2 | Conquering Love Full of Adversities

26 4 0
                                    

Makailang ulit nang napabuntong-hininga si Nadia habang hawak ang isang kalimbahing liham

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Makailang ulit nang napabuntong-hininga si Nadia habang hawak ang isang kalimbahing liham. Parang sinindihan ng posporo ang kaniyang dibdib sa tumubong inis doon. Hindi niya lubos maisip na wala talagang balak huminto ang may-ari ng sulat sa pagpapadala nito sa kaniyang amo. Tunay talagang may gusto ang babaeng iyon sa CEO ng Hotel Del Franco. Iyon naman ang ikinangingitngit ng kaniyang damdamin. Pursigido itong makuha ang binata kahit basurahan lamang din ang pinatutunguhan ng mga liham.

Labag man sa kaniyang kalooban, tinungo niya pa rin ang opisina ng kaniyang amo. Hindi siya magpapagapi sa emosyong kasalukuyang lumulukob sa kaniyang puso dahil sekretarya lamang siya ng CEO. Simula't sapol ay wala siyang karapatang mangialam sa personal nitong buhay... Dahil hindi siya binigyan nito ng karapatan hangga't hindi kumukupas ang araw.

"Sir, may dumating na naman pong liham galing kay Miss Rhea. Itatapon ko po ba?" Awtomatiko na iyong lumabas sa kaniyang bibig dahil nasanay na siyang itanong iyon sa amo simula noong nag-iba nang taktika ang manliligaw nito.

"No, just put that in my drawer," ang sagot ng kaniyang amo na gumiba sa kaniyang matamis na ngiti.

"W-Why now, Sir? I mean yes, Sir Chase! I'll do it."

Sinunod niya ang kumando ng amo kahit halu-halong emosyon na ang nag-uumapaw sa kaniyang kalooban. Pumasok na rin sa isip niyang baka nga tuluyan nang nahulog ang amo sa kamandag ni Miss Rhea lalo't hindi naman maipagkakailang matingkad ang lahing Español nito.

"After that, put these files to the Waste Disposal Folder. Remember to exclude an applicant named Antoinette Bustamante. You'll call the officiating manager of Hotel Del Franco in Bohol to approve her application." Patag ang emosyong makikita sa mukha ng amo.

Panatilihin man niyang maging propesyunal, kinakain pa rin siya ng kuryusidad. "Why her, Sir? Not that I'm questioning your stance in choosing your employees... I am just wondering."

"Because my brother, Philip, asked me to, and I saw her credentials. She is suitable for the job," walang pasubaling sagot nito bago ipinagpatuloy ang pagbabasa ng mga dokumento. Ni hindi man lamang siya tinapunan ng pangatlong tingin.

Ang main branch ng Hotel Del Franco rito sa Luzon ang nagsisilbing tahanan na rin ni Nadia kahit napalayo siya sa kanilang probinsiya ng dalawang taon.

Kung tatanungin naman siya patungkol sa amo, masasabi niyang wari'y dalawang tao itong nakapaloob sa iisang katawan. Ibang-iba ito sa labas ng opisina. At ang isang kayarian nito ang mas lalong nagpahulog sa kaniyang loob. Isang kayariang sa kaniya lamang inialay, kahit man lang noong una'y palihim.

Kasalukuyang nasa Finance Department si Nadia upang maghatid ng isang dokumentong personal na ipinapabigay ng amo, nang bumungad sa kaniya ang balitang pinatalsik daw si Jaime sa trabaho. Nagrigudon ang kaniyang puso dahil alam niyang walang ibang gagawa nito kung hindi ang amo lamang.

"Anong kasalanan ni Jaime?" Pambungad niya sa amo, nakalimutang ang paggalang ay isa sa patakaran nito. Pero mas nag-uumigting kay Nadia na malaman ang katotohanan.

Napaangat ang ulo ng na-istorbong binata. "Watch your manners, Miss Varquez. I am paying you to obey the rules and do your job," tila nagyeyelong banggit nito't mas diniinan ang huling salita.

Tila tinusok ng karayom ang puso ni Nadia dahil sa narinig. Napayuko na lamang siya't ikinuyom ang kamao sa laylayan ng kaniyang palda. "Ano pong nagawang kasalanan ni Jaime, Sir?"

Dumaan ang sinserong katahimikan sa pagitan nila. Hindi malaman ni Nadia kung binalewala lamang ang kaniyang tanong o natigalgal ang amo sa kaniyang pakikitungo.

"Mahal mo pa ba siya?"

Napasinghap si Nadia sa tanong ng amo. Hindi iyon ang inasahan niya. Walang salita ang gustong kumawala sa kaniyang bibig, pero ang katawan niya mismo ang sumagot dito. Umiling ang kaniyang ulo.

"Good, because I fired him," pag-amin nito. Tila bulang nawala ang propesyunal nitong anyo bago humalili ang isang kayarian nito. Bagay na ipagkaila man ni Nadia, nagugustuhan niya pa rin.

Pero sa narinig na salita mula sa binata, agad nanlaki ang mga mata ni Nadia. "Dahil ba sa kapalpakan ko?"

Naalala niya pang isa sa patakaran ng amo ang pagtutol sa mga impleyadong makipagrelasyon sa kapwa impleyado, maski pa ang magkaroon ng dating karelasyon sa opisina, dahil labag iyon sa company policy na ito mismo ang may gawa.

At si Nadia pa mismo ang dahilan kung bakit napatalsik ang dating nobyo na siyang tumulong sa kaniyang makapasok sa kasalukuyang trabaho. Hindi man kasalanan niyang talaga, ngunit batid niyang siya ang dahilan. Ramdam niya na nalaman nang binatang amo ang tungkol sa kaniyang dating nobyo na kaniya na rin namang naging kaibigan.

Ang dating isang metrong layo nila tuwing oras ng trabaho'y naging isang ruler na lang dahil sa paglapit ng binata. "Hindi mo kasalanan. Ayaw ko lang sa competition," banggit nito na nagpakabog nang husto sa dibdib ni Nadia.

"Ngayon, pwede na ba kitang ligawan?" Mahina lamang iyon pero wari'y pumutok ang puso ni Nadia sa gulat.

"Bawal! Nasa company policy iyon," tigalgal na wika ni Nadia na misteryosong nagpangiti sa kaharap.

"I'm the boss. I can change the rules whenever I want."

"Ha! Eh bakit ngayon mo pa naisipang baguhin ang patakaran mong 'yan? You knew very well, Sir, that there's something between us yet you're ignoring me like a trash... Pupulutin mo lang kung kailan mo magustuhan."

Hindi napigilan ni Nadia ang paghikbi at makailang ulit man niyang tampalin ang palad ng binata, pinupunasan pa rin nito ang tumulong mga luha sa kaniyang pisngi.

"I'm sorry for making you feel that way, Miss Varquez. You knew me very well too. I'm not good at expressing my feelings... but I'll try. I'll conquer your love amidst the adversities in my path. But keep in mind, I'm your boss. Whatever you'll say, your heart is entangled with mine, Nadia."

"A-At si Miss Rhea?"

"She's my dear cousin, Nadia. I don't do incest. I thought you knew that." Sa ganoong pahayag, napanatag si Nadia.

"Fix yourself before Lloyd comes in," seryosong banggit nito na nagpangiti naman ngayon sa kaniya.

Kilig AnthologyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin