Kiss and Run by PrincessThirteen00

42 3 0
                                    

Kiss and Run by PrincessThirteen00, winner of Remembering November Love contest

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kiss and Run by PrincessThirteen00, winner of Remembering November Love contest.

***

"ONE MONTH?" taas-kilay na tanong ni Sasha, ang matalik kong kaibigan. "You've only dated that guy for a month at hiwalay na kayo?"

Napabuntonghinga ako sa sinabi niya. Alam kong gigisahin niya ko sa oras na malaman niya ang totoo.

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung hiwalay na nga ba kami. Basta ang alam ko lang, biglang nanlamig, biglang may nagbago."

"And how long did you actually know the guy?"

I counted the weeks with my fingers. Mula noong nagkakilala kami last sem, hanggang sa maging ka-chat ko siya at manligaw, hanggang sa sinagot ko siya.

"Almost eight months. . . I think?"

She scoffed at me before crossing her arms in disappointment. "Hindi ka sigurado kung gaano mo na siya katagal na kilala?"

"Kilala ko naman siya. We've volunteered several times sa university at lumalabas naman kami kasam ang mga kaibigan namin."

"Lumalabas? Pero ayaw magpa-tag sa social media at ayaw ring magpakilala sa pamilya mo? Akala ko ba 'you will date to marry' na?"

"Gan'on pa rin naman, e."

"Really? Ano ba talagang nangyari?"

I sighed. Nalulungkot pa rin ako kapag naaalala ko kung paano ako nahulog at nagpakatanga sa kaniya. It was a mistake.

***

His name was Jasper and he was taking up Mechanical Engineering, while I was doing Finance. Isang taon ang tanda ko sa kaniya pero we're from the same university at volunteers kami every enrollment period.

Doon ko siya nakilala. He was sweet and a complete gentleman. Not to mention, mas matangkad din sa akin na talagang bet ko. I was tall for my age kaya naging choosy ako.

My ex was also a tall guy pero out relationship didn't work because he left the country. Hindi niya kayang mag-commit sa long distance relationship. At aminado akong sinubukan namin pero hindi ko rin kinaya. Gusto ko kasing kasama siya.

Fast forward, naghiwalay kami. That was over two years ago.

And this year nga, nakilala ko si Jasper and we instantly clicked kahit na magkaiba kami ng kurso. I really liked him. Isa pa, nalaman kong ang ex-girlfriend niya pala ay nasa ibang bansa rin. Nagkahiwalay sila dahil nagkalabuan din.

I became closer to him. We would chat every single day—pagkagising, bago ang klase, pagkatapos ng klase, at pag-uwi. Mas naging malapit kami dahil nagkakasabay rin kami sa lunchbreaks at minsan ay hinahatid niya ako sa sakayan ko kahit na napalalayo siya pauwi.

Kilig AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon