Rain.Boys II DripDrop: 5.1

3.2K 129 4
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Maaga akong nagising noong kinabukasa, I was like huh? Nasaan ako? Ganon ang drama ko noong magising ako noong umaga na yon dahil tanda ko we were riding in a van pauwi ng cabin tapos masayang masaya ako noon dahil ang dami kong strawberries na nakuha, at nang maalala ko na yung strawberry mas nagising ang diwa ko at agad akong bumangon, at pinagmasdan ko ang buong kwarto, teka nasaan si Drop? Nasaan yung Kapre? at biglang pumasok sa isip ko na baka nilalantakan na nila yung strawberries ko sa labas, oh hindi, this can't be happening, makakatikim talaga sa akin ang babawas sa strawberries ko, kaya mabilis akong bumaba ng kama at takbo agad palabas ng kwarto.

        Nakarating ako sa living room ng cabin namin pero walang tao, sinilip ko yung labas pero wala din sila, hindi ito maaari nasaan sila? Pero hindi mahalaga ang strawberries ko, kaya pumunta ako sa kusina agad binuksan ko yung refrigerator at nagliwanag ang mata ko nang makita ko na naroon ang mga strawberries ko.

        "Buti naman at nandito lang kayo mga babies ko." ang sabi ko hanggang sa may mapansin ako, "isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito... Teka kulang yung mga nandito... saan na napunta yon?" ang sabi ko nang mapansin ko na wala doon ang tatlong basket ng mga strawberries, yup bilang ko yung na-harvest namin lalo na ang lalagyan ng bawat strawberries at ang nawawala ay yung basket ni Mama, basket ni Mommy Lucy, at yung basket ni Sarah, hindi pwede to nasaan na yon, kaya naman kumuha ako ng limang strawberries muna sabaya sara sa refrigerator at takbo sa labas at pumunta ako sa cabin nila Mama.

        "Mama!" ang sigaw ko habang kumakatok at kumakain ng strawberry pero walang sumasagot.

        "Mama!" ang tawag ko ulit sabay kain ulit ng strawberry pero wala pa din talagang nagbubukas ng pinto kaya naman pinihit ko yung doorknob to check kung bukas, aba bukas siya, kaya dahan dahan ko pang binuksan ito na parang papasok lang ako sa isang abandonadong bahay.

        "Hello anybody here?" ang sabi ko na pa-Nora Aunor pa ang tono sabay sumpak sa tatlong strawberries pampatanggal tense lang.

        Bakit ba ang dilim dito, umagang umaga na ah, yes super dilim ng buong living room sa cabin nila Mama, oh no hindi kaya may gumagalang serial killer at napahamak na silang lahat at sa sobrang tulog mantika ko ako na lang ang natirang buhay? Oh my ayoko ng ganitong idea tinatakot ko lang ang sarili ko.

        "Anak ng kabayong sirenang nasa bundok ng tralala." ang nasabi ko ng may madinig akong tunog mula sa kusina, dahan dahan kong tinungo ang kusina, madali lang alamin kung saan dahil magkamukha lang ng yari at istilo ang cabin namin at cabin nila Mama at ng makarating na malapit sa kusina ay dahan dahan ko itong sinilip.

        "Anong ginagawa mo diyan?" ang sabi ng pamilyar na boses ng lalaki sabay hawak sa baywang ko kaya hindi ko naiwasan na hindi magulat, nang tignan ko ay ang adik na si Arwin pala kaya hinampas ko nga ang sira ulo.

        "Loko ka talaga bakit ka nanggugulat ng ganon." ang sabi ko sa kanya.

        "He-he eh kasi naman kung makasilip ka diyan para kang ewan, bakit di ka kay pumasok at tumulong." ang sabi ni Arwin.

        "Tumulong bakit ano ba kasing ginagawa niyo?" ang tanong ko.

        "Gising ka na pala Luke." ang sabi ni Mommy Lucy na lumabas mula sa kusina na may hawak hawak na bagong bake at gawa na cake at isang bagay ang umagaw sa aking pansin, ang amoy at ang toppings sa cake, oh my hindi ko maiwasang hindi matakam dahil isa tong strawberry cake.

        "Mommy Lucy, yan pong hawak niyo? Pwede po matikman?" ang sabi ko na nagpapaawa look pa.

        "Oo naman ginawa talaga namin to para sayo, pasensiya ka na at kinuha namin yung mga strawberries mo dito." ang sabi ni Mommy Lucy habang tinitikman ko na yung cake.

        "Naku wala po yun Mommy Lucy, kung sa ganito naman po nagamit eh okay na okay po sa akin." ang sabi ko habang kinakain yung sweetened strawberry topping.

        "Kitams Mommy sabi ko sa inyo sa katakawan nitong si Drip hindi siya aangal sa ganitong idea natin." ang sabi ni Arwin pero di ko siya pinansin dahil nag-e-enjoy ako sa pagtikim ng cake.

        "Eh Mommy Lucy bakit po ang dilim dilim dito? Akala ko tuloy nasa horror movie na ako." ang tanong ko dahil hindi din ako maka-move on sa dilim.

        "Ah dapat isusurpresa ka talaga namin eh pero dahil napaaga ka ng punta dito eh mabuti pa tumulong ka na lang sa amin." ang sabi ni Mommy Lucy at sinilip ko ang lahat sa kusina na abala gumawa ng iba't ibang pagkain na gawa sa strawberry, oh my hindi pa pala tapos ang strawberry dream ko.

        "Naku Mommy wag na, mabuti pa aalisin na lang namin yung mga tabing sa bintana na nilagay natin, kasi baka sa halip na makatulong tong si Drip ay hindi pa man din kayo nakakatapos ay ubos na yung ihahain dahil pinapak na niya." ang sabi ni Arwin at pasimple ko siyang tinapakan sa paa.

        "Aray ko naman paa ko yun ha." ang sabi ni Arwin.

        "Ay sorry, hindi ko sadya." ang sabi ko pero sinasadya ko talaga, "Uhm sige po tulungan ko na lang tong kapreng hilaw na to sa living room, may point din naman siya baka hindi po talaga ako makapagpigil, pero pwede mag-request Mommy Lucy?" ang dagdag kong sabi.

        "Sure, sige ano ba yung request mo?" ang tanong ni Mommy Lucy at nangiti ako.

        "Pwede bang akin na lang po yang cake at dadalhin ko na sa living room para may kinakain ako este kami ni Drop habang inaayos yung living room?" ang sabi ko.

        "Ha-ha sabi na yon ang hihilingin mo eh." ang sabi ni Arwin.

        "Ha-ha ikaw talaga Luke, sige dalhin mo na to, kahit wag mo ng bigyan si Win." ang sabi ni Mommy Lucy at mabilis kong kinuha yung cake with ngiting tagumpay.

        "Oy nadinig mo yung sabi ni Mommy Lucy ah wag na daw kitang bigyan." ang pabiro kong sabi sa kanya.

        "Ha-ha oh sige na babalik na ko sa loob at tutulungan ko si balae sa pagbe-bake pa." ang sabi ni Mommy Lucy at tumango kaming dalawa ni Arwin, at pumunta na rin kami sa living room dala ang masarap na strawberry cake ko.

        Habang nag-aalis ng mga itinabing nila sa bintana ay walang pagod kaming nag-asaran ni Arwin, nasa huling tabing na kami noon ng bigla akong halikan ni Arwin.

        "I'm happy to see such magnificent creature as this darkness in this room fades away, together with the light you came like an angel in my life." ang sabi niya bigla na parang sinaniban ng isang makata at wala ako nasabi kundi ang tanging nagawa ko lang ay ang ngumit sa kanya, minsan talaga babanatan ka na lang ng mokong na to bigla bigla hindi tuloy ako nakapaghanda.

        "Sige na bibigyan na kita sa cake." ang sabi ko dahil ala talaga akong maisip na sabihin sa kanya noong mga oras na yon.

        Nang matapos kami magtanggal ng mga tabing ay magkatabi kaming naupo sa sofa at pinapak namin yung cake, nagsusubuan din kami ako sinusubuan ako ni Arwin ng strawberry siya sinusubuan ko ng icing, ha-ha joke pinatikim ko din naman siya ng strawberry mga kalahati nung isa, dahil na din sa pagkainip sa paghihintay sa iba ay nagharutan kaming dalawa ni Arwin, pahidan ng icing at dahil doon ay naghabulan kami ako nga napatakbo pa sa labas bakit kamo? Eh ako daliri lang pampahid ko eh si Arwin kamay imagine malalagay ko sa kanya kapiraso sa akin buong muka sakop kaya talagang tumakbo ako sa labas.

        After ng matagal na habulan ay nahinto kami dahil tinawag na kami nila Mama, at ayon sabay sabay kami ng Strawberry breakfast siyempre ako ang pinakamaraming nakain, mapa pie, shake o smoothies, cake, bread na palaman ay strawberry, at cupcake ay ako lang talaga ang nakarami ng nakain, we spend that morning happily at ang ending breakfast ceremony pahidan ng icing ha-ha pinatulungan namin si Arwin kaya ang mukha niya pwede na lagyan ng toppings, I so love this guy talaga he's the only who can make me feel this happiness I am feeling now.

        

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now