Pakilala ni JomGamerland

22 1 0
                                    

Pakilala ni JomGamerland, winner ng Christmas Shots writing contest ng WattpadRomancePH

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pakilala ni JomGamerland, winner ng Christmas Shots writing contest ng WattpadRomancePH

"Paul, kapag wala talagang pumunta rito, bibigwasan kita!" bulyaw ko sa kanya sa telepono.

Nakapila ako sa Amusement Park. Maayos ang aking pustura at maganda ang suklay ng aking buhok.

"Darating iyon, Jakob," bulong ng matalik kong kaibigan sa kabilang linya. "Sabi ko sa kanya, magdala ng rosas at magpakilala na sa iyo bago ka sumakay sa Ferris Wheel."

Napatingin ako sa langit. Ang buwan ay perpekto para sa gabing katatagpuin ko ang sikreto kong tagahanga.

"Bakit kasi nawalan pa ng ilaw noong hinalikan niya ako?" reklamo ko.

"Oo nga, eh." Ramdam ko ang panghihinayang sa boses ni Paul.

Naalala ko ang kakaibang pangyayari sa Christmas Party kasama ang mga kaklase namin. Nakaupo kaming lahat nang pabilog habang iniikot ni Paul ang mistletoe sa aming mga ulo.

Nang sa akin na iyon tumapat ay agad na namatay ang ilaw.

Tanging naalala ko ay ang malalambot na labing dumampi sa bibig ko at ang mga mainit na halik na aking isinukli.

"Baka si Angelie?" desperado kong hula.

"Tingin ko hindi siya," malungkot na tugon ni Paul.

"Si Carla kaya?"

"Hindi rin."

"Aha! Si Denise! Matagal nang patay sa akin iyon, eh."

"Jakob, paano kung—"

"Wala na!" pagputol ko sa kanyang sinasabi. Natatawa ako sa kanya habang pinapakinggan ang kabado niyang boses. "Last chance na niya ito."

Hindi na ako nakarinig ng sagot mula sa kanya. Kusang naputol ang usapan namin. Ako na ang susunod na sasakay sa Ferris Wheel. Kumurbang pababa ang mga labi ko.

"Mukhang hindi na siya darating." Huminga ako nang malalim. Nakayuko akong sumakay.

"Jakob, sandali!" bulyaw nang hinihingal na si Paul sa harapan ko.

Nakangiti ako sa kanya. Sa kanyang kamay ay ang inaasahan kong mga rosas.

"Ang tagal mo!" sigaw ko.

Hinatak ko siyang bigla at pinaupo sa aking tabi. Matagal ko nang alam na mahal namin ang isa't isa, wala lang may gustong umamin.

"Paano mo—"

Hindi ko na siya pinatapos. Agad ko siyang hinalikan. Dinama ko ang mga labi niyang kasing lambot marshmallow habang umaangat ang aming sinasakyan.

Kilig AnthologyWhere stories live. Discover now