2 | Conquering Love Full of Adversities

54 5 0
                                    

Pilit na inaabala ni Nadia ang sarili at buong umaga itinuon ang atensyon sa mga paperwork na halos magpatong na sa kaniyang area

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pilit na inaabala ni Nadia ang sarili at buong umaga itinuon ang atensyon sa mga paperwork na halos magpatong na sa kaniyang area. Napatingin siya sa orasan. Mag-aalas diyes na ng umaga. Anumang oras ay papasok na ang kaniyang boss na si Chase Gregory, ang CEO ng hotel. Ikalawang taon na niyang nagtatrabaho bilang secretary nito at ngayon lang siya kinabahan ng sobra.

Hindi niya pa ito nakikita mula nang magpunta ito sa huling schedule kahapon kung saan ito na-late ng halos isa't kalahating oras dahil sa kaniya. Alam niya kung gaano kaimportante ang meeting na iyon dahil ang pag-uusapan ay ang merger ng isa sa mga subsidiary ng corporation na nagpapatakbo ng hotel at ng isa pang hotel na matunog din ang pangalan. Ngunit nang dahil sa ginawa niyang patakas na pagtulong sa presentation ng isang manager na matagal na niyang gusto, nakaligtaan niya ang oras at nakalimutan niyang sabihan si Chase sa importanteng meeting na iyon.

Ilang saglit pa ay narinig na niya ang matunog nitong sapatos sa hallway. Nang makita niya ang anino nito ay agad siyang tumayo at nag-bow.

"G-good morning, Sir Chase."

Mabilis itong nawala sa paningin niya. Parang hangin lang ito na dumaan at ang narinig niya nalang ay ang pagsara ng sliding door ng office nito.

Kinuha niya ang tumbler at agad na lumagok mula doon. Sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili niya. Paano na lang kung hindi naging maayos ang takbo ng meeting na iyon? Paano kung mawalan siya ng trabaho?

Dumating at natapos ang lunch break ngunit mukhang hindi tumayo si Chase sa kaniyang pwesto.

Focused na si Nadia sa kaniyang ginagawa nang biglang may isang folder ang humarang sa paningin niya. Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang ang officemate niyang si Sophie na nakangiti.

"Sorry na, Nadia. Makikipa-inbox naman ako nito kay Sir Chase. For urgent signing kamo niya. Alam naman na niya iyan kapag nakita niya."

Nakangiwing inabot niya ang folder at alanganin na tumingin kay Sophie. "You mean kailangan kong pumasok sa office niya, like, now na para papirmahan ito." It wasn't a question but more like a statement na sinabi niya sa sarili niya. Taka naman siyang tinignan ni Sophie.

"It's not like ito ang unang beses na magpapapirma ka kay Sir Chase. Come on, Nadia. I really need your help right now." Nakangusong sabi ni Sophie. "And besides, ayaw mo ba noon? You get to see him ng mas maraming beses kaysa sa amin sa araw-araw. Nakakainggit ka kaya!" Sabi pa niya na parang kinikilig. Magkadikit pa ang mga palad niya kung saan nakasandal ang isang pisngi niya saka siya kumurap kurap na parang nagb-beautiful eyes.

Hindi niya naman masisisi ito. Gwapo si Chase. Tatak na yata ng mga Gregory. Ang kapatid pa nga nito ay isang artista. Hindi maikakailang habulin ng babae si Chase dahil sa angkin nitong talino, tangkad, at kagwapuhan. Mahaba kasi ang mga pilik-mata nito, mapupungay ang mata kung tumingin, matangos ang ilong, at mamula mula ang labi.

Parang masarap halikan...

Agad na napailing si Nadia sa kaniyang naisip. Hindi dapat ganoon ang maging tingin niya sa boss niya. Kailangan niya maging professional.

"Oh siya, sige na! Babalikan ko iyan maya- maya ha? Thanks, Nadia! Mwah!" sabi ni Sophie saka tuluyang umalis.

Bumuntong-hininga si Nadia. Hindi mapakali ang pwet niya sa upuan. Hindi niya alam ang tamang timing kung kailan siya dapat na pumasok sa loob.

Baka busy siya?

Halos mapatalon siya sa gulat nang tumunog ang intercom.

"Nadia, come here please."

Ito na nga ba ang iniiwasan niya. Ang makaharap ang boss niya. Ngunit wala na siyang magagawa dahil siya na mismo ang ipinatawag nito.

Kaya agad siyang tumayo at binitbit ang folder ni Sophie. Marahan siyang kumatok sa glass na pintuan bago niya ito binuksan saka siya pumasok sa loob.

"G-good afternoon, Sir Chase." Tawag niya sa atensyon nito. Nag-angat ito ng tingin mula sa laptop. Inabot niya ang folder at awtomatiko itong pinirmahan.

"B-bakit niyo po ako pinatawag?" kabadong tanong niya.

Bahagyang ngumiti si Chase. "Kumain ka na ba ng lunch? I forgot to eat mine."

Naguguluhan man siya ay sinagot niya na lang ang tanong nito ng isang tango.

"I'll order you some food. Will you stay here and eat with me?" Hindi siya nakasagot dahil hindi niya alam ang tamang isasagot. Ipinatong ni Chase ang magkabilang braso sa kaniyang lamesa at tinitigan si Nadia, pinag-aaralan ang reaksyon nito.

"Do you love him?" gulat na tinignan ni Nadia ang kaniyang boss. Hindi niya alam kung saan patungo ang usapan na ito pero isa lang ang alam niya, kinakabahan siya. Agad siyang umiling dito.

"Good," ipinilig nito ang ulo sa isang side. "Because I fired him."

Lalong nanlaki ang mga mata ni Nadia. "P-po? D-dahil po ba sa kapalpakan ko?"

Agad na umiling si Chase. "No no no! It's not your fault. Ayaw ko lang ng kompetisyon."

Bigla itong ngumiti ng matamis. Ang bagay na nagpapatigil sa mundo ni Nadia sa tuwing makikita niya ito.

"Now, can I court you?"

Nasamid si Nadia sa sariling laway dahil sa tanong na iyon. Hindi niya ito inaasahan lalo pa't hindi niya naman binibigyang malisya ang kabutihan nito sa kaniya.

"B-but—it's against the company policy." Halos mahampas niya ang noo dahil sa palpak na sagot niya. Natawa naman si Chase.

"Well, I'm the boss. I can change the rules whenever I want."

Hindi nakasagot agad si Nadia. The butterflies in her stomach feel foreign.

"So, what do you say? Hatid kita mamaya?" malawak ang ngiting tanong nito. Parang nahipnotismo si Nadia at napatango nalang.

***

Kilig AnthologyWhere stories live. Discover now