Locked in Love ni loveisnotrude

24 2 0
                                    

LOCKED IN LOVE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LOCKED IN LOVE

written by Endee (loveisnotrude)

I'LL BE LUCKY when it comes to love---ayan ang parati kong naririnig mula noong ako'y bata pa dahil sa bálat kong hugis puso na nasa kanang kamay ko, banda sa aking hinlalaki. Actually, it wasn't totally a full heart-shaped birthmark. Kalahati lang kasi ito. At ayon pa ang naging dahilan sa paniniwala kong nasa taong nakatadhana para sa akin yung other half ng bálat kong 'to.

Oo, ang cheesy. And at the same time, medyo cringe din. Pero as someone na lumaking hopeless romantic (thanks to Nicholas Sparks), hindi ko iyon maalis-alis sa sistema ko.

Not until I met him.

Kenzo Torres. Ang lalaking wala man sa kanya ang other half ng hinahanap kong bálat na hugis puso, siya naman itong nagpatibok sa puso kong pihikan.

Unang pagsasalubong pa lang ng aming mga tingin sa hallway noong unang araw ng pasukan, alam kong siya na. Naramdaman ko, e. May sparks. Not to mention na nag-slow-mo rin ang paligid noong araw na 'yon.

"Besh! Besh!"

Natigil ako sa pagde-daydream sa future namin ni Kenzo my loves nang marinig ko ang pamilyar na boses ng best friend ko.

"O, bakit ka naman tumatakbo? Ano'ng eksena mo diyan?"

"Si Kenzo your loves . . ." Pagkarinig pa lang ng pangalan niya, hindi ko na napigilang kiligin. Paniguradong abot tainga na rin ang aking pagngiti. At mas lalo pa itong lumawak sa sunod niyang sinabi. "Pinalista ko na kayo para sa marriage booth. Kayo na ang isusunod na ikakasal."

"OMG!" Sa sobrang saya ko, nayakap ko na lang siya nang mahigpit. "OMG ulit, besh! I love you na talaga!"

"Pero may problema."

"Problema? Ano?"

"Hindi namin makita si Kenzo! Like kanina pa namin siya hinahanap pero he's nowhere to be found, besh!"

Sa sinabi niyang iyon, wala na akong sinayang pa na oras at dali-dali na kong tumakbo sa lugar na alam kong madalas niyang pagtambayan sa mga ganitong pagkakataon na hindi siya mahanap. Kung hindi kasi talaga nila siya mahanap, malamang sa malamang ay naroroon siya. Hindi ako sigurado pero ako lang ata ang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon---yung madalas niyang puntahan dito sa school kapag gusto niyang mapag-isa. Yung classroom na wala nang gumagamit at naging tambakan na lang ng kung ano-ano. Ang tinawag ko pang the abandoned classroom.

"I knew it," hingal na sabi ko nang maaninag ko siya sa loob.

Wala siyang ideya na alam kong nagpupunta siya rito. Ang galing kong magpapansin sa kanya kapag maraming tao. Pero kapag gan'tong mag-isa lang siya at kaming dalawa lang sa paligid, nahihiya ako. Kaya sa tuwing naaabutan ko siya rito, nagtatago lang ako sa isang gilid at tahimik siyang pinagmamasdan.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob para hindi siya mabigla kung sakaling makita niya ako pero nagulat ako nang bigla na lang sumara yung pinto. Agad kong sinubukang buksan ito pero mukhang na-lock. Saka ko lang naalala na sira na nga pala yung doorknob dito.

"Shet . . ."

"Nandito ka na naman." I instantly froze when I heard his voice. Para na rin akong mauubusan ng hininga sa sobrang kaba. "Stalker ba kita?"

Shet talaga.

"Sa tuwing nandito kasi ako, bigla ka na lang din sumusulpot. And knowing na walang ibang estudyante ang pumupunta rito bukod sa ating dalawa, siguro naman safe i-assume na you're stalking me, 'di ba?"

Shet. Shet. Shet.

All along, alam niya pala?!

Parang ito na ata ang eksena sa mga nababasá ko na dapat tawagin ko na ang lupa at magpakain dito.

Nakakahiya!

"Miss?"

Dahil mukhang na-lock na talaga kami rito at na-corner na rin ako, hinarap ko na lang siya nang buong puso. At laking gulat ko nang hindi si Kenzo my loves ang nakita ko---kundi yung kamukha niyang pinaka ayaw kong makita.

"Kenji?!"

"Cha?! Wait, wait, wait --- ikaw yung stalker ko?"

"At ang kapal talaga ng mukha mo, ha!" inis na sabi ko. "Pero what are you doing here? Bakit ikaw ngayon ang nandito at hindi si Kenzo my loves? Nasaan siya?"

Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya. "At bakit naman magpupunta rito yung kakambal ko, eh allergic 'yon sa alikabok?"

And the realization suddenly hits me.

So, all this time, si Kenji pala ang palihim na pinupuntahan at tinititigan ko rito, at hindi si Kenzo my loves?! All this time, yung mokong na kakambal ng lalaking pinapangarap ko pala ang pinagpapantasyahan ko?!

Gusto kong masuka sa mga naisip ko. Oo, magkamukha sila kasi, hello, they're identical twins, pero pagdating sa ugali, magkaibang-magkaiba sila! E, mukhang pinaglihi 'tong si Kenji sa sama ng loob dahil mula nang makilala ko siya, naging instant enemy na rin kami. Kung hindi lang dahil sa kakambal niya, bâka matagal ko nang pinatulan yung mga pang-aasar at panggugulo niya sa akin.

"Wait, Cha. You're telling me na kaya ka pumupunta rito kasi akala mo ako si Kenzo?" natatawa niyang sabi. "Grabe ka rin, ah! Ibang level na rin talaga ang pagkagusto mo sa kakambal ko."

Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin. Sinubukan ko na lang na buksan yung pinto kahit alam kong malabo dahil sira talaga ang doorknob nito.

"Pero sayang naman. Akala ko, magkakaroon na ako ng chance sa iyo."

Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tama ba ang dinig ko o bâka nang-aasar na naman siya kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Mas lalo pa akong na-istatwa sa kinatatayuan nang lumapit pa siya lalo sa gawi ko.

"Gan'to pagbukas niyan, o," aniya at mabilis na binuksan yung pinto. "Kung hindi mo mahanap si Kenzo, malamang natutulog lang 'yon sa dulong parte ng library."

Hindi na ako tuluyang nakagalaw sa aking puwesto dahil napako lang ang tingin ko sa pamilyar na bálat na nakita ko banda sa leeg niya.

"Cha?"

"I-Is that a half-heart-shaped birthmark?"

"Ha?"

"Yung bálat sa leeg mo . . . h-hugis puso?"

"Ah, ito ba?" Nang ipakita niya ito sa akin nang malapitan, mas lalo lang nanlaki ang mga mata ko. "Ang galing ng mata mo at napansin mo pa 'to. Yes, heart-shaped nga 'to, pero kalahati lang. This is kinda weird kasi wala nito si Kenzo. Actually, ito yung palatandaan ng parents namin sa amin."

At sa sinabi niyang 'yon, doon na bumilis ang tibok ng puso ko.

THE END

Kilig AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon