2 | Conquering Love Full of Adversities

20 4 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Ma'am Nadia, heto napo ang financial report na inutos n'yo."

Pabalik na si Nadia sa kaniyang opisina nang salubungin siya ni Fritz, angkanilang hotel manager.

Ngumiti siya 'tsaka tumango. "Salamat. You can go back to work now."

Bahagya itong yumuko bago patakbong umalis. Habang naglalakad si Nadia aybinabasa niya ang financial report.

Some of the digits are dropping. Kailangan niyang ipaalam sa kaniyang Boss ito.

Huminto siya sa tapat ng elevator at hinintay itong bumukas. Bahagya siyangnapaigtad nang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa bulsa ng kaniyang blazer.Kaagad niyang nilabas ang cellphone at nang makitang si Sir Chase angtumatawag, kaagad niyang sinagot.

"Sir," bungad niya.

"Ask Alex to bring my lunch. Now."

Napakurap siya at nakagat na lang ang ibabang labi nang banggitin nito angpangalan ng kaniyang ex-boyfriend.

"S-Sir... ako na lang-"

"No, I want Alex," mariin nitong sabi. "Follow my orders,Nadia."

Napabuga na lang siya ng hangin at pumayag na sa gusto ng kaniyang Boss.

Ginagawa niya na nga ang lahat para maiwasan ang kaniyang ex-boyfriend nabellboy rito. Tadhana nga naman.

She can just ask anyone to call Alex. Pero may food preferences ang kaniyangBoss na tanging siya lang ang may alam, dahil siya naman ang usual na nagdadalang lunch nito dahil sekretarya siya nito.

Bumalik siya sa baba para hanapin si Alex. Siguro nasa labas ito ngayon at mayinaasikasong guest.

Dumiretso siya sa entrance ng hotel. Tatawagin niya na sana ito, nang maybabaeng lumapit dito at yumakap sa leeg nito.

Natigilan si Nadia. Parang piniga ang kaniyang puso nang makitang ngumiti siAlex dito sa babae at hinalikan pa. Napaiwas na lang ng tingin si Nadia.

Humugot siya ng malalim na hinga bago taas-noong lumakad papalapit sa dalawa.Napansin siya kaagad ng mga ito kaya napabaling kaagad sa kaniya ng tingin.

Huminto siya sa tapat nito. "Alex." Matapang na tumitig siya rito."Gusto ni Sir Chase na ikaw ang magdala ng kaniyang pagkain sa opisinaniya."

Nagsalubong kaagad ang mga kilay nito. "Ako? Hindi ba ikaw ang gumagawano'n? At saka may-"

"Utos ito ni Sir Chase," mariin niyang sabi 'tsaka napatingin sababae na girlfriend nito.

Siguro narito ito bilang guest at para na rin siguro makasama ang boyfriend.

Lumayo kaagad ang babae kay Alex at may sinabi rito na dahilan para pumayag siAlex sa inutos ng kanilang Boss.

Humarap sa kaniya si Alex. "Ano bang gusto ni Sir-"

"Bring him his lunch right now," mariin niyang sabi. "Hurryup."

Hindi niya na kayang magtiis pa na makita ang dalawang 'yon kaya tumalikod nasiya at nagmartsa paalis doon. Nang lumayo na siya mg kaunti, napahawak kaagadsiya sa dibdib niyang parang sasabog na.

Sigurado akong hindi ko na mahal ang lokong 'yon! Pero bakit naaapektuhan parin ako sa kaniya? Kainis naman!

Dumiretso si Nadia sa may water dispenser sa lobby para uminom ng tubig at parapakalmahin ang sarili. Hawak niya pa rin ang folder na may laman ng financialreport, at nang napatingin siya ro'n ay kaagad niyang inubos ang tubig ngkaniyang paper cup bago patakbong nagtungo sa elevator.

Nang bumukas ang elevator, nagulat siya nang makita si Alex na nakasimangot nanang napatingin sa kaniya.

"A-Alex... anong nangyari?" tanong niya.

Hindi ito sumagot. Malalaki ang hakbang na lumabas ito ng elevator atnilampasan lang siya. Napasunod na lang ng tingin si Nadia sa lalaki. Anongproblema no'n? Napatili si Nadia 'tsaka mabilis na hinarang ang kamay nangmuntikan nang magsara ang elevator. Pumasok na siya kaagad at pinindot angfloor kung saan ang opisina ng kaniyang Boss.

--

Kumatok si Nadia sa pinto ng opisina ng kaniyang Boss para ipaalam dito nanandoon siya. Nang sinabihan siya nitong pumasok, kaagad niyang pinihit angpinto pabukas 'tsaka tinulak.

"Sir, narito na po ang report-"

Natigilan siya nang makitang nakasimangot din ang kaniyang Boss. Tatanunginniya na sana ito kung bakit, nang bumaba ang kaniyang paningin sa pagkain nanasa table nito ay kaagad siyang napasinghap.

It's a chicken dish with chilli and spice powder sprinkled above it. Allergicsa mga maaanghang ang kaniyang Boss!

"Oh my god!" Kaagad siyang lumapit sa table nito at kinuha angpagkain. "I-I'm sorry, Sir! Hindi ko nasabi kay Alex na allergic kayosa-"

The last thing she wants is to have a bad impression to her Boss! Crush panaman niya ito kahit masungit minsan.

"Mahal mo pa ba siya?"

Natigilan si Nadia sa biglaang tanong ng kaniyang Boss. Sa gulat ay hindi niyaalam kung paano ito sasagutin, kaya umiling na lang siya.

Sumilay ang ngiting tagumpay nito.

"Good. Because I fired him."

Napasinghap sa gulat si Nadia. Oo, ayaw niya sa ex niya pero hindi naman niyaintensyon na mawalan ito ng trabaho!

"Dahil ba sa kapalpakan ko?" she asked, a bit scared. "I-It's myfault. Please consider this one mistake-"

"Hindi mo kasalanan," anito na ikinatigil niya sa pagsasalita."Ayaw ko lang sa competition."

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Anong competition ang sinasabi nito?

He leaned on his swivel chair and looked intently at her. "Ngayon, pwedena ba kitang ligawan?"

Namilog amg kaniyang mga mata at bumilis ang tibok ng puso dahil sa direktangsinabi ng Boss. Sa kaloob-looban niya ay nagpipiyesta na siya dahil angkaniyang Boss, na crush niya, ay gusto siyang ligawan!

"P-pero... bawal po 'yon! Nasa company policy 'yon," pagtatanggi niyapero hindi niya maalis ang ngiti sa mga labi.

"I'm the boss. I can change the rules whenever I want," ma-awtoridadnitong sabi bago ngumiti. "Now... will you have lunch with me,Nadia?"

Kilig AnthologyWhere stories live. Discover now