PROLOGUE

98.3K 1.7K 345
                                    

PROLOGUE

Catherine Nayeli de Ayala's

I first saw him when he was fifteen. Grade seven ako noon, samantalang grade nine siya. Kaklase siya ng kuya Anselm ko. Since then, he became my crush. Crush na nauwi sa paglalim ng pagtingin ko.

I was a nobody. Kung hindi dahil sa mga kuya ko, I'm sure no one would pay attention to me. Kaibigan lang nila ako sa kagustuhang mapalapit sa mga kuya ko.

His name is Gio.

Gwapo. Matalino. He could charm girls in an instant, including me. Talented pa. What else? He has everything. Ako na lang ang kulang sa kanya. Kinagat ko ang labi ko. Today, I'm completing the only piece that he is lacking.

Magpapakasal kami. Sa hinaba - haba ng panahon na panliligaw ko sa kanya, sa simbahan din ang tuloy. I did the first move. Naniniwala akong kung gusto, may paraan at paghihirapan.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. My make-up was simple. My hair was weaved and coiled in an exquisite updo that highlighted the back of my bridal garment. Mayroong kumatok sa pinto ng kwarto. Nilingon ko ang pintuan.

It was Chelsea, my best friend. Ang lawak ng kanyang ngiti habang pinagmamasdan ang kabuuan ko.

"You're the most beautiful bride I've ever seen." She hugged me. "Masaya akong natupad mo ang pangarap mo."

She's right. He is my dream that would come true.

Giovanne Joachim Ponce. You're the dream. Finally, you'll be mine.

Ako ang nanligaw. Wala akong pakialam kung pinagtatawanan ako ng iba.

Makabago na ang mundo, it's not a big deal if a woman does the first move. Sa dami ng nagkakagusto sa kanya, kailangan kong gumawa ng paraan. I don't have the genes my brothers have.

Maraming tutol --- ayaw ng mga kapatid ko sa panliligaw na ginawa ko. It didn't stop me. I exerted efforts --- I gave him letters, I announced my love in public, lagi akong may dalang lunch for him, I'm his number one fan during their mini concerts pero hindi niya pa rin ako gusto.

Hindi ako ang type niya. I never heard his type. Flings lang ang alam kong mayroon sa kanya. Maraming mas higit sa akin. Hindi na ako maganda, hindi rin ako matalino. That was double kill. My lack of beauty and brain didn't discourage me to pursue him. Mas pangarap ko siya kaysa makatapos ng high school.

Dumating sa puntong naging desperada ako. My family is wealthy, so they are. Siya ang hiniling ko kay daddy. Si daddy ang kasangga ko sa lahat bukod sa mga kuya ko. Lahat ng luho ko ibinibigay niya kahit hindi ko naman kailangan. I never asked him for something.

Desperate times call for desperate measures. Investor si daddy sa business ng magulang niya at nakita kong magandang pagkakataon iyon para sa aming dalawa. Isang bagay lang ako nakakalamang sa kompetensya ko, mayaman ang pamilya namin. My family have all of that --- the connection and the money.

"No one survives in an arrange marriage, sweetheart. I don't want you to get hurt. Hindi na uso iyon sa panahon ngayon," he gently smiled. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. "Ibibigay ko lahat sa'yo, anak. 'Wag lang iyon."

Ngumiti ako. "Dad, think about it. It will be beneficial to both parties. Pwedeng mag-merge ang kompanya natin at ang kanila. Hindi mo na rin poproblemahin ang papalit sa'yo sa pwesto when you retired." Umiling-iling naman ito at hindi pa rin pinakikinggan ang ideya ko. It is going to be a powerful merge of our resources.

"Love isn't selfish, Catherine. Kung ayaw niya sa'yo, you have to respect that."

I don't believe he doesn't like me, I just think he hasn't realized yet that he does.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now