Ikadalawampu't Isang Kabanata

23.4K 600 104
                                    

Kabanata 21

Cupcake

Time flies so fast.

Ito na ang huling taon ko sa junior high school, next year, senior high na ako. Malamang. Ang malas naman kung mananatili ako ng junior high, isa lang ang ibig sabihin noon, hindi ako nakapasa ng grade ten.

Kinagat ko ang aking labi habang pinoproseso ang impormasyon, grade ten na talaga ako! Akalain nga naman, nakapasa ako ng tatlong taon ng crush lang si Gio. I'm so proud of myself.

Kailangan ko iyong ipagpasalamat sa mga tinularan ko ng assignments lalong - lalo na sa Math. They saved my high school life. Wala naman akong masyadong ambag, kahit ganda, wala akong maibibigay.

At the same time, Kuya Cassian is now eliminated in bahay ni daddy. Nasa Manila na siya kasama ang mga kuya kong nag-aaral. Even Lope is in the city. Magkasama yata ang dalawa sa apartment ni kuya Santino. I don't know, daddy didn't want to discuss it with me. Para namang others.

The pioneers of our fans club graduated, too. I'll be missing Aubrey and Joan. Game na game ang dalawang iyon sa kahit ano basta para sa Asymptote.

Kaming dalawa na lang ni kuya Anselm ang naiwan dito sa San Andres. Sa susunod na taon, college na rin siya. Ibig sabihin noon, college na rin si Gio ko. Kailangan ko ng magawan ng paraan, bago man lang siya umalis, taken na siya.

If Gio went to college without a girlfriend, mas marami ng babae sa kolehiyo. Mas maganda. Mas matalino. Super hot. Sa kabilang banda, ayoko rin naman siyang matali sa akin at maging miserable kung hindi niya talaga ako gusto.

Nahahati ang puso't isip ko sa gusto kong mangyari.

Landi hard ang labanan at ligaw harder. Hindi kaya. Hindi ko nga siya nilalandi, kinukulit kamo. Kaya laging sumasakit ang ulo ni Gio dahil sa akin.

We had great progress within the past year. Pakiramdam ko, gusto na rin niya ako. Assume lang hanggang magkatotoo. Assume lang hanggang dumating ang puntong hindi na kailangan pang mag-assume.

"Uy, may transferee daw!"

Umingay ang room namin sa ikalawang palapag ng E-type building sa balita ng isang babae kong kaklase.

"Gwapo ba? Kapag hindi gwapo, umuwi na siya, hindi ako interesado." Sabat ni Jala na agad na nahagip ang balita. Isa ako sa mga natawa sa sinabi niya. She rolled her eyes at us. "Oh, bakit? Pare - pareho namang manloloko, s'yempre, doon na sa gwapo. Men are trash."

"Stop generalizing men, Jala. Nasaktan ka lang ng imaginary boyfriend mo, kung umasta ka akala mo naman sinaktan ka ng lahat ng lalaki." Nanlaki ang mata ko ng sumabat si Chad. Nagkatinginan kaming dalawa ni Chelsea.

Popcorn. Umagang - umaga, gusto ko ng popcorn.

"If the shoe doesn't fit, don't wear it. Hindi ka naman pala kasama sa mga lalaking trash, why you even defend yourself? Isa lang ang ibig sabihin noon, you're guilty." Jala answered. Napapalakpak naman ako.

"Hindi nga lahat ng lalaki." Pinagdiinan pa iyon ni Chad.

Si Sai ang sumali sa usapan. "Men are trash are just the same with snakes are poisonous or mosquito causes dengue. Alam naman nating hindi lahat ng ahas ay may lason, pero kung hindi natin alam ang species na poisonous, we consider them all as poisonous. Which mosquito causes dengue? Which aren't? Same with men are trash, hindi din naman natin alam kung sino iyong matino o hindi. Kaya kung hindi ka naman kasama sa trash na lalaki, why bother defend yourself?"

Pumalakpak akong muli at sumigaw ng pagkampi kay Sai. Kahit hindi ko lubos na naintindihan ang poisonous, s'yempre, alam ko naman lagi siyang tama. I understood the logic.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now