Rain.Boys II DripDrop: 2.2

3.7K 145 5
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        Bakas sa mukha ng duwende ang saya at ligaya dahil sa mga kaganapan, we all know how Luke live in the past all by himself and now he's with so many special people all of a sudden at masaya ako na isa ako doon sa mga taong yon.

        "Drip?" ang bulong ko sa kanya.

        "Oh bakit Drop?" ang tanong niya habang kumakain ng barbeque.

        "I love you!" ang sabi ko sa isang malumanay na tono.

        "Ikaw talaga Drop, I love you too!" ang sabi naman ni Luke at muling ibinaling ang atensiyon niya sa pakikisaya sa lahat. Nakakatuwang pagmasdan si Luke na tumatawa, he was a cute little angel from above, kaya nga paborito ko siyang asarin hindi dahil para sirain ang araw niya kundi to make his day always better especially pagnanararamdaman ko na nalulungkot siya, I always want to make him happy, I always want to make Luke feel that he is not alone, that I am here, that I am always here for him.

        "Oy." ang sabi ni Luke sa akin sabay tusok ng stick sa braso ko.

        "Aray ko ah." ang sabi ko habang hinihilot yung tinusok ko na brsao., "oh bakit?" ang tanong ko.

        "Bakit mo ako tinititigan ha? May balak kang masama no? Oh no pinagnanasahan mo ko?" ang sabi ni Luke.

        "Hala ambisyoso ka masiyado ah, napasukan na ata ng lamig yang utak mo gusto mo ng bonet?" ang pabiro kong sabi.

        "Palusot, eh bakit mo ko tinititigan aber, aber?" ang sabi niya.

        "Bakit masama ka bang titigan? Natutuwa lang akong makita kang masaya." ang sagot ko pero nakapoker face siyang nakatingin sa akin.

        "Oh bakit na naman?" ang sabi ko, "alam mo nagiging weird ka nang duwende ka." sabi ko sa kanya at bigla siyang ngumiti, grabe parang nakakatol ang bubwit, oops wag nyo sabihin na sinabi ko yon.

        "Excuse lang po mag-CR lang ako sandali." ang biglang sabi ni Luke at tumayo siya agad at umalis, habang nagkakasiyahan ang lahat.

        "Uy Arwin mabuti pa sundan mo si Luke, pakiramdam ko hindi maganda ang pakiramdam niya." ang mahinang sabi ni Sarah.

        "Huh? Pero mukang okay naman siya ah, pero sige susundan ko na siya kasi parang ang weird nga niya eh." ang sabi ko, nagpaalam ako sa mga nandoon at sinundan ko sa loob ng cabin house si Luke.

        Pagpasok ko pa lang sa cabin house ay tinatawag ko na agad si Luke sa tawagan namin pero ang duwende hindi man lang sumasagot, kaya pumunta ako sa CR ng cabin house, nang tignan ko ay wala naman ang duwende doon kaya naman nagbakasakali ako sa kwarto namin.

        Nang makarating ay dahan dahan ko pang binuksan ang pinto, madilim ang kwarto kaya naman kinapa ko ang switch ng ilaw sa tabi ng pinto at nang makapa ko na ay agad ko binuksan ang ilaw.

        "Drip!" ang sigaw at patakbo aong lumapit kay Luke na nakadapa sa sahig noong mga oras na yon, "Drip, gising anong nangyari sayo?" ang tanong ko na puno ng pag-aalala.

        "Drop... Drop..." ang mahinang sabi ni Luke, naramdaman ko ang mainit na hininga niya na tila may sakit nga, hinawakan ko ang noo't leeg.

        "Drip, inaapoy ka ng lagnat ah." ang sabi ko ng maramdaman ang sobrang init noong sinalat ko ang noo at leeg niya.

        Binuhat ko si Luke at agad kong inihiga ng mabuti sa kama, "sandali lang Drip ah, diyan ka lang tatawagin ko lang si Mama at Papa." ang sabi ko at patakbo akong lumabas ng kwarto.

Rain.Boys IIOnde histórias criam vida. Descubra agora