Aghoy: My Little Guardian by kulinnn_

33 2 2
                                    

Aghoy: My Little Guardina by kulinnn_, winner of Lagim sa Unang Pagsinta contest.

Aghoy: My Little Guardina by kulinnn_, winner of Lagim sa Unang Pagsinta contest

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

Tiningala ko ang kalangitan pagkababa ko ng sinakyang dyip. Ang kaninang naghahalong kulay kahel at bughaw ay unti-unting binalot ng kadiliman.

Nilingon ko ang kahabaan ng kalsadang araw-araw kong tinatahak papasok at pauwi ng trabaho. May mga poste naman ng ilaw sa magkabilang gilid ng kalsada pero magkakalayo naman ang bahay dito sa amin. Kaya kung sino man ang maglalakad dito nang mag-isa tuwing gabi ay siguradong makakaramdam ng takot.

Dahil nagtitipid pinili ko nalang ang maglakad kaysa sumakay ng tricycle kahit pa nagtitindigan ang mga balahibo ko. Idinadaan ko nalang sa panalangin ang takot na nararamdaman ko gabi-gabi.

Ngumiti ako at nagsimula nang maglakad. Kung noon ay namomroblema ako sa gagawing pag-uwi, ngayon ay hindi na. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, ang isang tila maliit at hindi ko maipaliwanag na liwanag na palaging nakasunod sa akin simula noong tumuntong ako ng bente singko anyos ay nagbibigay ng kapanatagan sa puso ko. Tila ba palagi akong ligtas dahil doon.

Tulad ng nakagawian, bago pa man ako makapasok sa gate ng aming bahay ay nilingon ko iyon. "Salamat," nakangiti kong sabi na tila ba maiintindihan ako niyon.

Pero hindi ko inaaasahan na iyon na pala ang huling gabi na makakasama ko siya. Habang pauwi ako nang sumunod na gabi ay napansin kong wala na ang liwanag na iyon. Hindi na takot ang lumukob sa akin habang naglalakad ako pauwi, kung 'di pagkabigo.

Pagkabigo na maski sarili ko ay hindi maipaliwanag kung bakit kailangan kong maramdaman iyon dahil lang sa isang maliit na liwanag.

Kinabukasan, nang makarating ako sa pinagta-trabuhan kong publishing company ay unang bumungad sa akin ang kumpulan malapit sa office table ko. Nagtataka akong lumapit doon. Sa gitna ng mga babae kong officemates ay naroon ang isang matangkad na lalaki, may dilaw na buhok at singkit na mga mata.

"Hoy, Althea, ang swerte mo naman at katabi mo si pogi," matinis ang boses na ani Vangie— ang aming HR.

Hindi ko siya pinansin. Pilit kong isiniksik ang sarili sa kumpulan. Nang makalapit ako sa lamesa ko ay saktong dumating ang Manager namin kaya mabilis na nagsialisan ang mga nakapalibot sa hula ko'y bagong empleyado namin.

"Hi."

Nilingon ko ang lalaking may dilaw na buhok. Nakatayo siya sa gilid ng lamesa ko. Lalo namang sumingkit ang mga mata niya dahil sa pagkakangiti.

"Hello," nakangiti kong bati. "Bago ka?"

"Oo," nakangiti pa ring aniya. "By the way, I'm Cein," pakilala niya.

Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. "Althea. Nice to meet you, Cein."

Dahil kay Cein ay hindi naging tahimik sa office. Nakahinga ako nang maluwag ng sumapit ang uwian. Sa wakas ay matatahimik din ang tenga ko.

Kilig AnthologyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora