Reignited ni HannahRedspring

31 2 1
                                    

Reignited ni HannahRedspring, winner ng Golden Ticket of Love ng WattpadRomancePH.

Reignited ni HannahRedspring, winner ng Golden Ticket of Love ng WattpadRomancePH

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinangarap kong makapag patayo ng negosyo mula sa sarili kong sikap. Nagsimula ako sa wala, pero unti-unti ko rin naman nakamit ang tagumpay, lalo na noong dumating sa buhay ko si Julie. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil siya ang naging liwanag ko sa mga panahong nawawalan ako kumpiyansa sa sarili ko.

She's my number one supporter, my business partner, my best friend, until I am allowed to call her my lover. Everything went smoothly between us until the day I planned to propose a future with her.

Singsing na lang ang kulang; pero dahil sa isang aksidente, ang kandila na nagbibigay liwanag sa mundo ko ay bigla na lang nawalan ng apoy sa isang iglap.

Ang alaala ko na kasama siya ay makikita sa bawat sulok ng inaalagaan kong kumpanya kung saan dito namin inaalagaan ang mga taong katulad namin na minsan nang nangarap na tingalain balang araw. Ang dating talent agency na may isang palapag lang na pwesto sa isang gusali; ngayon, daladala na ng mismong building na ito ang pangalan ng talent agency na binuo namin ni Julie.

Bago ako bumaba sa kotse, lagi kong naririnig ang boses ni Julie na nagsasabing, "Huwag kang susuko Henry, lagi lang akong nasa tabi mo na sumusuporta sa iyo. Kaya dapat din natin iparamdam sa mga taong nakapaligid sa atin na mahalaga sila at ang kontribusyon nila sa kumpanya natin. Sabay-sabay nating iangat ang mga sarili natin para sa pangarap natin."

To be honest, she's a better leader than me. Mahal na mahal siya ng mga talents namin hanggang sa mga empleyado na sumusuporta sa kumpanya namin. Sa mata ni Julie, walang boss at walang empleyado. Para sa kanya pantay-pantay ang lahat ng tao kahit pa magkakaiba kami ng antas sa buhay. Napaka-hands on niya sa tao. She's the heart of this company however when she died, everything had changed.

Nagbago ang ilang pamamalakad sa kani kanilang departamento na dahilan kung bakit may ilang taong umalis, may ilan din namang dumating na bago at may ilan ding nanatili kahit pa nagkaroon ng unos sa kumpanya.

Sinusubukan ko pa rin gayahin ang pamamalakad ni Julie, ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko mapapakiusapan ang mga tao na unawain at intindihin ako dahil may panahon na kailangan kong maghigpit para mapanatiling matatag ang kumpanya na inaalagaan namin ni Julie mula pa noon.

I sighed as I opened the car and let myself inside the company building. Maraming bumati sa akin, "Good Morning Mr. Campbell," at ilang "Good Morning Sir Henry."

Binati ko lang din sila pabalik kahit pa hindi ko alam kung paano nila ako nakikita dahil agad din silang tumungo o umiwas ng tingin. Kaya minsan hindi ko na lang sila tinitingnan sa mata.

Nagpatuloy lang ang araw ko tulad ng nakasanayan, inayos na rin naman ng secretary ko ang lahat para sa akin. I worked my ass all through-out the day until I forgot that it's beyond office hours. Sumandal ako sa upuan ko at inayos ang salamin ko. Ang sakit ng ulo ko pero ayokong natatambakan ng trabaho na pwede kong ayusin sa araw na ito.

Kilig AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon