Ikalabing-isang Kabanata

22.8K 622 190
                                    

Kabanata 11

Date

Five missed calls.

Nagtaka akong galing kay Gio ang tawag na hindi ko nasagot kagabi. Wala namang ibang messages ang galing mula sa kanya, napindot lang siguro nito ang kanyang phone. Ang ilang missed calls ay galing sa best friend ko.

Agad akong nakatulog sa sama ng loob. I woke up feeling a little better than last night.

Kuya Anselm sent me pictures from Gio's party. There's only a few people in there. Bandmates niya lang ang nasa picture, Chelsea was also there. Magkatabi silang dalawa ni kuya Anselm sa picture. Napangiti naman ako.

Ni-zoom ko ang shots ni Gio, kahit hindi siya nakatingin sa camera. Ang pogi pa rin niya sa stolen shots ni kuya. There was him busy with his phone, naka-dekwatro sa upuan, may hawak na juice at ginugulo ang kanyang buhok.

I smiled seeing the photos. Nabawasan ang tampo ko sa kanya. Ilang minutong tinitigan ko lang ang pictures ni Gio bago kalampagin ni kuya Santino ang pinto ng aking kwarto.

Mabilis akong naligo at nagtungo sa kusina upang magluto ng lunch na ibibigay ko kay Gio.

Basta he's happy, I'm happy as well.

"Catherine!" Sinalubong ako ni Chelsea ng yakap. "Are you okay? Bakit ka pumasok? Magaling na ba ang lagnat mo? Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Dinampian niya ng kamay ang aking leeg. Tumango naman ako sa kanya. "Okay lang ako, don't worry about me. Ipinahinga ko na lang. Lagnat lang iyon, si Catherine ito." Ngumisi ako sa kanya.

Binuka niya ang kamay ko. May nilagay siyang bagay, nang tingnan ko ito. It was a guitar keychain. Galing iyon sa birthday ni Gio.

"Hindi mo naman sinabing hindi ka makaka-attend."

I never told her. Hindi ko sinabi iyong nakita sa bag niya. Nahihiya akong amining nalungkot ako at nakaramdam ng konting inggit sa invitation card na iyon. I know Chelsea. Hindi ko man sabihin sa kanya, she'll give it to me without hesitation.

Umiling ako at ibinalik sa kanya ang keychain. "Remembrance mo iyan, Chelsea. Ayos lang, promise." Yumakap ako sa kanya at ngumiti.

She's just so thoughtful. Pumasok kaming dalawa ng room. Marami din siyang pictures na nakuha mula sa event. Nagpapasa naman ako noon. May video rin siya ng performance ng Asymptote.

Walang kupas, ang galing nila. Sa video, tumatayo rin ang balahibo ko gaya ng sa live performance. They really deserve success.

Tutok na tutok ang mata ko kay Gio habanag nagpe-perform. The birthday boy never missed. He's so talented. Why does he have all the good qualities?

Lunch time. Nakisuyo ako kay Chelsea na ibigay ang lunchbox ko kay Gio kasama iyong note ko. Naguguluhan pa ako sa dapat kong maramdaman ngayon para sa kanya. There's still a bit of tampo. Alam ko namang lilipas din iyon, hindi naman nagtatagal ang tampo ko.

Ilang beses man akong magtampo, siya pa rin ang crush ko. Siya pa rin ang gusto ko. It didn't change.

Ako na lang ang natira sa room, pagbalik ni Chelsea, sabay kaming dalawa na bababa ng canteen para kumain.

"Chel --- Gio..." Nagulat ako pumasok ito ng pinto imbes na si Chelsea. He had my lunchbox, and there is another one on his hand.

Inilapag niya ang kanyang dala sa isang desk. Pinagmasdan ko lang siya habang ginagawa iyon. Hindi ako sigurado sa magiging reaksyon ko. I was surprised.

"Asan si Chelsea? Anong ginagawa mo rito?" I asked him.

"Kakain. She's with your kuya."

Napakamot naman ako sa ulo. "Ah, kailangan ko pang bumili ng pagkain sa canteen, Gio. I have to go."

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now