Rain.Boys II DripDrop: 23.1

2.1K 102 5
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha mula sa bintana ng kwarto, agad akong bumangon at inayos ang higaan ni Drop. Ilang sandali pa ay dumating na si Mommy Lucy.

        “Merry Christmas po Mommy Lucy.” ang bati ko kahit alam ko na mahirap sabihin ito.

        “Merry Christmas din Luke anak, at Happy monthsary sa inyo ni Win.” ang sabi ni Mommy Lucy.

        “Maraming salamat po.” ang sabi ko at mayamaya ay tumunog na ang cellphone ko sa mga pagbati mula sa kaibigan namin.

        “Drop oh tignan mo ang dami ng nagmemessage sa atin para i-greet tayo.” ang sabi ko.

        Noong hapon ay nagpaalam ako kay Mommy Lucy para makapagsimba ako bago matapos ang Pasko. Pagdating ko sa loob ng simbahan ay taimtim akong nanalangin sa Panginoon na sana ay dinggin niya ang hiling ko, na sana ay gisingin na niya si Drop mula sa mahimbing nitong pagkakatulog dahil sobra ko ng namimiss si Drop, sobra ko ng namimiss ang taong mahal ko.

        Pagkatapos ko magsimba ay dumaan ako sa nagtitinda ng bibingka at puto bumbong, naisipan kong bumili para mapagsaluhan namin ni Mommy Lucy. Hanggang sa makita ko sila Von at nakita nila ako, pupunta din sila sa Hospital para bumisita ulit.

        Kahit paano ay masaya naming nairaos ang Pasko, siguro kung wala ang mga kaibigan namin ay baka hindi naman magawa ni Mommy Lucy ang ngumiti at tumawa kahit sandali, kahit paano sila ang nagpapalakas ng loob namin para hindi sumuko.

        Nagdaan ang ilan pang mga araw, hindi pa rin nagigising si Drop, nagsasalitan kami sa pagbabantay kay Drop ni Mommy Lucy sa umaga ay siya ang magbabantay at ako naman ay uuwi para magpahinga at pagsapit ng gabi ay ako naman ang magbabantay at si Mommy Lucy naman ang siyang uuwi para magpahinga.

        December 31, 2013, bisperas na ng Bagong Taon, hindi pa din nagigising si Drop, nasa hospital na ako noon para makipagpalit sana kay Mommy Lucy na magbantay pero napakiusapan ako ni Mommy Lucy na umuwi sa kanila upang kumuha ng ilang damit para kay Drop, ako din kasi ang naglilinis ng katawan at nagpapalit ng damit kay Drop, sa akin na kasi pinagkatiwala ni Mommy Lucy iyon at ayoko din na makita ng ibang tao ang katawan niya na walang damit kaya nagpaturo ako ng tamang paglilinis at pagpapalit ng damit niya.

        Madilim na ng makarating ako sa bahay nila Drop may ilang mga nagpapaputok na nga sa daan ang naririnig at nakikita ko habang pauwi na ako. Pumasok ako ng bahay at pagpasok ko ay nakaramdam ako ng tila malamig na hangin na siyang yumakap sa akin, malamig na hangin na sa halip ipanginig ko ay tila naging komportable ako at palagay ang loob.

        Mayamaya pa ay binuksan ko ang ilaw at dumiretso na sa kwarto ni Drop, binuksan ko ang ilaw ng kwarto niya at agad na tinungo ang damitan niya. Pagkabukas ko sa drawer kung saan nakalagay ang mga pang itaas niya ay nakita ko ang isang flash drive nakapatong sa isang papel.

        Kinuha ko ito at binuklat ang papel na nakatupi, at nakita ko na may naksulat dito kaya naman akin itong binasa:

        Para sa Pinakamamahal Kong si Drip,

        Sorry sa mga nasabi ko sa iyo, sorry kung nagalit man ako sayo at hindi na nakinig sa mga paliwanag mo. Pero Drip kahit ano pa ang man ang mangyari hindi pa din nagbabago ang pagmamahal ko sayo. Natakot lang ako na baka mawala ka sa akin kaya naman ganoon ang naging reaksiyon ko. Sorry din kung hindi ako nagpaparamdam sayo, sinasanay ko lang ang sarili ko na hindi ka makita at makasama, at to be honest nahihirapan ako Drip. Hindi ko alam kung paano kita pipigilan na umalis pero naisip ko kapalaran ang nagdikta, siguro makakabuti sayo ang pag-alis mo kaya naman ibinigay yan ng kapalaran. Siguro isa na to sa pinakamahirap na pagsubok na haharapin natin pero magkaganun man hindi ako susuko sa atin, handa ako na hintayin ka hanggang sa makabalik ka. Basta Drip maging good boy ka ah wag titingin sa iba dapat pagbalik mo ako pa din ang mahal mo. ILOVEYOUDRIP! Mamimiss kita!

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now