3 | Second Chance

23 1 0
                                    

Lumulutang pa rin ang utak ko dahil sa break up namin ng boyfriend kong gago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumulutang pa rin ang utak ko dahil sa break up namin ng boyfriend kong gago. Napaka walang hiya, pagkatapos ng lahat ipagpapalit pa ako sa isang high school student. Fuck! Nasa loob pala ang kulo niya akala ko matino yun pala babaero.

Pare-parehas lang lahat ng lalaki. Babaero!

Napabalik ako sa reyalidad ng tumigil ang elevator at bumukas ito.

Sumilay sa akin ang matamis na ngiti ni Loyd. Ang bestfriend ng aming boss na si Sir Chase. Halata pa lang sa mukha niya ay babaero na. Pumupunta lang siya rito sa hotel para manggulo at mang landi ng mga babae. Ang ilan ay mga staffs ng hotel at malala pa ay ang mga clients namin.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang mariin niya akong tinitigan at ngumiti.

God! Fritz, huwag kang magpapadala sa ngiti niyan. Babaero yan.

Nagsara ang elevator at nakaramdam ako ng init. Napakapit ako ng mahigpit sa hawak kong folder ng pindutin ni Loyd ang emergency button ng elevator kaya tumigil ito.

"What the fuck?!" usal ko.

Humarap sa akin si Loyd at mariin akong tinitigan. Ngumiti na naman siya.

Tumigil ka na please. Marupok ako. Kakagaling ko pa lang sa break up tapos ginugulo mo na naman puso ko.

"So, single ka na pala. May chance na ba ako sa'yo? Can I be the man to make you happy now?" he smiled genuinely.

Hindi ako maka galaw, parang ang pagtibok na lang ng puso ko ang naririnig ko ngayon. Ano bang nangyayari sa akin?

Inihipan ni Loyd ang mukha ko kaya nagising na naman ako sa pagka lutang.

"Manager Fritz." tawag niya.

"No. Malandi ka." natawa naman siya sa sinabi ko.

"Grabe ka naman sa akin! Sa gwapo kong 'to tinatanggihan mo." ngisi niya.

Eh? Ang hangin.

"Tss. Yabang."

"I promise, hindi kita hahayaang maging lutang araw-araw Manager." inirapan ko siya.

Tama naman siya. Dumadalas na ang paglipad ng isip ko.

"Tse."

"Saka... Hindi kita ipagpapalit sa mas bata." nanlaki ang mga mata ko. Paano naman niya nalaman iyon? Hinampas ko siya sa balikat.

"Gago!" I exclaimed.

"Don't gago me Manager, nanghahalik ako kapag sinabihan ng ganyan o kaya naman mas malala pa." diretso niyang sabi.

"Ewan ko sayo! Gago ka talaga!" napa atras ako ng lumapit si Loyd.

"Gusto mo talaga mahalikan huh?" he grinned at me.

Napasandal na ako sa sulok ng elevator. Habang nararamdaman ko ang paglapit ng kaniyang mukha. I felt his breathing. Help me!

Konti na lang ay mahahalikan na ako ni Loyd. Napapikit na ako at hinawi ang mukha ko. Naramdaman kong magbubukas ang elevator pero agad niya akong nahalikan sa pisngi. Lumayo naman agad siya sa akin nang tuluyan na itong magbukas.

God! Hindi ako makahinga.

---

Lalong napadalas ang pagdalaw ni Loyd sa Hotel. Kung hindi si Sir Chase ang pinuputakte niya sa office. Ako naman ang ginugulo niya. Hanggang sa nililigawan na niya ako. Sinabihan ko na siya na wala siyang chance pero nagpatuloy pa rin siya. Sabi niya ayun naman daw ang point ng panliligaw.

Kaya siya manliligaw ay para maipakita sa akin na pursigido talaga siya. Pero puro kalokohan at panggugulo lang naman ang binibigay niya sa akin.

"Manager..."

"Pwede ba 'wag mo muna ako guluhin." ang dami kong ginagawa tapos siya sitting pretty lang sa sofa.

Iba talaga kapag anak ng mayaman.

"Date tayo, after mo dyan."

"Mag isa ka."

"Sige na, Manager. Sagot ko naman, wala kang gagastusin." inirapan ko siya.

"Magtrabaho ka rin kaya, hindi yung sa pera ka ng magulang mo umaasa." tumutok ulit ako sa laptop.

"Ang judgemental mo Manager, pera ko kaya ang ginagastos ko. Hindi na ako umaasa kila mommy pagkatapos kong grumaduate."

"Saan ka kumukuha ng pera aber?"

"Manager..." tumayo siya sa sofa at lumapit sa akin. "Kumikita pa rin ako kahit nakaupo lang ako sa sofa mo. Trust me, kaya kitang buhayin." ngisi niya.

"Tse."

---

Nagpatuloy ang panliligaw ni Loyd sa akin. Napapadalas din ang paglabas namin at paggala kung saan-saan. Nakita ko na ang iba't ibang sides niya. Habang tumatagal ay natatanggap ko ito.

"Hmm... Loyd." nasa isang kainan kami ngayon dahil niya niya akong mag lunch.

"Yes, Manager?" napatigil siya sa pagkain.

"Diba sabi ko sayo noon wala kang chan--"

"Its okay, gagalingan ko pa sa panliligaw." he smiled.

"No, I mean..." napatingin ako sa paligid. Hindi ko alam kung tama ba na rito ko sabihin.

"What?"

"Its a yes." I said. "Don't court me any--"

"YES!" napatayo siya sa upuan at sumigaw. "GIRLFRIEND KO NA SIYA!" pagmamayabang niya sa mga tao sa paligid.

Napatakip na lang ako ng mukha. Nakakahiya talaga 'tong lalaki na' to.

---

"Nette..."

"Yes? May problema ka ba?" she asked.

"Ahm..."

"Spill the tea, please. Ayoko ng ganiyan." ngumisi siya.

Natawa naman ako. Mas maiksi pa pala pasensya niya kaysa sa akin.

"Nakalipas na ang ilang buwan nang mag break kami nung ex ko... tapos sinagot ko na si Loyd."

"Okay. So, ano naman?" akala ko ay magugulat siya.

"I'm just afraid na maulit ulit yung dati. Lalo na't babaero rin ang tingin ng iba kay Loyd."

"Fritz, huwag mo intindihin yung sasabihin ng iba. Give your heart a second chance to be inlove again, and also give Loyd a chance na patunayan niyang hindi siya gano'n."

Sapul. Hindi ko kailangan matakot.

"T-thanks, Nette." she smiled.

"Manager!" humahangos na lumapit sa akin si Loyd. "Bakit nandito ka?"

"Wala, may binilin lang ako kay Antoinette." I smiled. Antoinette just shrugged.

"Let's go?" Loyd asked.

"Where?" sakto naman at tapos na ang trabaho ko.

"Date?" he grinned.

Inirapan ko lang siya. "Let's go."

Nagpaalam na kami kay Antoinette at dumiretso sa labas.

Napapitlag si Loyd ng hawakan ko ang kamay niya. "Ang sweet naman ni Manager." tumatawa lang siya sa tabi ko.

"Ayaw mo?"

"Gusto." naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko.

"Can I say gago to you?" nag pout siya sa sinabi ko.

"Why? You want kiss?"

"Yes." bago pa manlaki ang mata niya ay agad ko na siyang hinalikan.

Kilig AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon