2 | Conquering Love Full of Adversities

11 1 0
                                    

Kagabi pa ako walang tigil sa pag-iyak

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kagabi pa ako walang tigil sa pag-iyak. Ipinahamak ko si Lawrence, boyfriend ko at assistant manager sa hotel kung saan ay secretary ako ng CEO nito na si Chase. Chase is so arrogant pero kahit na ganoon ay napakarami pa ring babaeng nagkakandarapa sa kanya and me is not an exception, yes! I like him. That's the reason why I answered Lawrence.

Hindi pwede ang magkarelasyon sa hotel pero hinayaan ko pa ring mangyari kami, you wanna know why? Cause I'm starting to fall deeper for my arrogant boss. Noon ay balewala lang sakin kapag nakikita ko siyang nagdadala ng iba't-ibang babae sa opisina niya pero dumating ang araw na naging masakit na ito para sakin, sobrang sakit. I want to divert my feelings and I think, Lawrence will really help me. Sino ba naman kasi ako para magustuhan ni Chase? Di hamak na secretary lang ako kumpara sa mga mayayamang babaeng dinadala niya sa opisina niya.

Nasuspende si Lawrence ng isang linggo sa trabaho dahil nakarating kay Chase ang tungkol sa relasyon namin, Chase help me out of the trouble. Hindi niya ako pwedeng suspendihin dahil kailangan niya ako.

"Mahal mo pa ba siya?" Halos manginig ako sa klase ng tingin na itinapon sakin ni Chase. Hindi pa siya nakuntento at tumitig pa. "Answer me Nadia, do you still love him?"

Tila ako nahihypnotize sa mga mata niya. Sa taranta at kaba na nararamdaman ko ay napailing na lang ako.

He gave me a wicked smile. "Good. Because I fired him."

Namilog ang mga mata ko. "Dahil ba sa kapalpakan ko?" I feel bad for Lawrence. "Deserve ko rin po na matanggal sa trabaho."

"Hindi mo kasalanan. Ayaw ko lang sa competition. Ngayon, pwede na ba kitang ligawan?"

Sobrang namilog ang mga mata ko. Derechong nakatingin si Chase sakin, he's so serious.

"Bawal! Nasa company policy iyon!" Bulalas ko.

He just smiled. "I'm the boss. I can change the rules whenever I want to."

Totoong lumulundag ang puso ko sa tuwa. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung gusto kang ligawan ng lalaking mahal mo?

"So what do you think Nadia?"

I took a sigh. "May boyfriend na ko."

"Then break him up or find a new job."

"What?" Hindi ako makapaniwala.

"I like you Nadia, a lot at kung sakaling irereject mo ako." He took sigh. "I don't want to see your face anymore cause that would be painful that I can't have you."

I can't lose my job dahil ako lang ang inaasahan samin, I'm the bread winner of the family. Ipinapatherapy ko pa ang Papa ko na kagagaling lang sa sa stroke that's why I broke up with Lawrence. Masakit sakin dahil ako ang may kasalanan kung bakit natanggal siya sa trabaho tapos ngayon ay nakipaghiwalay pa ko sa kanya.

"Come here baby." Malambing na sabi ni Chase at tinapik ang hita niya senyales na doon ako umupo. Nag-init pa ang mga pisngi ko. Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Days had passed, pumayag akong ligawan ni Chase not because that's what he wants but because I want it too, I want him. I'm in love with him na kahit hindi pa ko sigurado kung totoo ba ang nararamdaman niya para sakin ay sumugal pa din ako. May mga kumakalat na rin na chismis tungkol samin pero walang pakialam si Chase.

"Thank you for giving me a chance." Ipinulupot niya pa ang braso niya sa mga bewang ko. "God knows how much I like you, Nadia. I mean, I love you. Hirap lang akong tanggapin noon cause I'm not into commitment."

Parang nagsasayaw ang puso ko sa naririnig ko kay Chase.

"Alam kong masyadong mabilis para sayo to Nadia pero sakin ay napakatagal na dahil matagal na kitang gusto."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. "I love you too, Chase."

He chuckles.

"I know. I can feel it kaya hindi ko malaman kung bakit sinagot mo si Lawrence."

Nakaramdam naman ako ng hiya.

"Sino ba naman ako para magustuhan ng isang tulad mo?"

Inalis niya ako mula sa pagkakaupo sa kanya at pinaharap sa kanya.

"You are Nadia and I love you."

Pareho kaming nagulat ni Chase nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya at iniluwa ang Mommy nito.

"So the rumors are true!" Galit na galit siya.

Agad namang tumayo si Chase at lumapit sa Mommy niya.

"Mom, let's talk first."

"Ikaw babae ka! Napakalandi mo! Ambisyosa ka!"

Napayuko ako sa sinabi ng Mommy ni Chase.

"Mommy!" Sigaw ni Chase sa Mommy niya. "You can't talk to her like that!" Rinig ko ang galit sa boses ni Chase, wala akong lakas ng loob na mag-angat ng tingin.

"Tigilan mo ang kahibangan mo Chase! Ikaw babae ka, wala ka talagang work etiquette! Kaya naman pala yung boyfriend mo lang ang natanggal dahil para kang linta na kumakapit sa anak ko!"

"Mommy!" Muling sigaw ni Chase. "Umalis ka na po bago pa mawala ang respeto ko sayo."

Maging ako ay nagulat sa sinabing iyon ni Chase.

"Ginayuma ka ba ng babaeng to, Chase? Leave her or leave the company!" Banta sa kanya ng Mommy niya. Nag-angat na ako ng tingin.

Hindi ko makitaan ng pangamba ang mukha ni Chase.

Lumapit siya sakin. He intertwined his hand on mine.

"Then, I will leave the company."

"Chase!" Hindi ako makapaniwala. Nginitan lang niya ako.

"Aanhin ko ang lahat ng yaman at kapangyahiran kung wala naman sakin ang babaeng mahal ko? I'm choosing Nadia, Mom and I'm choosing to be happy."

Laglag ang panga ng Mommy ni Chase.

"Makakarating ito sa Daddy mo!" Padabog pa siyang lumabas.

"Chase, you don't have to do this."

He cupped my face. "No Nadia, I would love to this. You are all that I ever need."

Hindi ako makapaniwala sa pagmamahal na nararamdaman ni Chase para sakin.

"Malala na ang tama ko sayo, Nadia."

He chuckles.

"I'm ready to conquer everything for you, for us Nadia. I love you."

Kilig AnthologyWhere stories live. Discover now