Una sa Marami Pang Iba ni mike_brosas

23 1 0
                                    

Una sa Marami Pang Iba ni mike_brosas, winner of Begin With the End contest.

Ilang oras na lang, bagong taon na at buhay na buhay na ang mga bar at mga restaurant ng Siargao

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Ilang oras na lang, bagong taon na at buhay na buhay na ang mga bar at mga restaurant ng Siargao. Sa isa sa mga nasabing kainan, sa dulo kung saan ilan lang ang makakapansin, ay 'di mapakali ang pagkakaupo ng isang lalaki. Hawak-hawak niya ang kanyang cellphone at sa tuwing may bagong papasok sa resto ay napapatuwid siya ng upo't napapatingin sa entrada.

Sa loob ng 'di matukoy na oras ay gan'to ang kanyang ginagawa. Tumitipa sa cellphone. Titingin sa pintuan kapag may pumasok. At babalik muli ang mga mata sa screen. Pero sa bawat pagbalik ng kanyang mga tingin ay mas dumudukdok ang kanyang pagkakaupo. Tila ba'y may hinihintay pero paulit-ulit na nabibigo. Naghintay pa siya ng ilang minuto. Ngayon ay kitang kita na ang pagtiim ng kanyang bagang. At matapos ang mahabang paghihintay ay tumayo na siya't nagbalak nang maglakad papalayo. Pero bago pa siya makaapak ng isang hakbang ay may isang lalaking pumigil sa kanya.

"Enzo?" Tanong ng lalaki.

Tumango si Enzo at agad na natigil ang kanyang planong pag-alis.

"Felix," pagpapakilala ng lalaki. "Sorry, na-late ako. 'Di ko kasi mahanap yung susi nung apartment ko."

"Okay lang."

"Were you waiting long?"

"Ah no. Hindi," pagsisinungaling ni Enzo. "Kararating ko lang din."

Nagpakawala ng hininga ang lalaki, kitang kita ang pagrelaks ng kanyang mga balikat. "Oh good, good. Akala ko kasi kanina ka pa."

"Let's sit?"

Umupo sila nang sabay sa mesang pinaghintayan ni Enzo. Tumawag ng waiter at nag-order. At sa kanilang paghihintay ng kanilang pagkain ay halatang halata ang kanilang pagkailang sa isa't-isa. Dalawang estrangherong nasa iisang parisukat na mesa. Para makaiwas sa tingin ng kaharap ay inilibot ni Enzo ang kanyang mata. Karamihan sa mga tao sa loob ng kainan ay ka-edaran nila, magkakasamang mag-aabang sa parating na bagong taon.

"What brings you pala to this beautiful island of Siargao?" Ani ni Felix, binabawi ang atensyon ng kaharap.

"Bakasyon," matipid namang sagot ni Enzo, kahit na malinaw sa kanyang tonong hindi iyon ang buong kwento. "Ikaw? Why are you spending New Year's eve here?"

"Dito na ako nakatira, actually. For quiet some time."

"Oh, you're one of those gentrifiers," biro ni Enzo.

Naningkit ang mga mata ni Felix. Subalit, imbes na mainis sa pagbibintang ng kaharap ay may pagkaaliw sa kislap ng kanyang tingin. "Interesting. First meeting and you're accusing me of gentrifying the place. First impressions last pa naman."

"Biro lang," nakangiting paglilinaw ni Enzo.

Saktong-sakto ay dumating naman ang kanilang pagkain. Tinanggap nila ang tag-isa nilang hapunan at sabay na nagpasalamat sa waiter na naghatid nito. Habang kumakain ay wala sa kanilang umiimik, dama ang kawalan ng mapag-uusapan sa pagitan nilang dalawa. Mabuti na lang at kahit papano'y nagtatanong-tanong si Felix. Mayroon ding ilang komento tungkol sa pagkain, sa inumin, at sa lugar. Masarap 'tong salad nila. Sobrang tamis naman ng juice. Cozy ang place, ano? Doon lang ang takbo ng kanilang usapan, hanggang sa napunta na sa kung ano nga ba ang pakay nilang dalawa sa isa't-isa.

Kilig AnthologyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora