Rain.Boys II DripDrop: 10.1

2.4K 117 1
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Epal na classmate ni Drop na yon, bigla bigla na lang manghihila, take note di man lang nagpaalam, nakakasira ng mood ang impaktito sara tusukin ng toothpick na gawa sa bakal na ibinabad sa baga, grrrrr, heto namang isa hindi man lang pumalag, di man lang sumigaw ng TAYMPERS!!!! TEKA MUNA!!!! Nakakainis, sino ba yung Vincent na yun sa akala niya para bigla bigla na lang siya umeksena sa amin hay ewan, dahil sa inis ko ay di ko na naubos yung kinakain namin, kaya naglakadlakad ako mag-isa sa university at sakto naman nakita ko sila Von at ang iba pa.

        “Oh nasaan si Arwin? Bakit di mo kasama di ba dapat magkasama kayo kumakain ngayon.” ang tanong agad sa akin ni Von nang mapansin niya na hindi ko kasama si Arwin.

        “Oo kanina kasama ko pero, biglang hinila ng kaklase niyong si Vincent ng walang pasabi, hindi ko alam kung saan pupunta yung dalawa, teka close na ba yung dalawang yun?” ang sabi ko naman na halatang irita pa din sa nangyari.

        “Huh? Hindi ah, kung close na sila nun eh di dapat ka-close na din namin, bago lang kasi yun eh si Arwin lang ang katabi niya madalas, but ang weird naman at bigla na lang siyang manghihila ng ganun.” ang sabi naman ni Von.

        “Ay girl alam mo I smell something fishy diyan sa Vincent na yan eh, amoy, amoy, amoy bagoong na alamang, feeling ko Vincent siya sa umaga at Vicencia siya sa gabi, ay hindi feeling, sure ako.” ang sabad ni Kris.

        “Ay naku girl ano, upakan na ba naming ma diyosa yang Vincent na yan?” ang sabi ni Francis sabay pose ang KFC Sisters ng ala Charlie’s Angel pose, na dahilan para mabawasan ang inis ko.

        “Uy kakainin mo pa ba yan Luke, if hindi na akin na lang.” ang sabay singit ni Chini na tila di pa nabusog sa pagkain nila kanina.

        “Hoy Chini, kung kami kabogera ikaw naman chibogera, alam na imbyerna si girl kay Papa Arwin chibog ka pa din dyan, pero hati tayo sa footlong ha.” ang sabi ni Kris na nagpatawa sa lahat kasama na si Nicco na pinagtaka ko.

        “Uhmm Nicco, can you understand what are we saying?” ang sabi ko at bigla siyang napatigil.

        “Uhmm medyow, konti lang, I guess it is funny cause of the gestures that’s why I laugh with you guys.” ang sabi nito at nakumbinse naman niya ako sa sinabi niyang iyon, marahil nga ay nakakainitindi na siya ng ilang salita kahit paano at para sa akin masmaganda yun para naman di ko na din siya kailanganin pa na bantayan pa dito sa university.

        “Ano pupuntahan na ba natin sila Arwin?” ang tanong ni Von sa akin.

        “Wag na siguro, pabayaan na lang muna natin sila, mabuti pa tumambay na lang tayo.” ang sabi ko na may kaunting inis pa at pumayag naman sila na tumambay na lamang.

        Bumalik kami sa pwesto namin ni Arwin kanina bago siya hilahin nung impaktong si Vincent na sabi ni Kris ay may lansang itinatago, at dahil doon ay hindi ko maiwasan na isipin na maaaring may gusto ang impaktong kay Drop. Subukan lang niya pumagitna sa amin ni Drop, magpapakape siya ng di oras.

        “Hoy girl imik-imik din pag may time. Iniisip mo si Papa Arwin tama?” ang sabi sa akin ni Kris at tumango lang ako sa kanya bilang pagtugon ko.

        “Bakit ganoon Kris, hindi man lang tumanggi si Drop nung bigla siya hilahin ni Vincent?” ang tanong ko sa kanya, kasalukuyang busy sa kwentuhan ang iba naming barkada at si Chini ay busy sa pagkain ng natira naming pagkain na hiningi niya. Mahina lang din ang usapan namin ni Kris, para kaming dalawang tsismosang ipis.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now