Rain.Boys II DripDrop: 7.1

2.9K 145 6
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Mabilis na lumipas ang mga nalabing araw ng semestral break namin at isang umaatikabo, makpigil hininga, at isang maaksyong umaga na naman ang naganap para sa unang araw ng ikalawang semester namin ni Arwin bilang mga college students, bakit? Eh late na naman kami pero bago niyo pa mahusgahan hindi ako ang dahilan kung bakit kami nahuli ngayo, tama, tama ang kapreng hilaw ang may kasalanan kung bakit kami nahuli ngayon, hindi kasi ako ginising ng maaga eh kaya siya talaga ang may kasalanan ha-ha. BINTANGERO MODE ON!

        "Ikaw kasi eh." ang sabi ko habang nagmamadali kaming maglakad patungo sa terminal ng jeep.

        "Hala ako talaga ang sinisi eh ikaw tong late gumising." ang sabi ni Arwin bilang depensa.

        "Eh bakit hindi mo kasi ako ginising? Sabi mo kaya gigisingin mo ko." ang sabi ko bilang pagliligtas sa sarili ko sa paninisi niya, inuunahan ko lang siya kasi ayoko maulit yung unang eksena namin noon sa terminal ng jeep na hindi niya ako pinapansin kayaheto turuan portion kami.

        "Oy tinawagan kita pero masiyado ka lang talagang tulog mantika kaya hindi ka magising gising." ang sabi niya, which is totoo naman pero no hindi ako dapat ang masisi this time, I must prove my innocence ha-ha.

        "Teka teka kasalanan ko ba yon kung bakit napasarap ako ng tulog eh pinuyat mo kaya ako kagabi? Nagpapaalam na ko sayo na matutulog na ako, sabi mo mamaya na mami-miss mo na ko oh kaya naman ako pumayag, tapos ako sisihin mo hmp." ang sabi ko sa kanya na may pagsusungit, pero acting lang yon para hindi na niya ako sisihin pa.

        "Hala nagtampo na siya oh." ang sabi niya sa akin pero nagtamputampuhan ako para mas kapanipaniwala ay sumakay ako agad ng jeep.

        "Good morning." ang bati ni manong driver na suki na kami.

        "Good morning din po." ang sabi ko naman.

        "Oh mukang may LQ na naman kayo ha." ang sabi ni manong, hala manong wag ka makisali acting lang po ito.

        "Opo manong heto po kasing kapreng hilaw na to ako sinisisi kung bakit kami mahuhuli ngayon." ang sabi ko sabay turo kay Arwin na kakasakay pa lang.

        "Sorry na, sige na ako na ang may kasalanan." ang sabi ni Arwin na may paglalambing pero nagtamputampuhan pa din ako, wahaha effective.

        "Hmp, ewan ko sayo." ang sabi ko.

        "Drip naman eh sorry na sige na ako na nga may kasalanan oh." ang sabi ni Arwin at kinakalabit niya ako na parang batang namamalimos lang.

        "Wala akong pera wag mo ako kalabitin." ang sabi ko na pasungit pa rin ang tono.

        "Si Drip naman oh. Sorry na kasi." ang sabi ni Arwin haha pakiramdam ko kaunti na lang iiyak na to.

        "Naku ijo patawarin mo na ayna oh inaako na niya ang kasalanan, naku bihira sa tao yung ganyan." ang singit ni manong, at dahil don nakunsensiya naman ako na baka napasobra na ginagawa ko.

        "Oh tignan mo pati si manong gusto na patawadin mo na ako." ang dagdag ni Arwin.

        "Oh sige ganito na lang ijo, paandarin ko na tong jeep para makapasok na kayo basta patawarin mo na siya." ang sabi ni manong bigla at ako naman ay mas nakonsiya pa kasi mababawasan pa ang kita ni manong dahil sa kalokohan ko.

        "Naku hindi na manong, ayos lang po, pinapatawad ko na po itong kapreng to." ang sabi ko at nang marinig ng mokong ay natuwa sa galak ang sira at bigla ako niyakap, at ito namang si manong sineryoso talaga ang tampuhatampuhan ko talaga kaya ayon hindi nakakahiya man ay wala na kami nagawa, bumiyahe agad si manong kahit hindi pa puno yung jeep niya buti na lang madaming pumapara para sumakay sa kanya kaya kahit paano nabawasan ang guilt feeling ko na nararamdaman.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now