Ikatlong Kabanata

29.8K 826 296
                                    

Kabanata 3

Txtm8

Isang linggo kong baon ang kilig sa pagsasabay namin ng lunch ni Gio ng mapagalitan ako ng Math teacher namin. Nayayamot pa rin ako sa nangyari pero iyon ang naging daan para magkasama kami ng crush ko. Kahit isang daang beses niya akong ipahiya, kung si Gio naman ang kapalit, okay na sa akin.

Ganoon pala ang feeling ng kasabay kumain ang crush, medyo nakakalito kung alin ang kakainin ko --- iyong pagkain o siya mismo. Joke lang! Mangingisay ako sa kilig, daig pa kapag nagri-release ako ng tubig sa bladder.

"Mommy!" Tumingin sa akin si mommy, kausap pa niya ang mangingisda. May dala silang fresh na huli. Nagpaalam din ang mga ito ng bayaran ang kanilang huli. Mukhang masarap ang seafood boil.

Lumapit ako sa kanya para tumulong. Kinuha ko ang balde na may lamang alimango. They are still alive and trying to get out of their miserable fate. Poor crabs.

Dinaluhan kami ni ate Melba. She got the crabs from me. Lahat naman marunong magluto sa bahay, maliban lang kay daddy. Feeling niya naman hari - harian siya ng bahay.

"Mommy, iyong specialty sauce mo, please! Damihan mo po ng sili." Ngumisi ako. "Para hindi makakain si kuya Santino." dagdag ko pa.

Kahinaan ng kapatid ko ang maanghang na pagkain. It doesn't suit his taste buds. Favorite ko naman ang maanghang. Hindi ako nasasarapan sa pagkain kapag walang hot sauce.

"Ikaw talaga, Catherine. Gagalitin mo na naman ang kuya mo. Pag-iibahin ko ang sauce ninyo. He wouldn't like anything spicy." Ginulo niya ang buhok ko.

Pinagmasdan ko siya habang ekspertong kinakaliskisan ni mommy ang mga isda. They are going to grill the fish. Si ate Melba ang naglinis sa hipon at kasag. I was watching them, trying to learn their techniques in cooking.

Parang gusto kong kuhanin ang Home Economics strand sa senior high school. Cooking is something I enjoy. Siguro naman, hindi na rin ako susundan ng Math doon.

Naupo ako sa stool at nangalumbaba sa counter.

"Mommy, pwede na ba akong gumamit ng ponds or iyong eskinol?" tanong ko.

I'm getting more and more conscious with my face. Nagdadalaga na nga ako. Mas lalong dumarami ang tigyawat ko sa mukha. Minsan gusto ko itong tirisin, baka naman magkaroon ng impeksyon lalo akong pumanget.

"No. Your skin is too young. Let's go to a derma clinic, let's consult a dermatologist first. Kung anong recommended nilang facial cream, iyon ang gagamitin natin."

"Pero mommy, okay naman po sa mga commercial. They work just fine." I reasoned out.

"Catherine, iba't iba ang skin's sensitivity. It could work for them. It might not work for you. Baka ma-irritate ang skin mo, sige ka, dadami iyan." Napahawak naman ako sa face ko. Ayoko nang madagdagan pa ang mga ito.

"You look beautiful, anak, even with pimples."

Ngumuso ako. Si mommy at daddy lang ang nagsasabi noon sa akin at ang mga kuya ko. But other people don't see the beauty they saw on me.

"May nililigawan na po ako, mommy. Hindi na pwedeng panget ako." S'yempre, ang dami ring manliligaw ni Gio. Hindi ako pwedeng magpatalo.

She looked amused. "Nanliligaw ka? Alam ba ng daddy mo iyan?"

I nodded. "He's cool, mom." Ngumiti ako.

"Oh my God, Catherine. Bakit naman ikaw ang nanliligaw?" Nagkatinginan sila ni ate Melba. They both laughed. "At saka, kung gusto ka talaga ng lalaki. Appearance is the last thing they would worry. Catherine, you're still a caterpillar. Wait for your time to turn into a butterfly. You're still in the metamorphosis stage. Trust the process."

Fragments ✔ (Haciendero #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora