A Tossed Coin and a Falling Heart by Watashiwarei

194 16 4
                                    


A Tossed Coin and a Falling Heart

Usok. Busina. Tirik na araw. Mabagal na pag-usad ng sasakyan at natitirang minuto bago magsimula ang klase.

"Manong, para!"

Bumaba ako sa kabila ng init at kumaripas ng takbo patungo sa unibersidad na pinapasukan ko. Lugi na naman ako sa pamasahe. Nag-bus ka nga kasi malayo, 'e, maasar ka naman sa bagal dahil sa trapik.

Agad kong tinungo ang unang silid sa ikalawang palapag ng psychology department. Aksidente kong nabuksan ng malakas ang pinto kaya walang mata ang hindi nakatingin sa akin ngayon.

Napahawak ako sa pawisan kong noo at payukong pumasok papunta sa likod. Minsan, maiisip mo na lang kung anong silbi ng pagligo sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko napansin na occupied na lahat ng upuan. Nakanang, standing na nga ako sa bus, pati ba naman dito?

"Noreen, dito ka na." Sambit ng isang lalaki na nasa huling row. Luigi Vincenzio.

Umiling ako. "Nako, 'wag na."

"Sige na. Nakatayo na 'ko."

"'Wag na."

"Fine. Kakalungin na lang kita."

"'Eto na nga, paupo na."

Mabilis kong nilagay ang bag ko sa upuan at naupo na. Narinig ko s'yang tumawa ng bahagya saka sumandal sa pader malapit sa akin.

Sarap hampasin ng DSM-V ang loko.

Dahil mahaba ang pila sa cr, ilang minuto na lang ang natitira para makabili ako ng kakainin. Nang makarating ako sa canteen, sa awa ng Diyos, may isa pang footlong na natitira.

Mabilis akong lumakad nang hindi inaalis ang tingin sa footlong at bago ko pa man ito mahawakan, isang kamay ang dumampot dito. Hawak naming dalawa ang magkabilang parte ng footlong.

"Akin 'to."

"Nauna ako." Sagot ko.

"I saw it first."

"Excuse me, nasa pinto pa lang ako, nakita ko na 'to." Pagmamatigas ko.

"I already saw it on the window."

Wow, Luigi.

"I don't care. Nauna akong pumasok."

Huminga s'ya ng malalim. "Sige. Then let the coin decide."

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

Naglabas s'ya ng piso. "Tao? Ibon?"

Gusto ko lang naman kumain, o! I let out a frustrated groan. "Tao."

Pinitik n'ya ang barya sa ere at nang malaglag ito sa lupa, inapakan n'ya ito at dahan-dahang ipinakita ang resulta.

Ibon.

"Mine." Sabay agaw ng footlong at diretsong binayaran sa counter.

Huminga ako ng malalim. Kalmahan mo, self. Footlong lang 'yan. Pero pagbalik ko sa classroom, may gatas at saging na ako sa bag.

Mula nang araw na iyon, nasundan pa ang mga pa-toss coin n'ya sa akin. Mula sa mga simpleng bagay katulad ng: kaninong cellphone ang gagamitin sa project, sinong magdadala ng projector sa classroom, sino ang magbubura sa board at kung ano-ano pa.

Ewan ko ba kung bakit ako laging sumasakay sa mga pakana n'yang gawin. Naiinis ako pero nasasanay na rin. Sa totoo lang, pwede ko namang ipaubaya nalang kung ano man ang desisyon n'ya. Pero patagal ng patagal, hindi na natural ang pagtatalo namin kung wala ang pagdedesisyon ng barya.

Kilig AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon