Rain.Boys II DripDrop: 2.3

3.5K 133 9
                                    

RUSSEL'S POINT OF VIEW:

        Dahil nga sa biglaang pagkakasakit ni Luke ay napagdesisyunan na naming magkakabarkad na huwag na munang ituloy ang pinaplanong bonding namin ngayong gabi naisip kasi naming hindi masaya pag kulang tsaka siguradong magtatampo si Luke pag tinuloy namin ng hindi siya kasali.

        Tahimik kaming nakaupo sa living room ng cabin house namin habang hinihintay namin na lumabas mula sa kwarto nila Luke ang doktor na pinatawag at ang Mama ni Luke. Ilang sandali pa ay lumabas na mula sa kwarto nila Luke ang Mama ni Luke at ang doktor.

        "Margarette, ano ang lagay ni Luke, how's my son?" ang tanong agad ng Papa ni Luke ng makalapit sa pwesto namin ang Mama ni Luke at ang doktor, at nakatingin kaming lahat sa kanila at naghihintay ng sagot.

        "Wala ka ng dapat ipag alala Alfonso, okay si Luke, tama si Sarah, nabigla lang talaga sa pagbabago ng klima ang katawan niya, nagpapahinga na siya ngayon at binabantayang mabuti ni Arwin." ang sabi ni Tita Margarette.

        "Hay mabuti naman at okay na lang siya." ang sabi kong pabulong. Bakas sa mukha ng lahat ang pagkawala ng pag-aalala kay Luke, nakahinga kami ng maluwag dahil sa narinig namin.

        Hindi na rin nagtagal ang doktor noong mga oras na iyon nagpaalam na itong umalis, kasama na din ng doktor sila Tito Alfonso, Tita Margarette, Tita Lucy, at ang Daddy ni Chini na si Tito Henry.

        "Mabuti naman at okay lang si girl, jusme hilig talaga tayo pakabahin ng lukang yon." ang sabi ni Francis nang makalabas na sila Tito at Tita.

        "Mahina talaga ang katawan ni Luke sa pag-adapt agad, hindi kasi siya sporty na tao, kahit naman din noong una ko pa siyang nakilala may pagkalampa na siya, kaya nga since then sinabi ko sa sarili ko na iingatan ko siya." ang sabi ni Von.

        Hindi ko maiwasang isipin at mainggit bigla kila Arwin at Von, silang dalawa halos kilang kilala na nila si Luke, plus the fact na si Arwin mahal na mahal pa ni Luke, bigla ko tuloy naisip kung tama ba talaga ang pagpaparaya na ginawa ko, kung tama ba na palampasin ko ang isang pagkakataon na alam kong hindi na darating kailan man.

        "Uy Russel bakit natahimik ka na diyan?" ang tanong ni Clarence.

        "Ah wala naman medyo nakaramdam lang ako ng antok." ang sabi ko at nagpekepkean ako ng paghikab.

        "Sa bagay kung ako din medyo inaantok na, siguro dahil sa dami ng nakain natin." ang sabi naman ni Kris.

        "Eh bakit ako ang dami ko din namang nakain hindi pa ko inaantok?" ang sabat ni Chini.

        "Jusmio girl wag ka na magtaka dahil immune ka na sa ganyang epekto ng pagkabusog." ang sabing pabiro ni Francis.

        "Ha-ha kayo talaga lagi niyo na lang kinakawawa si Chini." ang sabi ko.

        "Hala muka pa bang kawawa si Chini ng lagay na yan eh kung baga sa bearbrand eh busog lusog siya." ang singit ni Kris at nagtawanan kaming lahat, hindi na bago sa amin ang ganoong asaran, good thing about our friendship is hindi kami pikon sa mga ganoong asaran, at tanggap namin ang mga differences namin.

        "Uhmm guys mukang dapat na tayo matulog si Sarah tulog na eh." ang sabi ni Eunice at napatingin kami kay Sarah na nakapikit na nga noong mga oras na yon.

        "Mabuti pa nga matulog na tayo at nang makapahinga na tayo baka tayo pa sumunod na magkasakit bigla." ang sabi ni Von sabay tayo sa pagkakaupo nito.

        Ginising namin si Sarah at mabuti na lang ay hindi pa siya gaanong mahimbing sa tulog kaya hindi na kami nahirapan pa na gisingin siya. pagdating sa hall ng mga kwarto ay tahimik na kami, ayaw din namin maistorbo kasi si Luke sa pagpapahinga nito.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now