Marahuyo Sa 'yo ni zaxhira

21 2 3
                                    

Marahuyo Sa 'Yo ni zaxhira, winner ng Marahuyo Sa 'Yo writing contest ng WattpadRomancePH

Marahuyo Sa 'Yo ni zaxhira, winner ng Marahuyo Sa 'Yo writing contest ng WattpadRomancePH

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Taong 1874...

SA isang modernong bahay na gawa sa bato, lulan nito' y isang masayang pamilya.

"Rosandra, anak! Ikaw nga' y pumarito!" tawag ng ginang sa kanyang anak mula sa labas ng bahay.

"Saglit lang po 'nay! Nandiyan na po!" Balik sagot ng babaeng abala sa pag-ayos sa harap ng salamin.

"Bakit po inay— Don Andro?" gulat na tanong ni Rosandra ng makita si Don Andro sa silong na kausap ang kanyang ina.

Nang marinig ni Don Andro ang kanyang pangalang binanggit ay dahan-dahan niyang nilingon ang pinagmulan nito.

Nang tuluyang magtagpo ang kanilang mga mata, isang magandang ngiti ang umukit sa kanyang mga labi. "Binibining Rosandra, magandang umaga." kanyang pagbati.

Pagkababa ni Rosandra sa hagdan ay nagtatanong na matang kanyang tiningnan ang ina.

"Don Andro, kung iyong nanaisin maari ko ho bang malaman ang inyong kailangan?" malamyos na boses na tanong ni Rosandra.

"Kanina lamang ay nagpaalam ako sa iyong ina na kung ikaw ay maayang mamasyal, at kanya namang pinayagan. Ngayon nama' y pagbigyan mo akong ulitin ang tanong." huminga ng malalim si Don Andro, pinipigilan ang kaba na nararamdaman. Pagkatapos ay tumitig sa kanyang mga mata. "Maaari ba kitang ipasyal?"

Gulat ang rumehistro sa maamong mukha ni Rosandra na nagsisimula ng mamula. Ngumiti ng alanganin si Rosandra at lumingon sa inang kanina pa nanonood. "Pero may mga kailangan pa muna akong tapusin,"

Ngumiti ang ginang sa anak, naiintindihan ang ipinapahiwatig, "Ayos lang, anak. Kailangan mo ring lumabas paminsan-minsan."

"Pero—"

"'Yang ganda mo Rosandra ay hindi dapat itinatago, sya' t pumaroon na kayo," ani nito na may nanunudyong ngiti, pagkatapos ay tiningnan si Don Andro. "Ginoo, kung maaari ay mag-ingat kayo at bumalik kaagad bago lumubog ang araw," nangungusap nitong bilin, na tinanguan at nginitian ni Don Andro.

"Kayo po' y makakaasa Ginang Reina,"

Tiningnan ni Rosandra ang mga mata ni Don Andro at kalauna' y napangiti rin.

"NAPAPADALAS ang inyong paglabas ni Ginoong Andro, anak ah? Ikaw ba' y sigurado na?"

"Inay?" nagtatakhang tanong ni Rosandra sa ina, habang tinutulungan itong magtanim sa kanilang likod bakuran.

"Nararamdaman ko kung saan patungo ang inyong pagsasama, ina mo ako Rosa. Hindi sa tutol ako kung sakali' y kayo' y magkatuluyan, sa totoo' y nasa tama na kayong edad. Pero sadyang ako lamang ay nag-aalala para sa iyo at, sa kung anong maaaring mangyari." litanya nito habang nakatingin kay Rosandra na napahinto sa ginagawa, "Simula nang mawala ang iyong itay, pinangako ko na gagabayan kita' t tutulungan sa iyong mga nais bilang iyong nanay at tatay. Sana' y ako' y iyong maintindihan. Hangad ko lamang ang ikakasaya at proteksyon mo, Rosandra anak."

Kilig AnthologyWhere stories live. Discover now