Rain.Boys II DripDrop: 14.2

2.5K 117 1
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        Sumapit ang araw ng Sabado ang araw na pinakihihintay ko, yup hinihintay ko talaga ang araw na ito dahil sa totoo lang naiplano ko na yayain ang buong barkada na gumala sa SM North at Trinoma na din, gusto ko kasi na aliwin yung duwendeng stress na stress na sa mga nagyayari at ginagawa niya sa pag-aaral at maging sa mga nakikigulo sa aming relasyon tulad na lang ni John na nagbalik na nga. Speaking of John bakit kaya nagbalik yun? Pero ano nga bang pakialam ko basta ang alam ko sa oras na kantiin niya si Drip makakatikim siya ng sapak sa mukha.

        Maaga ako nagising noong araw na ‘yon kaya naman bago ako bumangon ay kinuha ko muna ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan.

        ‘Good morning duwende! Alam ko tulog ka pa, susunduin kita mamaya ah sabay na tayo sa pagpunta sa terminal. ILOVEYOU!’ ang sabi ko sa text ko sa kanya, yup tulog pa yung duwende na ‘yon dahil sa napuyat siya gawin ‘yong painting na ipapasa niya sa prof nila.

        Pagkatapos ko matadtad ng parehong text message ang duwende ay bumangn na ako sa aking higaan upang ayusin ang mga dadalhin kong gamit sa araw na yon. Kumuha ako ng isang bag na hindi kalakihan dahil di naman masiyadong madami ang dadalhin ko na gamit.

        “Digicam, check!” ang sabi ko na parang si Dora lang habang naglalagay ng mga dadalhing gamit sa bag. “Damit na pamalit, check! Panyo, check! Pabango, check! Salamin, check! Pera, check!” ang pagpapatuloy ko pa hanggang sa makumpleto ko na ang dadalhin ko maliban na lang sa pagkain na kakainin namin habang bumabiyahe, hindi naman matagal ang biyahe kaya naman papagawa na lang ako kay Mommy ng sandwich pagdating kasi sa sandwich gawa ni Mommy ang gusto nung duwende.

        Lumabas ako ng kwarto ko para maghilamos at magsipilyo nang matapos ay agad kong tinungo ang kwarto ni Mommy, kakatok pa lamang ako sa pinto ng kwarto niya ng sakto namang bumukas ito.

        “Oh ang aga mo naman yatang nagising Win.” ang bungad ni Mommy na napahikab pa ng kaunti marahil ay inaantok pa siya.

        “Ah Mommy di ba nga may lakad po kami ngayon ni Luke kasama yung mga kaibigan namin.” ang sagot ko.

        “Ah oo nga pala buti pinaalala mo sa akin, eh bakit mukang kakatok ka sa pinto ng kwarto ko may kailangan ka ba?” ang sabi ni Mommy.

        “Ah oo Mommy, pwede niyo po ba ako igawa ng babaunin naming sandwich? Mas gusto kasi ni Luke yung gawa niyo na sandwich mas nalalasahan daw niya kasi yung mga nilalagay niyo sa sandwich pag ako daw kung hindi puro dahon ang nalalasahan niya ay yung palaman o kaya yung tinapay lang mismo nalalasahan niya.” ang sabi ko naman at medyo natawa pa si Mommy sinabi ko. Ganon kasi yung duwendeng yun tanda ko pa one time todo puna siya sa sandwich na ginawa ko, siguro kung umiiyak lang yung ginawa ko naglupasay na yon sa hiya sa dami niyang puna.

        “Ha-ha kayo talagang dalawa sige sige igagawa ko kayo, dadamihan ko na lang ang gawa para pati mga kasama niyo ay makakain daw. Pasabi mamaya kay Luke na salamat at paborito niya pala ang gawa ko kesa sayo na asawa niya.” ang pabiro pang sabi ni Mommy. Di ba ang swerte ko sa Mommy ko mabait na, para ko pang kabarkada lang, at tiyaka suportado talaga ang tambalan namin he-he.

        “Salamat Mommy, makakaasa ka na makakarating yan sa kanya.” ang sabi ko.

        “Oh sige mag ayos ka na at mag aayos lang din ako,  samahan mo ako mamili ng gagamitin natin sa paggawa ng sandwich para maturuan na din kita sa paggawa para next time ay magustuhan na din ni Luke ang gawa mo.” ang sabi ni Mommy.

        “Ay sige Mommy, gagayak lang ako.” ang sabi ko at mabilis akong bumalik sa kwarto ko para magpagwapo ng kaunti he-he, kaunti lang naman mamaya pa ako magpapagwapo talaga pag susunduin ko na yung duwende.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now