Ikaw at Ako ni loveisnotrude

35 1 1
                                    

Ikaw at Ako ni loveisnotrude, winner of Mahalima Hanggang sa Huli Contest.

MULA PAGKABATA, ALAM mong iyon lang talaga ang magpapatibok ng puso mong sintigas ng bato: pagsasayaw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MULA PAGKABATA, ALAM mong iyon lang talaga ang magpapatibok ng puso mong sintigas ng bato: pagsasayaw.

Sa bawat paggalaw at pagsabay kasi ng iyong katawan sa ritmo ng musika, binibigyan ka nito ng kakaibang saya sa pakiramdam na tanging doon mo lang talaga nakukuha. Binubuhay rin kasi nito ang natutulog mong sistema at ginigising ang bersyon mo na maligalig, masigasig, at may pagmamahal sa ginagawa.

Hanggang sa mahagip siya ng iyong mga mata.

Isang buwan na ang nakalilipas mula nang pagtagpuin ang inyong mga landas pero hanggang ngayon ay binibigyan ka pa rin nito ng kaparehong pakiramdam sa tuwing ika'y nagsasayaw.

"Okay, water break muna! Five minutes lang, a!"

Nang sabihin 'yon ng inyong choreographer, isa ka sa hindi umalis sa puwesto.

"Hindi ko alam kung yung mapapanalunan ba natin sa dance competition ang inspirasyon mo o 'yang si Ken."

Nagulat ka sa biglang pagsulpot ng kaibigan mo sa iyong tabi, pero mas nagulat ka sa sinabi niya—lalo na sa pangalang binanggit niya. "Ken?"

Sinalubong niya ang mga mata mo bago tumango at sinabing, "Oo, si Ken. Iyang nag-i-spray paint sa pader at palagi mong tinititigan tuwing nagpa-practice táyo rito sa park."

Hindi ka makapaniwala sa dalawang bagay na narinig mo: Una—na may nakapapansin pala sa ginagawa mong pagtitig kay Ken. At pangalawa—na Ken pala ang pangalan nito.

Isang buwan ka nang nagnanakaw ng tingin sa kaniya pero ngayon mo lang nalaman ang pangalan niya.

"Gusto mo bang ipakilala kita para hindi ka lang hanggang tingin diyan?"

"Uy, 'wag!" kabado mong sabi. "Saka ano bang pinagsasabi mo diyan? Hindi ko kaya siya tinititigan! Namamalik-mata ka lang siguro."

Hindi mo alam kung bakit ka pa nagsinungaling gayong huling-huli ka na sa akto kaya wala ka tuloy magawa kundi panindigan na lang ito habang tinawanan ka naman ng iyong kaibigan sa inasal mo.

"As you say so, Amethyst. Ikaw rin, bâka maunahan ka pa ng iba. Kasi base sa mga naririnig ko, maraming nagkakagusto diyan kay Ken—hindi lang babae pati na rin ibang kalalakihan sa grupo natin."

At doon na nawala ang ngiti sa iyong labi.

Bigla ka rin tuloy napa-isip: Worth it ba ang risk kung magpapakilala ako? O mas mabuting hindi niya na lang alam ang existence ko?

"Okay, time's up! Go back to your formation and let's start from the top. Hataw, a!"

Dahil sa sinabing 'yon ng inyong choreographer, inalis mo na lang sa isipin ang balak na pagpapakilala kay Ken. Naisip mo rin kasi na mas kailangan mong mag-focus sa dance competition at hindi sa ibang bagay.

***

Bukod sa tuloy-tuloy na pagsasayaw, itinuloy mo pa rin ang pagnanakaw ng tingin kay Ken. At para hindi niya mahalata ang lihim mong pagtingin sa kaniya, kada tatlong minuto ang pagitan nang pagsulyap na iyong ginagawa.

"Ganiyan nga, Amethyst! I love your energy!"

Hindi mo mawari pero imbes na sa choreographer ay sa gawi ka ni Ken napatingin. At kulang pa ang salitang pagkabigla nang magtama ang inyong mga tingin.

Nakatitig din siya sa iyo!

At ayon pa tuloy ang naging dahilan kaya bigla kang napagalitan. Sino ba kasing may sabing huminto ka sa pagsasayaw dahil lang nagkatitigan kayo ng crush mo?

"Good job, everyone! Amethyst, next time, sa practice ang focus, a? You've been doing great kaya tuloy-tuloy lang sana." Sa sobrang kahihiyan, napatango ka na lang. "Sige na, magpahinga na kayong lahat saglit at umuwi na rin pagkatapos. Bukas ulit!"

Saka ka lang tuloy nakahinga nang maluwag pag-alis ng inyong choreographer. Pero, sa hindi mo inaasahang pagkakataon, muli na namang sumikip ang iyong dibdib nang mapansin si Ken na nakatayó sa iyong harapan.

"Hi. Amethyst, tama?"

Agad kang nagpalinga-linga sa paligid at nang makita mo ang iyong kaibigan na nakangisi sa iyong gawi sabay pakita ng dalawang hinlalaki, gusto mo na lang magpakain sa lupa—ora mismo.

"U-Um . . . H-Hello?"

Tatlong bagay agad ang dahilan sa pagnanais mong batukan ang sarili: dahil sa pag-utal, dahil sa nararamdamang kaba, at dahil sa patanong na "hello" na parang hindi ka pa talaga sigurado. Actually, hindi ka pala talaga sigurado. Paano ka ba naman kasi makakasiguro sa mga pangyayari kung yung ini-imagine mo lang ay nangyayari na talaga?

"Gusto sana kita—"

Hindi na natapos ni Ken ang kaniyang gustong sabihin dahil sa malakas na pitong narinig ninyo mula sa isang pulis 'di kalayuan.

"Ay, shit," rinig mo pang bulong niya bago itinapon sa kung saan ang hawak-hawak na spray paint.

And the next thing you knew, he was holding your hands while running away.

Magical—that's the first thing you felt. Pero at the same time, may something strange din sa iyong pakiramdam. Kaya paghinto ninyo, agad mo siyang hinarap.

"A-Ano'ng nangyayari?"

"Sorry," mabilis niyang sabi sabay kamot banda sa likurang bahagi ng kaniyang ulo. "Nag-panic kasi ako kaya nahila na lang kita. Ako kasi habol nung parak dahil sa pagba-"vandalized" ko raw ng pader—na hindi naman sa kanila. At hindi rin vandalizing ang ginagawa ko, a! That was art na, for sure, hindi nila mage-gets."

Gusto mong matawa sa dami nang sinabi niya lalo na sa pag-emphasize niya ng "vandalize". Ngayon pa lang kayo nakapag-usap pero ang gaan na ng pakiramdam mo sa kaniya.

"Ako, gets ko."

"H-Ha?"

"I think you're a great artist, Ken."

At nang pakitaan ka niya ng ngiting sa tingin mo ay ngayon mo lang nakita at ngayon niya lang din ipinakita, may kung anong pagkislot na lang ang iyong naramdaman banda sa iyong puso.

"You're a great artist din, Amethyst—I mean, dance is also a form of art. Ilang beses na kasi kitang napanood pero napapahanga mo pa rin ako palagi."

At hindi mo na nga napigilang hindi kiligin. "Salamat."

"Nga pala, hindi ko na natapos yung itatanong ko sana sa iyo kanina."

"Oo nga, e. Ano ba 'yon?"

"Gusto sana kitang yayain sa art exhibit ng kaibigan ko sa darating na Sabado. Madi-display rin kasi yung gawa ko roon kaya kung libre ka . . ."

"Oo naman. Sino-sino pa ba ang kasama natin?"

"Tayong dalawa lang sana."

"T-Táyo lang?"

"Oo, táyo—ikaw at ako."

WAKAS

Kilig AnthologyWhere stories live. Discover now