Rain.Boys II DripDrop: 6.1

3.1K 125 3
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        It was still dark ng magising ako, I checked the clock it was 4:00AM pa lang, and then mamaya bigla akong napa-isip teka bakit nandito na ako sa kwarto ko, hala anong nangyari kahapon? Hindi ko namalayang nakauwi na kami, pero may biglang sumagi sa isip ko na nagpalungkot sa akin, kung nakauwi na kami it means today I'll be living this house again alone, sila Mama at Papa, aalis na today pabalik ng Canada, bumangon ako at dumiretso sa banyo para mag-toothbrush at maghilamos, pagkatapos ay lumabas ako at bumaba sa salas, ganito na naman katahimik ang bahay pag umalis na sila Mama at Papa dapat sanayin ko na ulit ang sarili ko ang sabi ko sa sarili ko, pero ilang sandali ay may narinig ako na ingay mula sa kusina, kaya naman dahan dahan ako lumapit tulad nang ginawa ko na paglapit sa kusina noon sa cabin nila Mama sa Baguio, then may narinig ako na dalawang boses na nag-uusap, sila Mama at Papa, si Mama parang medyo garalgal ang boses parang galing siya sa pag-iyak, kaya pasimple akong naking sa usapan nila.

        "Wag ka na malungkot, magkikita pa naman kayo ng anak mo, kahit ako naman nalulungkot din pero we need to leave him again for awhile, at alam ko nauunawaan tayo ni Luke, he's already a man, napahanga na nga niya ako noong nagawa niya na ako kalabanin, besides nandiyan sila Arwin at Lucy para bantayan siya, at may mga kaibigan siyang handa siya tulungan at protektahan." ang sabi ni Papa, hindi ko maiwasang hindi pumatak ang luha ko noong mga oras na yon.

        "Pero ma-miss ko talaga siya, ang tagal ko siyang hindi nakasama, halos wala tayo sa tabi niya noong lumaki siya, gusto kong bumawi sa kanya." ang sabi ni Mama at tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang paghikbi ko, si Mama talaga ang drama ayan naiiyak ako dito, mami-miss ko din po kayo ulit, yung mga kiss nyo sa noo ko.

        "Ano ka ba, wag ka na umiyak, gust mo ba na malungkot si Luke? Pagnakita kang ganyan nung batang yon iiyak tiyak yon alam mo namang iyakin yon, tsaka magkakasama sama din tayo ulit Honey, once na maayos natin ang dapat ayusin sa Canada including our business pwede na tayo bumalik dito para makasama ang anak natin." ang sabi ni Papa, at tila nagng maligaya ang puso ko noong nadinig ko na tinawag na Honey ni Papa si Mama, at yung salitang magkakasama kami, kaya di ko na napigilan lumabas sa pinagtataguan ko at nagulat sila Mama at Papa noong makita nila ako.

        "Luke, anak?" ang tanging nasabi ni Papa.

        "Luke, kanina ka pa ba diyan?" ang tanong naman ni Mama, tumango ako at tumakbo ako para yakapin si Mama, para akong batang sabik yakapin ang mama niya, hindi ko napigilan maluha kaya si Mama naluha na din.

        "Mami-miss ko po kayo Ma, Pa." ang sabi ko habang nakayakap pa din ako kay Mama.

        "Mami-miss ka din namin anak, tahan na, ikaw talagang bata ka tignan mo naiyak na tuloy si Mama." ang sabi ni Mama na parang paslit lang ang kausap.

        "Pa, totoo ba ang nadinig ko na tinawag mo si Mama na Honey?" ang tanong ko nang makabitaw na ako sa yakap ko kay Mama at tumingin ako kay Papa, at ngumiti siya sa akin.

        "Oo anak tama ang nadinig mo." ang sabi ni Papa at napangiti talaga ako sa nadinig ko at nayakap ko si Papa.

        "Pero bakit? I mean ano po ba nangyari mukhang di niyo nasabi sa akin yan." ang sabi ko nang bumitaw din ako sa yakap ko kay Papa.

        "Me and your Papa kasi anak, na-realize namin na mahal pa talaga namin ang isa't isa, kaya naman we decided na magbalikan, years na din since magkabalikan kami hindi namin sinasabi sayo kasi inaayos pa namin lahat ng papers ang balak sana namin ay sabihin sayo pag okay na ang lahat." ang sabi ni Mama.

        "Pero paano po yung family niyo po doon?" ang tanong ko at ngumiti sa akin parehas sila Mama at Papa.

        "Anak hindi naman namin tunay na anak yung naroon, remember may anak na ang pinkasalan ko at ganon din ang pinakasaln ng Mama mo, kaya wala kaming pananagutan, at nakausap naman at napaliwanagan na namin sila at naunawaan naman nila." ang sagot ni Papa.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now