Rain.Boys II DripDrop: 8.2

3.1K 132 26
                                    

NICCOLEI'S POINT OF VIEW:

        Medyo naging matagal din ang hinintay ko para makasama ko at malaman ang pangalan nitong si Luke, I am here at my room now nakaupo sa harap ng desktop ko pinamamasdan ko ang stolen pictures ko ni Luke, where did I get these pictures? Kinuha ko ito noong nasa strawberry field siya sa Baguio before ko siya lapitan at kausapin non, kakauwi ko lang galing ng bago kong university, well lumipat lang naman ako sa university na yon dahil kay Luke, yup call me stupid or whatever pero the very first time I saw Luke at the Art Exhibit ay napukaw na niya agad ang puso ko.

        Ako si Niccolei Petersburg, isang half British half Filipino pero mas nangibabaw sa looks ko ang foreign blood ko kaya madali sa akin ang mag-pretend sa harap ng ibang tao na hindi ako sanay magsalita at umintindi ng Tagalog lalo na sa harap ni Luke, yes I am planning to pretend na hindi ako sanay mag-Tagalog para mas makuha ko ang atensiyon ni Luke.

        Actually ako ang nakiusap sa DEAN ng College of Fine Arts na si Luke ang maging guardian ko habang nasa university ako, pinakita ko ang picture niya at sinabi ko na siya kasi ang nag-introduce sa akin ng university nila siyempre in English ko sinabi para talagang masmagmukhang kapanipaniwala na inosente ako dito sa Pilipinas, good thing kilala ng DEAN si Luke kaya nalaman ko agad ang pangalan niya at simula noon nabuo na ang plan ko na kunin ang atensyon ni Luke but not only his attention, I also want to get his heart and I want him to love me too.

        Akala ko nga kanina ay okay na ang lahat pero naiinis ako na malaman na taken na pala si Luke by this guy named Arwin, kaya pala lagi siyang sumisingit noong mga times na kinakausap ko siya but I will not let him stop me getting Luke, cos Luke will be mine, I just need to think of a plan.

        Nang makuntento na ako na titigan ang mga pictures ni Luke ay shinut down ko na yung desktop at binuksan ko ang bintana ng kurtina ko para pagmasdan ang tanawin sa labas ng bago kong bahay, yup kakalipat ko lang dito sa bahay na ito, a week before mag-start ang school semester, dahil sa bago lang ako dito ay wala pa akong kakilala, at hindi naman ako mahilig lumabas, ngayon ko lang talaga naisipan na buksan ang bintana ng kwarto kong ito para naman may hanging pumasok, katapat ng bintana ng kwarto ko ay ang bintana ng kabilang bahay na isang kalsada lang ang pagitan.

        Naramdaman ko ang pag-ihip ng malumany na hangin sa aking mukha, napapikit ako para namnamin ang pakiramdam na ito.

        "NICCO!!!" ang tawag sa akin ng isang pamilyar na boses, hindi ako pwede magkamali kilala ko ang boses na ito, grabe ang hangin na ito dinadala sa tenga ko ang boses niya, ang boses ni Luke.

        "Niccolei!" ang tawag ulit niya medyo pasigaw ito kaya parang makatotohanan pero nang idilat ko ang aking mga mata bumuluga sa akin ang imahe ni Luke na nasa bintana sa kabilang bahay, teka totoo ba ito, si Luke? Si Luke ang kapitbahay ko? Shoot mukhang nakatadhana talaga.

        Nakaka-in love talaga siya, nababanaag ko sa kanya ang pagka-inosente lalo na sa kanyang mga ngiti.

        "Hello Luke!" ang sigaw ko siyempre kailangan magpanggap na English lang ang kaya kong bigkasin, "wait I'll go outside." ang pasigaw kong sabi at nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko para lumabas at puntahan si Luke, chance ko na to habang wala pa ang asungot na partner niya.

        Nanh makarating ako sa harap ng puting gate ng bahay niya ay saktong labas naman ni Luke ng bahay at mabilis niyang tinungo ang gate.

        "Hi." ang sabi ko na medyo hingal pa sa pagmamadali.

        "Hello, Nicco, I can't believe that you are my new neighbor." ang sabi ni Luke sa akin na nakangiti.

        "Me too, I never thought that you are my neighbor, isn't it great, it's like we are really destined to be together, ah I mean to be friends, yeah, to be friends." ang sabi ko na medyo nauutal dahil muntik na akong madulas sa kanya.

Rain.Boys IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon