3 | Second Chances

49 6 0
                                    

"Hello, Ma'am! May I take your order?" medyo malakas ang boses ng babae sa cashier kaya nabalik sa realidad si Fritz

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hello, Ma'am! May I take your order?" medyo malakas ang boses ng babae sa cashier kaya nabalik sa realidad si Fritz. Agad niyang sinabi ang order at dumiretso na sa bar.

Natutulala na naman siya nang napalingon siya sa lalaking kakapasok lang sa coffee shop. Namilog ang mga mata niya at agad na tumalikod. Bahagya niya pang ihinarang ang ilang hibla ng buhok niya sa pagnanais na hindi siya mapansin ng lalaking iyon.

Pakibilisan iyong order ko, please!

"Two venti caramel macchiato and one grande hot white chocolate mocha beverage for Fr—"

"Hep! Kuya! That's mine! Huwag mo na ipagsigawan ang pangalan ko, please?" sabi ni Fritz na palihim na sumusulyap kay Warren, ang kaniyang ex-boyfriend.

"Mukhang may tinataguan po kayo ah? Here you go, Ma'am! Have a good day!"

Pilit na nginitian ni Fritz ang lalaki saka siya nagpasalamat. Huminga siya ng malalim at saka pinilit na maglakad ng normal pero nakatagilid ang kaniyang ulo at nakatabing ang buhok sa kaniyang mukha. Sa ginawa niya ay lalo niyang nakuha ang atensyon ni Warren na nagtataka sa ikinikilos ng babaeng papadaan sa harap niya habang siya ay nasa pila. Biglang bumaba ang tingin niya sa ID nito kung saan kitang kita ang mukha ni Fritz maging ang pangalan nito.

Palihim siyang natawa. Tumalikod na lang siya at nagkunwaring nagtitingin sa menu para hindi na mahirapan pa si Fritz na itago ang kaniyang sarili.

Narating ni Fritz ang office building ng hotel na pinagtatrabahuan. Nasa likod lang ito ng mismong hotel. Napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil halos tumalon na palabas ang puso niyang nagwawala nang muling makita si Warren.

Tatlong buwan na silang hiwalay nito ngunit tuliro pa rin siya. Warren broke up with her without knowing if she did something na hindi nito nagustuhan. Para sa kaniya, wala pa rin silang proper closure.

Agad siyang pumasok sa building dahil maya maya lang ay kasunod niya na ito. Ang company kasi ni Warren ay nagrerent ng office space sa building din na iyon.

Hindi naman inaasahang made-delay pa ang kaniyang pagakyat sa floor nang makasalubong niya sa lobby ang kaniyang senior manager.

"Fritz! Naku mabuti at nakasalubong kita. Dadalhin ko sana ito sa kabila para papirmahan kay boss pero nandito raw siya sa building. Pwede mo ba itong i-inbox sa kaniya? May sasalubungin lang akong client sa kabila."

"Ah, yes Ma'am! Sure po!"

Tinanggap niya ang tatlong folder habang hawak niya sa kabilang kamay ang mga kapeng tinake-out niya.

At dahil hirap siyang pindutin ang button, nakisabay na lang siya sa bulto ng mga taong naghihintay din sa ground floor. Agad siyang sumiksik sa pinakalikod nang dumating na ito.

Ang floor ni Fritz ay nasa 20th floor pa. Madadaan niya ang floor ng boss nilang si Chase, ang CEO ng hotel, sa 15th floor ngunit napagdesisyunan niyang babalik na lang siya dahil nakakahiya namang dumaan doon na may dala pa siyang mga takeout.

Siya na lang ang natitira sa elevator pagdating sa 11th floor. Napakunot ang noo niya nang tumigil ito sa 15th. Mukhang makakasabay pa yata niya ang boss nila. Ngunit nang bumukas ang elevator, bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang gwapong ngiti ni Loyd, ang best friend ng kanilang CEO na madalas bumisita sa office at manggulo, particularly sa floor nila dahil siya ang sinasadya nito roon.

"There you are—"

Agad na pinindot ni Fritz ang close button dahil ayaw niya itong makasabay. Hindi niya maitatanggi na may epekto ito sa kaniya lalo na sa tuwing ngumingiti ito. Dagdag pa ang sadyang pagpapapansin nito sa kaniya noon pa man kahit na may boyfriend siya. Kilala rin kasi itong babaero.

"—oops! Gotcha!" naiharang nito ang kamay kaya muling bumukas ang elevator at tuluyang nakapasok si Loyd.

"What was that about? Ayaw mo akong pasakayin? Eh kung isumbong kaya kita kay Chase?" pangaasar nito sabay kindat. Napaiwas ng tingin si Fritz at itinuon na lang ang atensyon sa maliit na LED screen na nagiindicate ng floor number. Nag-init ang pisngi niya at gusto niyang itago ang mukha sa likod ng mahaba niyang buhok ngunit hindi niya iyon magawa dahil sa dami ng hawak niya. Idagdag pa na ayaw siyang lubayan ng tingin ni Loyd at sa nilaki laki ng elevator, talagang nakatayo ito sa harapan niya at walang pakundangan kung makatitig. Kita niya rin sa gilid ng mata niya na nakangisi ito.

Napakapit ng mahigpit si Fritz sa folder na hawak nang pindutin ni Loyd ang emergency button ng elevator. Naramdaman niya ang biglang paghinto at lalong uminit ang pisngi niya nang bahagyang yumuko si Loyd para silipin ang mukha niya. Halos mabingi na si Fritz sa bilis ng tibok ng puso niya dahil sa magandang ngiting ipinapakita nito.

"So, single ka na pala. May chance na ba ako sa iyo? Can I be the man to make you happy now?" tanong nito na halos ikalaglag ng panga niya. Alam niya ang tono nito kapag nakikipagbiruan at lumalandi lang. He was never this serious.

"W-what do you mean?" kinakabahang tanong niya. She heard him chuckled kaya sinubukan niyang salubungin ang tingin na nakakalunod kaya agad din siyang nagbaba ng tingin sa kaniyang sapatos.

Hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa. Marahan nitong hinawakan ang kaniyang baba para patinginin sa kaniya. Halos dalawang dangkal nalang ang layo ng mukha nila at naaamoy niya ang mint sa hininga nito na tila nagpapalasing sa kaniya.

"I'm serious when I said I like you, and I will say it again, Fritz. I really like you. And I want to be the man that will make you happy, if you just let me."

"F-fine. Do whatever you want." Nauutal na sagot niya.

Marahang hinaplos ni Loyd ang kaniyang buhok at nagnakaw ng mabilis na halik sa kaniyang noo saka kinuha ang mga bitbit niya. "Then, I will start showing you how I take care of the girl I like."

***

Kilig AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon