sa kanila.

        "Ah pasensiya na natutuwa lang ako kay Drop, pero sige ano ba kasi ang pag-uusapan natin?" ang sabi ko.

        "Pag-uusapan natin si Luke." ang sabi ni Von, teka ano to may binabalak na naman ba ang dalawang to para maagaw sa akin si Luke?

        "Huwag kang mag-alala wala kaming balak na makipagkompetensiya sayo, tanggap na naming dalawa ni Von, napag-usapan na din namin ito noong isang gabi pa." ang sabi ni Russel na pinagtaka ko.

        "Anong ibig mo sabihin?" ang tanong ko.

        "Ang gusto lang namin sabihin ay tanggap na naming talo na kami sayo pagdating kay Luke, alam na naming hindi namin kailan man pwedeng makuha ang pagmamahal ni Luke na katulad ng ibinibigay niya sayo." ang sagot ni Von.

        "Kaya naman, sinusuportahan na namin ang relasyon niyo at magiging masaya kami sa inyong dalawa ni Luke simula ngayon." ang sabi naman ni Russel, at napangiti ako sa nadinig ko sa dalawang ito, ano kayang nakain ng mga to pero gusto ko talaga ang nadinig ko na yon.

        "Maraming salamat mga brad." ang sabi ko bigla he-he brothers na turing ko sa kanila dahil doon.

        "Teka lang wag ka muna magsaya, hindi dahil okay na kami sayo para kay Luke ay ibig sabihin ay kakampi mo kami dahil sa oras na paiyakin mo at saktan ulit si Luke kaming dalawa mismo ang maglalayo kay Luke sayo." ang sabi ni Von, at napatingin ako sa mata nilang dalawa, nagkatitigan kaming tatlo ng matagal at ngumit ako ulit.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now