Saying Goodbye While Waving Hello ni yourdecem

52 2 0
                                    

Saving Goodbye While Waving Hello ni yourdecem, winner ng Begin With the End contest.

"Aba, Gretel! Ano namang pumasok sa utak mo at hindi ka rito sa bahay magce-celebrate ng new year?!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Aba, Gretel! Ano namang pumasok sa utak mo at hindi ka rito sa bahay magce-celebrate ng new year?!"

Pumikit ako ng mariin dahil alam kong mahabang lintaya ng sermon na naman ang maririnig ko mula kay Mama. Though, I understand. Hindi kasi ako nakapagpaalam ng maaga. Nalaman nalang nilang aalis pala ako nang makita nilang inaayos ko ang mga gamit ko ngayon sa maleta.

"Ma, regalo lang sa 'kin 'yong ticket," I lied. "Sayang naman kung hindi ako tutuloy. At saka, ilang araw lang naman. Babalik naman ako agad sa 3."

Hindi regalo sa 'kin 'yong ticket, ako mismo ang bumili nun. It's just that wala akong choice sa date. Sa new year lang kasi talaga may event do'n sa islang pupuntahan ko. Ano pang aabutan ko ro'n kung after new year pa ako pupunta, 'di ba?

"Basta! Hindi ako payag na umalis ka!"

"Ma, hindi naman ako nagpapaalam. Ini-inform kita."

Pabiro niya akong hinampas pero medyo napalakas 'yon ng hindi niya sinasadya. Volleyball player kasi 'to noong araw! "Wala ka ng respeto sa amin ng papa mo?"

"'To namang si Mama, 'di mabiro." I chuckled. "Syempre, hindi mawawala ang respeto ko sa inyo ni Papa, 'no. Nakalimutan ko lang talagang magpaalam ng maaga. Sorry na."

Umupo siya sa tabi ko at saka bumuntong hininga. "Aalis ka ba talaga dahil sayang 'yong ticket o dahil gusto mo lang makalimot sa sakit?"

"Ma naman... Sayang 'yong ticket!" I rested my head on my mother's shoulder. "Pero syempre, gusto rin namang makalimot sa sakit. Perfect timing, isn't it?"

Tangina, halos tatlong taon... Syempre, hindi ganoon kadaling kalimutan 'yon. Akala ko nga kami na hanggang sa dulo, e. Nakalimutan kong marami palang plot twist ang buhay. 'Expect the unexpected,' sabi nga nila.

Hindi ko lang matanggap na iniwan niya ako dahil lang ayaw ko pang magpakasal sa kanya. Oo, nasa plano ko ang pagbuo ng sariling pamilya, pero hindi pa ngayon. Bata pa ako, marami pa akong gustong gawin sa buhay. Ayaw kong matali ng maaga. I want to enjoy my life as a civilly single woman first, and I'm not sorry for it.

Hindi ba siya makapaghintay sa 'kin? Kung mahal niya talaga ako, he will respect my decision. But instead, he left me. It caused significant damage to my heart. Almost three years... Nagawa niyang itapon nalang basta 'yon? Halos tatlong taon kaming nagkasama, pero nakahanap na agad siya ng iba? Para akong sinasaksak sa puso nang paulit-paulit sa tuwing naiisip ko 'yon.

Ayaw ko sanang tumuloy ro'n sa isla dahil hindi ko makakasama sina Mama at Papa sa new year, but I decided it would be best to do otherwise. I want to heal.

And as soon as I stepped on the island, ang pinsan kong si Thyra agad ang sumalubong sa 'kin.

"Cuzzie!" Tumakbo ito papunta sa 'kin at saglit akong niyakap. "What brought you here? Wala kang work?"

Kilig AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon