Rain.Boys II DripDrop: 19.2

1.9K 103 0
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        December 20, 2013, tatlong araw mula ngayon ay aalis na si Drip, simula noong araw na nalaman ko ang pag-alis niya ay hindi na ako nagparamdam sa kanya. May mga araw na pumupunta siya sa bahay upang subukan na kausapin ako pero kahit gusto ko ay pinipilit ko ang sarili ko na huwag siyang harapin dahil nasasaktan ako lalo pag iniisip ko na matagal siyang mawawala kaya naman sinasanay ko na ang sarili ko. Pero may mga panahon na pasimple ko siyang dinaraanan sa kanila katulad na lamang noong isang Lunes na di ako pumasok na muntikan na niya akong makita sa gate nila dahil bigla siyang lumabas mabuti na lang ay mabilis akong nakapagtago.

        Madalas pa din siyang magtext sa akin, halos araw-araw pero hindi ko din siya nirereplyan. Gustong gusto ko pero kailangan na masanay ako na hindi ko siya makita na hindi ko siya kasama.

        Nasa kwarto lang ako, bakasyon na rin kaya wala ng pasok, nakahiga lang ako sa kama ko noon hanggang sa bigla na lang pumasok sa isip ko ang mga alaala namin ni Drip, hindi ko naiwasang hindi maiyak. Kinuha ko ang laptop ko at nagsimula na gumawa ng isang espesyal na bagay para kay Drip, espesyal na bagay na papabaon ko sa pag-alis niya. Pero ipapabigay ko na lang kay Mommy dahil tulad ng sabi ko hindi ko kaya na makita siya, maarte na kung maarte pero ang hirap talaga para sa akin na tanggapin.

        Inabot ako ng magdamag sa paggawa na halos sa kwarto ko na ako kumain. Bago ako matulog noong gabing yon ay chineck ko pa muli ang ginawa ko para masigurado ko na walang mali sa ginawa ko. Bago ako makatulog ng tuluyan ay nakareceive pa ako ng good night message mula kay Drip na nagpangiti sa akin.

        December 23, 2013, heto na ang ara ng pag-alis ni Drip ang araw kung saan matagal ko siyang hindi makakasama o baka hindi na. Malungkot ang umaga ko sa araw na ito basta ang alam ko kulang na ang buhay ko simula sa araw na ito. Nakahiga lang ako sa kama ko at tila ayaw ng katawan ko na bumangon mula sa pagkakahiga, tila gusto ko na lamang matulog at managinip na lang hanggang sa bumalik si Drip. Nakapikit ako noon hanggang sa madinig ko na tumunog ang call tone ng cellphone ko, malamang ay si Drip, malamang ay tumatawag siya para magpaalam kaya agad ko itong kinuha ngunit hindi ito galing kay Drip, unregistered number na naman, nagdalawang isip pa ko sagutin pero sinagot ko na din.

        “He-hello?” ang bungad kong sabi na medyo halata pa na bagong gising lamang ako.

        “Uhm hello? Is this Arwin?” ang tanong ng lalaking nasa kabilang linya.

        “Yes ako nga po sino po sila?” ang tanong ko.

        “Ahh, pasensiya na kung naistorbo kita ijo sa pagtulog mo pero importante lang kasi, si Sir Leo ito, yung prof ni Luke.” ang sabi ng nasa kabilang linya na si Sir Leo pala.

        “Ah Sir kayo po pala, magandang umaga po, wag po kayo mag-alala hindi po kayo nakakaistorbo, ano po bang importanteng bagay po ang sasabihin niyo at napatawag kayo Sir?” ang tugon ko sa kanya na medyo curious.

        “Binigay kasi sa akin ni Luke itong numero mo at nakiusap sa akin bago siya umalis na may ibigay ako sayo, kung maaari ay sadyain mo sana ako sa university mamaya nandoon lang naman ako sa room ko kung saan ako madalas maglagi. Maari ba Arwin? Kasi importante talaga na maibigay ko sayo ito.” ang sabi ni Sir Leo.

        “Ah sige po Sir pupunta po ako diyan, gagayak lang po ako.” ang sagot ko naman habang iniisip kung ano naman kaya ang ibibigay sa akin ni Sir Leo na pinapabigay ni Drip.

        “Maraming salamat ijo, oh paano ibaba ko na ito at may mga aayusin pa ko sa records ko.” ang sabi naman ni Sir at nagpaalaman na kami at ibinaba na niya ang tawag.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now