Rain.Boys II DripDrop: 9.2

2.5K 123 0
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        Nakakatuwa na nakakakilig na isipin na nilambing ako ng todo ng mahal kong si Drip, talaga naman kasing nagtampo ako kanina akala ko din kasi talaga ay matatapos ang araw na ito na inis siya sa akin kaya medyo naiyak ako sa kwarto, medyo lang naman. Anyway ayun kasalukuyan kaming nanonood ng movie na “A Walk To Remember” nang mapatingin ako sa duwende ay knock out na pala, paborito pala ha, baka paboritong tulugan ma movie ha-ha. Pero seriously nagandahan ako sa movie kaya naman kahit tulog na si Drip ay tuloy pa din ako sa panonood, hanggang sa matapos ko iyon, at putek napaiyak ako ng movie na yon.

        After nung movie, dahan dahan akong bumangon, at napatingin ako kay Drip, what if one day bigla mawala ang isa sa amin, kakayanin kaya ng maiiwan sa amin ang magpatuloy? O darating yung time na mamakalimutan din nung isang maiiwan yung isang nawala? With those thoughts sa isip ko hindi ko maiwasang malungkot, dahil isipin pa lang na wala ang duwendeng ito sa buhay ko kahit sa maikling oras lang ay para na akong pinatay, oo siguro OA sa iba pero totoo yun it kills me to think of it, pero pano nga kaya?

        “I love you Drop! Walang iwanan ha.” ang biglang sabi ni Luke na tila ako ang napapanaginipan. Nangiti ako nang madinig ko yun, nakakatuwa na hanggang sa panaginip ako din ang laman, siyempre ganoon din ako siya lang din ang laman ng panaginip ko, minsan pa nga napapanaginipan ko na ginawa niya akong pain sa pating oh di ba ang sweet niya sa akin talaga. Pero inalis ng mga salita niyang iyon ang mga tanong na bumagabag sa akin.

        “I love you too Drip! Pangako walang iwanan.” ang sabi ko bilang tugon sa nananaginip na duwende.

        Inayos ko ng pagkakahiga si Drip sa sofa at saka ako tuluyang bumangon para dalhin sa kusina ang mga pinagkainan at hugasan ito, pagkatapos ay ini-off ko na ang TV at player. Nang masiguro ko ng okay na ay dahan dahan ko na binuhat ang mahal kong asawa para dalhin sa kwarto namin. Medyo bumibigat ang duwendeng to ah pero di naman tumataba.

        Nang makarating na kami sa kwarto ay dahan dahan ko na rin siyang hiniga at mayamaya ay bigla ako nitong hinila dahilan para madagan ko siya pero sa halip na magising ay niyakap niya ako, “sabing wag ka aalis Drop eh, dito ka lang pepektusan kita.” ang sabi na naman nito, yung totoo Drip nananaginip ka o lasing? Ha-ha sayang hindi ko mai-record maganda pa naman sana itong ipakita sa mga barkada namin.

        Sa ganoong posisyon ako na natili pansamantala ninanamnam ang bawat sandali, ang bawat oras na yakap yakap ako ng aking mahal. Nakakatuwa ngang isipin na were among those few couples na nakakasurvive without too much alam niyo, nagkaroon man kami pero hindi madalas it was pure love not a hobby, at proud ako sa isigaw yan dahil nirerespeto ko ang duwendeng yakap ko at yakap yakap ako. Ilang sandali pa ay nakaramdam  na din ako ng antok sa sobrang pag-iisip ko ng malalim kaya umayos na ako ng pagkakahiga, inpinaunan ko kay Drip ang aking mga braso at niyakap ko siya at nagkumot kami at ilang sandali pa ay nakatulog na rin ako.

        Kinabukasan ay nagising ako na wala na si Drip sa tabi ko, at may tumatabing sa paningin ko, ang duwende nagdikit ng sticky note sa noo ko. Inalis ko sa noo ko ito at aking binasa.

        ‘Dear Drop, good morning, bumangon ka na dyan wag kang tatamad tamad, hindi na kita ginising pa dahil alam ko na napuyat ka kagabi, pasensiya na din kung nakatulugan kita ah, pero mukang nag-eenjoy ka kasi kagabi kaya di na ako nagyaya para matulog,salamat sa pagbuhat sa akin, ILOVEYOUDROP! Mag breakfast ka na and see you later. MWAH!’

        Sa note pa lang niya na iyon ay napangiti na ako what more kung nagising pa ako na siya ang nakita ko kaso madaya di man lang ako ginising okay lang babawi na lang ako ng kiss mamaya he-he. Pero siyempre tumawag ako sa kanya para i-greet siya ng good morning, pinagalitan pa nga ako at gumayak na daw ako, wow minsan lang siya mauna magising sa akin eh parang ako ang laging late, kaya ayun nga sandali lang kami nag-usap at ibinaba ko na ang tawag inilagay sa ilalim ng unan ang cellphone ko.

        Palabas na ako ng room ko noon ng biglang tumunog ang message tone ng cellphone agad ko itong kinuha sa ilalim ng unan, excited akong tignan dahil siguro yung duwende ang nagtext, pero ng tignan ko ay galing sa isang unregistered number yung text at agad ko itong binasa:

        ‘Good morning Mr. Knight in Shining Armor ko, kitakits mamaya.” ang sabi ng text noong una ay inisip ko na si Drip ito pero imposible namang magpalit kasi o gumamit ng ibang number iyon ng hindi nagpapakilala kaya inisip ko na lamang na maaaring prank text or wrong send lamang ito kaya hindi ko na pinansin, pero para makasigurado ay hindi ko ito dinelete para matanong ko na din yung duwende mamaya.

        Pagdating sa university ay nakasalubong namin ang asungot na si Nicco pero iniwasan ko na kumunot ang noo ko at naalala ko na mag-a-apologize nga pala ako kaya bago pa ako mapangunahan ng pagkulo ng dugo sa lalaking to ay nag-apologize na ako dito na malugod naman na tinanggap, pagkatpos noon ay nagpatiuna na kami ni Drip well actually hinila ko si Drip para mauna na kami baka sumabay pa ang mokong.

        Breaktime naming parehas noon ni Drip at nagdecide kami na di na muna sumama sa grupo na kumain kasi bihira na lang kami makakain ng kami lang so date date din pag may time, pinakiusapan na lang ni Drip si Nicco na pansamantala ay sila Kris muna ang bahala na sumama sa kanya sa mga oras na iyon at hindi naman siya tumanggi. Parehas naming ayaw mag-rice noon kaya naisipan namin na bumili na lang siomai, footlong, at burger at tig-isang bote ng C2, at kumain kami sa field ng university sa ilalim ng isang puno.

        “Thank you Drop.” ang sabi sa akin ni Luke.

        “Huh? Thank you saan?” sa pagtupad mo sa sinabi mo na mag-a-apologize ka kay Nicco.

        “Ah yun ba, wala yun di ba nga sabi ko na gagawin ko yun para sayo, kasi mahal kita.” ang sabi ko naman sa kanya.

        “Ayieh! Mahal din kita Drop.” ang sabi nito sa akin.

        “Siya nga pala Drip, ikaw ba to o di kaya kilala mo itong nagtext na to sa akin.” ang sabi ko nang maalala ko yung weird na text kaninang umaga sa akin sabay pakita sa message. Nakita ko na medyo napakunot noo si Drip ng mabasa niya iyon.

        “Kilala mo Drip?” ang tanong ko.

        “Hindi eh, pero sino man yang impaktang yan wag na wag ka niyang maitext text pa ulit at ha-huntingin ko siya at babalatan gamit ang tweezers.” ang sabi nito nagpangiti sa akin, angcute kasi nitong duwendeng to kapag nagseselos akala mo kay laking tao kung makapagbanta wagas tapos halata mo sa kanya at nagpapout kasi siya.

        “Oh bakit ka nangingiti diyan?” ang tanong nito ng makitang nakangiti ako sa kanya.

        “Ha-ha wala natutuwa lang ako sa asawa ko kasi ramdam ko na nagseselos ka meaning love na love na love mo ko.” ang sabi ko sabay akbay sa kanya para magkadikit kami.

        “Che, tusukin kita diyan ng stick.” ang sabi nito sa akin, ang lambing talaga sa akin ‘no medyo brutal lang talaga ha-ha.

        Nagpatuloy kami sa kulitan namin habang inuubos ang binili naming pagkain ng marinig ko na may tumatawag sa akin mula sa malayo na papalapit sa amin, si Vincent, tumatakbo na palapit sa amin.

        “Oh Vincent, ikaw pala bakit?” ang tanong ko agad sa kanya.

        “Ah sumama ka muna sa akin sandali Arwin may ipapasuyo lang ako.” ang sabi ni Vincent at di pa ako nakakahindi ay bigla akong hinila nito na kulang na lang ay kaladkadin ako.

        “Teka... Vincent teka...” ang tangi ko na lang nasabi at napatingin ako sa direksyon ni Drip at nakita ko itong tumayo at lumakad sa ibang direksiyon, patay nagtampo na ang duwende, bakit naman ba kasi ako hinila bigla nitong si Vincent, nakakainis naman oh, yari na naman ako sa duwende na yon.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now