2 | Conquering Love Full of Adversities

13 3 0
                                    

She could barely sleep last night because of the mistake she has done

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

She could barely sleep last night because of the mistake she has done.

Nang dahil sa pagkakamali niya, nagkaro'n ng kaunting glitch sa meeting kahapon. She was guilty the whole day yesterday, but she also don't know how to make up for it.

Agad siyang napa-tayo sa upuan nang makitang papalapit na si Chase Rojas, ang CEO ng hotel na pinatatrabahuan niya. Being his secretary is a lot of work, but for some reason, the boss is kind and gentle towards her.

But not today.

"Miss Nadia. In my office, please."

Ni hindi man lang siya nito tinignan at diretso lang na naglakad papasok ng opisina.

She sighed before entering the office. Pagpasok niya, naka-upo na ito sa swivel chair. Seryoso ang mukha habang nakatingin sa kanya.

"Tell me my schedule for today," he demanded.

Inisa-isa ni Nadia iyong mga meetings na kailangang puntahan ni Chase. Her voice was calm but deep inside, she's already scrambling. Sobrang seryoso ng boss niya! Hindi siya sanay na sinusungitan siya nito.

Huminga siya nang malalim nang natapos niyang basahin lahat. Magpapa-alam na sana siya para bumalik sa table niya nang biglang nag-salita si Chase.

"Yesterday, when the projector was broken, he tried to fix it."

Itinikom niya ang bibig.

She knew, of course, who he's talking about. Nang nag-overheat 'yung projector kahapon, mabilis siyang dinaluhan ni Marco, one of the constituents—and her ex. Which made the whole room covered with silence.

Alam ni Nadia sa sarili niya na hindi ordinaryong empleyado lang ang tingin sa kanya ni Chase Rojas. His feelings are so damn obvious. Ayaw niya lang tanggapin dahil kailangan niya ng trabaho ngayon. But Chase—she likes him.

"Concern lang siya. Sayang 'yung oras kung hindi agad maaayos."

"Kaya nga nagpatawag agad ako ng technical team."

Gustong ngumiti ni Nadia dahil nagseselos na naman ito pero pinigilan niya ang sarili.

"Sinubukan lang naman niyang ayusin..." still, she reasoned out.

Chase sighed heavily.

"Mahal mo pa ba siya?"

Sa sobrang gulat ay 'di niya alam kung paano ito sasagutin kaya umiling na lamang siya. He's here again with his own game. Oras ng trabaho pero personal na detalye ng buhay niya ang itinatanong nito sa kanya. She's not even prepared for this! Matagal na rin silang break ni Marco pero selos na selos pa rin ito. Hindi ba uso ang move on dito?

"Good. Because I fired him."

Nanlaki ang mga mata ni Nadia sa takot. "Dahil ba sa kapalpakan ko?"

"Hindi mo kasalanan. Ayaw ko lang sa competition. Ngayon, pwede na ba kitang ligawan?"

Hindi makapaniwalang tinignan ni Nadia ang boss niya.

"Bawal! Nasa company policy 'yun," Nadia pointed out.

Now, she felt bad for Marco. Kahit naman hiwalay na sila, mabait pa rin iyong tao. Pasaway talaga at may pagka-isip-bata itong si Chase. Pasalamat na lang ito at parehas sila ng nararamdaman para sa isa't-isa. Mas matured pa yata dito iyong kapatid niyang si Philip!

Nginitian siya ni Chase.

"I'm the boss. I can change the rules whenever I want."

Hindi na niya napigil ang pag-irap.

"Lalabas muna ako, Sir. Please call me when you need something."

Paalis na siya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina.

"Hello everyone! Kumusta ang—" Loyd, Chase's best friend, looks at them, confused. "What's with the atmosphere here? May LQ?" he asked. "Ay, wala nga palang lover sa opisinang 'to." He then laughed out loud.

Naka-simangot na nilagpasan lang siya ni Nadia, bago niya narinig 'yung pag-bato ng kung ano sa kinaroroonan ni Loyd.

The days went on, palagi pa rin nagpaparamdam si Chase kay Nadia.

He really likes her since the first time he had a talk to her. Mayroong iba kay Nadia na gustung-gusto niya. She can respect him as her boss but she can also turn savage and tell him what she think was right. She's full of wit.

Alam niyang pandaraya ang gagawin niya pero ito lang ang naiisip niyang paraan para pumayag na si Nadia na magpa-ligaw sa kanya.

"Mom," he greeted his mother.

After her was Nadia, who has been standing there nervously.

Pinigilan niyang matawa. His mom looks terror. Alam ng ina niya ang tungkol kay Nadia. Matagal na niyang gusto ito. Ngayon lang siya humingi ng tulong dahil hindi matibag ang paninindigan ni Nadia tungkol sa kanilang company policy. Na bawal ang magka-relasyon sa trabaho.

"Is this Nadia Montejo?" his mom's eyebrow arched.

Yumuko nang kaunti si Nadia. "Y-yes, Ma'am..."

"Oh. Good. Stay with us for lunch."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga.

"Ayaw mo?"

"Gusto po!" Nadia replied quickly.

Ngiting tagumpay si Chase habang kumakain ng lunch. Gusto nang sipain ni Nadia ang paa nito sa ilalim ng mesa pero pinigilan niya ang sarili.

"Can I ask a question, mom?" Chase started the conversation.

"Of course."

"Pwede ba akong manligaw sa empleyado ko?"

Nasamid sa hinihigop na sabaw si Nadia. Nanlalaki ang mga mata niyang naka-tingin kay Chase. What the heck! Seryoso ba siya?

His mom shrugged.

"You're already grown up, Chase. Manligaw ka kung gusto mo."

"But the girl I want is scared because of our company's policy..."

Dinidilatan na niya ng mata si Chase pero ayaw pa rin papigil. Napatigil siya nang lumingon sa kanya ang nanay ni Chase.

"Why do you have to be scared? He's the CEO," his mom told her.

"P-po?" she asked, flushed.

"Isang tanong, isang sagot. Do you like my son?"

Umiwas siya ng tingin. "Y-yes, Ma'am. I... I like him."

Chase's smile grew wider.

"Then, magpaligaw ka. O kung ayaw mo, e 'di gawin mo nang boyfriend."

Napa-balik ang tingin niya sa kausap. "Po?!"

She shrugged.

"You like each other. Then be in a relationship. My support's on you."

Napa-awang ang labi. Unti-unti siyang napatingin kay Chase na ngumingisi habang kumakain. Naningkit ang mga mata niya rito. Did he plan all of this?!

"So what will you say?" mataray na tanong ng Ginang.

She bit her lower lip.

"I'll start courting you tomorrow," Chase told her in finality.

Damn. She fell in his trap!

Kilig AnthologyWhere stories live. Discover now