Rain.Boys II DripDrop: 17.2

2.1K 109 4
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        Tapos na ang klase namin para sa araw na iyon kaya naman kasama si Von na umamin sa aking nanliligaw kay Chini ay nagtungo kami sa building nila Drip para sunduin siya. Dumating kami doon at saktong labasan na din nila, unang lumabas si Francis sa mga kaklase ni Drip.

        “Papable Arwin kayo pala. Teka nasan na si Luke?” ang bungad na sabi ni Francis.

         “Ay wit Papable Arwin, kasi kanina nagpaalam siya sa amin na isa-submit lang daw niya yung painting na ginawa niya kay Sir Leo pagkatapos nun ay di na siya bumalik kaya akala namin nag-date na naman kayo. Heto nga at naiwan pa yung gamit niya sa amin.” ang sabi ni Francis sa amin.

        “Pero imposibleng hindi magpaalam sa akin iyon na hindi siya papasok o kung may pupuntahan man siya sigurado ako na magpapaalam siya.” ang sabi ko at naumpisahan na ko kabahan.

        Sinubukan kong tawagan si Drip ngunit walang sumasagot, ilang beses ko inulit ang pagtawag sa kanya pero wala talagang sumasagot.

        “Uy ano nangyayari dito?” ang tanong naman ni Russel ng makalabas na sila.

        “Nawawala si Luke mga kapatid, di pala siya kasama ni Papable Arwin.” ang sabi ni Francis.

        “Teka panong nawawala? Eh kanina lang nakasalubong ko pa siya noong nagpasa ako ng painting ko kay Sir.” ang biglang sabad ni Nicco. Noong nadinig ko yun ay di ko napigilan na kuwelyuhan siya pero agad kaming inawat nila Von.

        “Teka lang Arwin huwag muna tayo magpadalos dalos.” ang sabi ni Von.

        “Anong bang problema mo? Oo nakasalubong ko siya pero iniwan ko din siya agad bumalik dito sa room kahit tanungin mo pa sila.” ang sabi ni Nicco na idinepensa na agad ang sarili.

        “Totoo yun Arwin pagkalis ni Luke ay siya namang dating ni Nicco kaya at buong araw na namin siya nakasama.” ang sabi ni Russel bilang pagpapatunay sa sinabi ni Nicco.

        “See! Bigla bigla ka kasi nagbibintang.” sabi ni Nicco.

        “Tama na nga yan mabuti pa magsamasama na lang tayo na pumunta kay Sir Leo para magtanong baka sakaling alam niya kung nasaan si Luke.” ang sabi naman ni Kris at sumang-ayon kami. Agad kaming nagtungo sa room ni Sir Leo para magtanong pero hindi din alam ni Sir Leo kung saan nagpunta si Drip dahil pagkapasa nito ay nag-usap lang daw sila sandali at umalis na.

        “Nasaan ka na Drip?” ang sabi ko, natataranta na ko noong mga oras na iyon. Naalala ko na naman yung oras na muntik na siyang mawala sa akin at hindi ko alam ang gagawin ko kung mangyari iyon ngayon.

        “Kalma lang Arwin.” ang sabi ni Russel at tinapik ako nito sa balikat.

        “Tang ina Russel hindi ko alam paano ako kakalma ngayon, natatakot ako.” ang sabi ko sa kanya.

        “Ano ka ba makikita din natin si Luke, matatag na tao si Luke, naniniwala ako na kung nasa alanganin siya ngayon na sitwasyon ay makakayanan ka niya.” ang sabi naman ni Von sabay tapik sa kabila kong balikat.

        “Huwag kang mag-alala tutulong din ako sa paghahanap sa kanya.” ang sabi ni Nicco.

        “Kami din Papable Arwin, kaya wag ka na matense diyan.” ang sabi ni Francis.

        “Salamat sa inyo guys, salamat.” ang sabi ko na lang. Inumpisahan na nga namin na hanapin si Drip sa buong university, upang mapadali ay inaghiwahiwalay kami, nagpatulong na din kami sa mga roving guard para masmapadali, pinipigilan ko ang maiyak sa pag-aalala.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now