Pahina by solemnista

31 2 0
                                    


Mahirap mang-iwan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mahirap mang-iwan. Mawawala siya, mawawala ka. Hanggang ang lahat ay nakasulat na lamang sa isang pahina.



Paunang Salita


Ang PAHINA

ay hango sa isinulat kong maikling kwento noong August 2019 na may pamagat na She Who Always Said Goodbye na in-unpublish ko din sa taong 'yon.

Started: April 11, 2021

Ended: April 26, 2021


PAHINA

"Bakit tayo ang kailangang maging taya?"

Iyon ang tanong mo na tumatak sa'kin bago tayo mauwi sa iwasan. Bago tayo magpanggap na hindi tayo magkakilala.

"Nasasaktan si Wana." Inalis ko ang kabiyak ng earphones na nakakabit sa tenga ko.

Bukod sa rason na 'yon. Naiipit ako sa sitwasyon. Sa pagkakaibigan namin na malapit nang mapunit.

"Sinasaktan mo rin ako. . . "

Hanggang ngayon nakatatak sa'kin ang sakit sa mga mata mo nang sinabi mo 'yon.

"Saka ilang beses ko bang sasabihin na kaibigan lang siya-"

"Kaibigan natin. . ." pagtatama ko bago dugtungan ". . . mahal ka niya."

Napapikit ka, alam kong madaming tanong ang tumatakbo sa isip mo. Maaaring hindi mo rin ako naiintindihan.

"Ikaw? Mahal mo ba ako?"

Mahal? Natawa ako sa sarili. I felt safe and danger in you, but is it enough to call it love?

"Hindi ko alam."

I've broken your faith just to save the friendship I thought was worth saving.

Pero hindi huminto doon lahat ng sakit. I lost you, I lost her, and I lost myself. It's a recurring thing I felt for the past two years. Nag-rewind sa'kin lahat ng mga pagkakataon na tumakas ako. My traumas, my fears and insurmountable self-doubt. Naghalo-halo lahat.

Paano kung hindi ako umalis? Paano kung hindi ko piniling palayain ka? Karma ko ba 'to for being selfish from the past? All the what-ifs and could-have-beens adds up.

I can be selfish again if I want to. I can always choose to stay.

Pero hindi ko hinayaang mamatay ang puso ko habang tumatawa sa mga birong alam kong iniinsulto ang pagkatao ko, habang pinipigil tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Nakakulong sa isang kahon kasama ka, si Wana at ang mga kaibigan na'tin. Sinasaktan ang isa't isa.

Akala ko kaya niya nagawang itapon ang pagkakaibigan namin ay dahil sa pagmamahal niya sa'yo at sa pagpapahalaga niya sa relasyon sa pagitan n'yong dalawa. Pero malaking parte d'on ay para kwestyunin ko ang halaga ko.

Nalunod ako habang sinubukang intindihin ang nararamdaman ni Wana. Nilimitahan ang dapat ay para sa sarili.

Nakita ko na hindi lang pala d'on nagsimula. Iyon lang ang nagtulak sa 'kin para umalis.

I've been depressed because my parents separated. Mag-isa ko 'yong dinala, humihiling na sana may magtanong kung kamusta na ako. Pero nadagdagan nang nadagdagan ang bigat.

Hindi ko inaasahang mararanasan kong umattend ng Christmas Party ng section natin na kalahating araw akong wala sa sarili, pinipilit maging interesado sa mga nangyayari. Nag-aalala sa kung anong iniisip mo, iniisip ni Wana. Pero mas lalong kumirot ang puso ko na masaya silang iniiwasan ako. Akala ko hindi matatapos ang araw na 'yon na hindi kami nagkakaayos. Hanggang pag-uwi ang mga tawanan nila ang dala-dala ko.

Dalawang taon bago ko tuluyang bitawan ang pagsisisi ko. Nag-isip-isip. Maybe, I didn't do it out of foolishness and selfishness. O maaaring hindi pa ako sigurado.

Oo, napagod ako at pumalya, at hindi ako exception para hindi maranasan 'yon.

I wish I realized that two years ago. Para hindi ko binugbog ang sarili ko sa mga kakulangan ko.

I will never be complete. I will lack things. I will do things out of impulsiveness. I will still make mistakes and it's all inevitable. I'm still a human who's insufficient, who relies on her Creator.

Before, I was so afraid that people might leave me. I was afraid of being alone, no one to rely on, no one to share my best and my worst.

And, I still lost a friendship I thought would last forever, which didn't even last a lifetime.

But now, solitude gives me the opposite of deprivation. Takes me to the place where I am no doubt, accepted and loved. Where I am good at, where I feel safe, where I feel most authentic.

Itinaya ko ang kung anong mayroon tayo para makita ko kung anong halaga ko. The thing is, nabulag pala talaga ako nang dumipende ako sa inyo.

Ito ang isang bagay na hindi ko pinagsisihan, ang pagbibigay ko sa sarili ng pahinga. Ang pag-alis sa sitwasyon kung saan nahihirapan akong mahalin ang sarili ko.

I choose what I think I deserve. To breathe and to break loose.

Hindi para tumakas at saktan ka. Kundi para palayain tayong dalawa sa ilusyon na sapat na ating presensya para mahalin ang sa isa't isa. Magkukulang at magkukulang tayo. Magsasawa, malilito at magbabago. Marami pa tayong kailangan kaining bigas at kailangan unahing responsibilidad. At kasama sa responsibilidad na 'yon ang sarili natin.

Mahalaga ka sa'kin at alam kong naging mahalaga ako sa'yo. Ngayon, panatag akong may iba ka nang pinahahalagahan at iniingatan.

I feel sorry for us but I'm grateful that you found her while I found myself.

Gusto kong magpasalamat sa'yo, at sa Kanya, sa pagpapahiram ng oras na panandaliang naging sa'tin. Sa alaalang tuluyan ko nang palalayain.

Masasabi kong isa itong magandang pahina sa aking talaarawan, na hindi ko pagsisisihang tanawin at balikan.

Kilig AnthologyWhere stories live. Discover now