Year-End Romance by TheChaserMe

40 3 0
                                    

Year-End Romance by TheChaserMe, winner of Begin With the End contest.

Year-End Romance by TheChaserMe, winner of Begin With the End contest

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

It was scorching hot when I arrived at my destination. Local and foreign tourists flocked around, wearing their amused smiles and holding their cameras to capture the magnificent view of the island.

Tama nga ang sinabi ng kaibigan kong si Reese na maganda nga ang Isla Puso. Bukod doon ay maganda rin daw ang fireworks display na gagawin dito sa New Year's eve.

Noong unang beses na binanggit sa akin ni Reese ang pangalan ng islang ito ay natawa pa ako, pero nang ipakita niya sa akin ang picture ay saka ko lang naintindihan kung bakit Isla Puso ang pangalan nito—dahil literal na hugis puso ito! I was amazed that time that I booked a flight immediately.

It wasn't my plan to celebrate the New Year here, pero pinilit talaga ako ng kaibigan kong pumunta rito para hanapin ang sarili ko at makalimot sa sakit na dulot ng pag-iwan sa akin ng boyfriend kong si Gilbert.

Yes—my ex-boyfriend left me because he wasn't happy with me anymore. Kung alam ko lang na iiwan niya ako, hindi ko sana sinayang ang tatlong taon ko na kasama siya. It was so hard for me to accept the fact that he left me just like that.

Kaya naman, wala akong ibang ginawa rito sa isla kundi mag-walwal. Sa dami kong nainom kagabi sa isang seaside bistro bar, hindi ko na maalala kung anong mga pinaggagawa ko kagabi. Nagising na lang ako sa loob ng hotel room ko, suot pa rin ang pulang bralette, itim na skirt at knee-high boots ko.

"Shit." I lightly slapped my forehead when I felt my head spinning. "Hangover sucks."

At dahil malakas pa rin ang tama ng alak sa katawan ko ay patakbo akong pumasok sa banyo para sumuka. I wasn't finished vomiting when I heard a doorbell.

Kahit nahihirapang maglakad nang maayos ay pumunta pa rin ako sa pinto at binuksan ito. Kahit medyo nahihilo ay nagawa ko pa ring pagmasdan ang mukha ng matangkad na lalakeng kaharap ko.

Una kong napansin ang mga pasa niya sa cheekbone at gilid ng kilay, sunod ang masungit niyang mga mata, matangos na ilong at may katamtamang kapal ng labi. He has a well-toned body na bakat sa suot niyang white button-down polo na bukas ang tatlong botones.

I smiled awkwardly at him. "H-Hi! I was about to...pwe, ano ba 'to..." Inalis ko ang isang hibla ng buhok na nakapasok pa sa bibig ko. "I-I was about to call for a room service pero mabuti na lang at nandito ka na. By the way, I'd like to order—Ouch!"

Napatili ako nang hinawi niya ako pagilid at dire-diretsong pumasok sa loob ng kwarto ko.

"H-Hey! What are you doing?!" As much as I wanted to stop him from intruding my room, I sat on my mini-couch instead when I felt my head spinning again.

"Where the hell did you put my wallet?"

"H-Huh?" Tumingala ako at doon ko napagtanto na nakatayo na siya sa harap ko. "Who are you ba?" I asked with my brows furrowed. Sigurado ako na hindi siya hotel staff!

Kilig AnthologyWhere stories live. Discover now