Rain.Boys II DripDrop: 22.1

2K 100 2
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Nang makabawi ako ng lakas ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tumayo. Nagmamadali akong nagpunta sa St. Sebastian Hospital, halos patakbo akong pumasok, pagpasok ko ay nakita ko agad si Von na sinalubong ako.

        “Nasan si Drop? Von nasan si Drop?” ang tanong ko sa kanya na halos hysterical na ako.

        “Sumunod ka sa akin, nasa emergency room siya ngayon at kasalukuyan pa ding sumasailalim sa operation.” ang sabi ni Von.

        Kanina pa si Drop doon? Ganoon ba kakritikal ang lagay ni Drop? Drop lumaban ka di ba sabi mo hindi mo ko iiwan? Nandito na ako, hindi ako umalis kaya wag kang madaya diyan. At paulit ulit ko itong sinabi sa isip ko hanggang sa makarating na nga kami sa emergency room area, nakita ko ang lahat ng kaibigan namin doon at si Mommy Lucy na patakbong lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap at saka humagugol ng iyak at dahil don ay hindi ko na din napigilan ang hindi umiyak.

        “Ano po ba ang nangyari?” ang tangi kong natanong habang umiiyak.

        “Luke si Arwin, ayoko mawala ang anak ko sa akin, siya lang ang kayamanan ko, siya na lang ang meron ako.” ang sabi ni Mommy Lucy habang patuloy na umiiyak.

        “Mommy naman wag kayong ganyan, hindi mawawala si Drop, malakas po ang anak niyo, matapang at palaban, Mommy wag niyo pong sabihin yan dahil hindi niya tayo iiwan Mommy, hindi niya tayo pwedeng iwan, hindi pwede.” ang sabi ko at tuloy pa din kami sa pag-iyak habang ang lahat ay hindi na napigilan ang pagpatak ng luha nila.

        “Pero Mommy ano po ba talaga ang nangyari at bakit parang ang tagal naman nilang ilabas sa emergency room si Drop.” ang tanong ko sa kanya.

        “Nabundol si Win ng sasakyan, bigla kasi daw siyang tumawid at di niya nakita yung sasakyan na padating, sabi ng mga nakakita tumalsik sa lakas ng pagkakabangga ang anak ko. Hanggang sa nawalan na daw ito ng malay, hindi siya agad nadala dito dahil hinintay pa na makarating ang ambulansiya. Nalaman ko lang yan nung tawagan na ako ng isang nurse ng hospital na to, tapos hanggang sa pagdating ko hindi pa din siya nilalabas sa ER.” ang sabi ni Mommy Lucy at umiyak na naman.

        Halos maubusan na kami ng luha ni Mommy Lucy sa pag-iyak hanggang sa narinig na namin ang pagbukas ng ER, at lumabas ang doctor, mabilis namin nilapitan ang doctor.

        “Doc, Doc kamusta na po ang anak ko?” ang mabilis na tanong ni Mommy Lucy. Nakita sa mukha ng doctor ang blangko nitong reaksiyon na tila hindi alama ang sasabihin.

        “May maganda at masamang balita po kami sa inyo Ma’am.” ang sabi ng doctor.

        “A-ano po iyon Doc? Ayos naman po ang anak ko di ba? Ligtas naman po siya Doc di ba? Pakiusap Doc sabihin niyo na mabuti ang kalagayan ng anak ko.” ang sabi ni Mommy Lucy na nagsimula na namang umiyak.

        “Ma’am huminahon po kayo, ang mabuting balita mo ay opo nagawa naming iligtas ang anak niyo at nasa stable condition na po siya pero ang masama pong balita ay nasa state of coma po ang anak niyo ngayon dahil sa tindi ng naging tama sa ulo niya bunsod ng pagkabagok niya.” ang sabi ng doctor. Nang madinig ito ni Mommy Lucy ay nahimatay ito mabuti na lang ay nasalo ito agad nila Russel at Von.

        “Pero Doc, magigising naman po siya di ba po? Di ba Doc magigising pa siya?” ang sabi ko na maluhaluha pa.

        “Ijo to be true hindi namin alam kung kailan siya magigising, sa kaso kasi ng pasiyente ay pwedeng tumagal ng araw, linggo, buwan, at sa ibang kaso ay hindi na nagigising. Kaya kahit kami mismo ay hindi namin masasabi kung kailan siya maaaring magising.” ang sabi ng doctor at nang madinig ko iyon ay hindi ko napigilan ang pag-agos ng mga luha ko.

        Noong gabi ding iyon ay inilipat si Drop sa magiging kwarto niya, nanatili kami ni Mommy Lucy sa tabi niya, nagbabakasakaling baka magising din siya.

        “Luke, anak, magpahinga ka na alam ko pagod ka dahil nanggaling kami sa biyahe bago ka makarating dito.” ang sabi ni Mommy Lucy sa akin.

        “Hindi po Mommy, hindi ko po pwedeng iwan si Drop, alam ko na magigising siya mamaya at pagkagising niya ay aasarin niya ako, gusto ko pag gumising na siya ay ako agad ang una niyang makita, ayoko po na iwan siya, dito lang po ako sa tabi niya.” ang sabi ko at ngumiti lang sa akin si Mommy at hinaplos ni Mommy ang buhok ko at isinandal niya ang ulo ko sa kanya.

        “Alam mo Luke, anak, ang saya ko noong malaman ko na ikaw pala ang nagpapasaya sa anak ko. Ang saya saya ko pag nakikita ko kayong dalawa at nakakasama ko kayo at ang pakiramdam ko ay kumpleto na ako dahil nakita ko at nakasama ko ang taong nagpapasaya sa anak ko, na nakasama ko ang tao na nagmamahal sa kanya, at nakit ko na ngumiti sa araw-araw ang anak ko na dati ay laging nag-iisa.” ang sabi ni Mommy Lucy at di ko mapigilang umiyak sa mga sinabing iyon ni Mommy Lucy.

        “Bukas bisperas na ng Pasko, sana gumising na ang anak ko para masaya nating macelebrate na magkakasama ito.” ang sabi ni Mama at napayakap ako sa kanya at nagpatuloy sa pag-iyak.

        “Anak gumising ka na, tignan mo oh umiiyak na tuloy kami ni Luke dito.” ang sabi ni Mommy na umiiyak na din pala nung mga oras na iyon at hindi na naman naiwasang maiyak ng mga kaibigan namin sa eksenang nakikita nila.

        Mag-a-alas onse na ng gabi ng tumingin ako sa orasan, nakauwi na sila Von noon at kami na lang ang naiwan.

        “Mommy bakit hindi na po muna kayo magpahinga, ako na po munang bahala magbantay kay Drop.” ang sabi ko.

        “Pero anak ikaw nga dapat ang magpahinga diyan eh.” ang sabi ni Mommy Lucy.

        “Hindi po ayos lang po ako, alam ko po na maspagod po kayo sa akin.” ang sabi ko at ngumiti si Mommy Lucy sa akin.

        “Salamat anak, sige uuwi na muna ako para makapagpahinga, ikaw na muna ang bahala kay Win, tawagan mo ako pag may nangyari. Okay?” ang sabi ni Mommy Lucy.

        “Opo, Mommy, ako na po ang bahala sa kanya.” ang sagot ko at humalik sa noo ko si Mommy Lucy at saka tumayo.

        “Paano iwan ko na muna kayo.” ang sabi ni Mommy Lucy.

        “Sige po Mommy, ingat po kayo, ako na po ang bahala kay Drop.” ang sabi ko pa at umalis na si Mommy Lucy.

        Tahimik ang buong kwarto, nakakabingi sa sobrang tahimik, hinawakan ko ang kamay ni Drop at hinalikan ito pagkatapos ay pinagmasdan siya habang tila mahimbing na natutulog.

        “Drop ilang oras na lang Bisperas na ng Pasko, gising ka na oh, sige ka ang dami mo mamimiss na event.” ang sabi ko sa kanya at muling umagos ang luha sa mga mata ko.

        “Gumising ka na Drop, nandito na ako, hindi na ko aalis Drop.” ang sabi ko ngunit tanging ang apg-iyak ko lang ang madidinig sa buong kwarto.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now